Nagising ako sa tama ng sikat ng araw sa muka ko. Agad kong iminulat ang mata ko pero agad ding naipikit dahil sa matinding sikat ng araw. Bumaling ako sa kabilang bahagi para doon buksan ang mata ko.
Agad akong napatayo sa higaan ko nang makitang wala si Josh sa tabi ko. Umuwi ba ito? Ang natatandaan ko ay bago ako mahulog sa mahimbing na tulog kagabi ay nakayakap na sa'kin ang fiance ko.
Bumuntong hininga siya bago tignan ang orasan sa side table, 9:45 am. Naiinis ako kay Josh, bago ako matulog ay wala siya sa tabi ko, pati ba naman ngayong pag mulat ng mata ko? Kabuong birthday niya, wala siya sa tabi ko! Balak ko pa naman siyang batiin imbis na magalit dahil late sila umuwi kagabi.
Naiiling akong pumasok sa banyo para mag toothbrush, saglit lang iyon at nang matapos ay lumabas na. Saktong pag labas ko ng banyo ay may kumatok naman mula sa labas.
"Good morning, breakfast is ready!" Masiglang bati ni Erika nang makita ko siya sa harap ng pinto ko.
May hawak siyang wooden tray at may laman iyong breakfast. Kunot ang noong nag angat ako ng tingin sa bestfriend ko, ano nanamang pakulo nito?
"Para sa'kin ba talaga 'yan?" Paninigurado niya.
"Yes naman! Papasukin mo na ako dahil nangangalay na ako here." Kanina ay sweet ito, ngayon ay demanding na.
Natatawa akong binuksan ang pinto ng kwarto para makapasok si Erika. Nilapag niya amg table sa ibabaw ng kama niya at sinenyasan siya na lumapit doon.
"Ano nanaman itong drama mo ha?" Nangingiting tanong ko kay Erika. Kinikilig na ako.
"Duh! I'm your maid of Honor!" Maarteng sabi ng kaibigan ko.
"Wala pa namang plano sa kasal namin, excited ka talaga!" Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang mga pagkain na inihain niya para sa akin.
"Ay 'di ka sure! Os'ya, lalabas na muna ang iyong beautiful maid of honor. After mong kumain, take a bath, darating na ang mag mamake up sayo mamayang 10." Nag simula nang mag lakad si Erika papunta sa pinto ng kwarto.
"Hoy anong mag mamake up? Bakit? Para saan—" Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil naisara na niya ang pintuan.
Nag baba ako nang tingin sa hinanda ni Erika para sa akin. 10 chicken nuggets, 2 pieces of pancakes, 5 strawberries and iced coffee, hindi rin nawawala ang watter. Kapag si Erika ang nag hahanda ng umagahan ko ay siguradong walang kasamang kanin, sa akin lang natuto si Erika na mag kanin sa umaga para sa dagdag lakas.
Kumuha ako ng isang nuggets at kinain iyon. Nag patuloy ako sa pagkain hanggang sa hindi ko namalayang naubos ko na iyon. Nang matapos ako ay iniwan ko muna ang tray sa lamesa na nasa katapat ng sofa.
Nakalimutan ko palang itanong kay Erika kung nasaan si Josh.
Pumasok na lang ako sa banyo at naligo, 30 minutes din ang ginugol ko roon. Nag bihis kaagad ako ng white tube dress. Wala ako sa mood maligo ng dagat ngayon.
Pinatuyo ko muna ang buhok ko tsaka nag lagay ng lip balm bago lumabas ng kwarto. Agad akong nag taka nang makitang may pinapasok silang manekin na may suot na wedding gown, sino ang ikakasal?
Wala pa namang date ang kasal nila Ken at Xia. Bakit may wedding gown dito? Nang tumingin ako sa mesa ng sala ay mayroon doong make up at mga hair accessories, sa kalapit noon ay may mga paper bag din ng mga mamahaling brand.
"Anong mayroon?" Tanong ko kay Xia at Lujill na may dalang bulaklak. Sabay naman ilang napatingin sa akin.
"Kasal." Ngumisi si Lujill at nag patuloy sa paglakad, sinundan ko sila.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
Fiksi PenggemarGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...