"Seah," Lumingon ako kay Tita nang tawagin ako nito.
Naka upo siya sa table ni Josh habang ako ay kakatapos lang palitan si Josh ng damit. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Bakit po?" Tanong ko.
Kanina pa ako nag tataka kung bakit siya narito. Ang alam ko kasi ay twice a month lang pumupunta rito si tita, madalas ay si kami ni Josh ang bumibisita sa kanila.
Tinignan ako ni Tita ng matagal. Parang may gusto siyang sabihin, naramdaman ko kaagad iyon.
"Alam kong hindi kayo ayos ni Josh at alam kong iyon ang dahilan kung bakit siya nag lasing. Ayusin n'yo 'yan ha, ayaw kong nakikitang nag kakaganiyan ang anak ko, ayaw kitang nakikitang nahihirapan ng ganiya. Lagi mong isipin na nangyayari ito dahil may dahilan." Makahulugang sabi ni Tita. Napaiwas ako sa kaniya ng tingin at tumingin kay Josh.
Ngayon lang kami nag away ng ganito. Kung mag aaway man kami noon ay hindi tumatagal ng isang araw, humihingi na agad siya ng sorry bago ako makatulog. Pinapuntahan niya pa nga ako noon sa bahay para lang maka hingi ng sorry kahit busy siya. Ngayon ay ganito kami. Hindi ako sanay ng ganito pero ito 'yung gusto ng tadhana—pahirapan kaming dalawa.
"Gusto ko rin pong mag kaayos kami Tita, masyado lang masakit para sa'kin kaya hindi ko magawang makausap siya ng maayos."
Naramdaman ko ang kamay ni Tita na hinahagod ang likuran ko. Nag sisimula na ring tumulo ang mga luha ko.
"Maayos din ang lahat. Mauna na ako, may kailangan pa akong gawin. Ikaw na muna ang bahala kay Josh ha." Pag papaalam ni Tita kaya tumingin kaagad ako sa kaniya.
"Sige po Tita, ingat po kayo. May sasakyan po ba kayo? Hatid ko na po kayo." Alok ko kay Tita, akmang kukunin ko na ang susi ng kotse ko nang mag salita siya.
"Hindi na Seah, mag bobook na lang ako ng grab. Ayos lang ako." Pigil niya sa akin.
Hindi na ako umangal pa, hinatid ko si Tita hanggang sa pinto.
"Ingat po," Yumakap muna ako sa kaniya bago isarado ang pinto.
Isang malakas na bugtong hininga ang kumawala sa akin bago pumasok ng cr, may damit naman ako rito kaya naligo na rin ako. Hindi ko kaya ang amoy ng usok na dumikit sa damit ko.
Matapos kong maligo ay tinignan ko si Josh. Tulog na ito kasama si Zia. Tinignan ko ang ref niya kung mayroong makakain, may ensaymada roon. Kinuha ko iyon at nag lagay sa platito.
Habang kumakain ay tumawag ako kay Erika. Baka kung ano na ang nangyayari roon.
"Love, Seah don't leave me, please, I l-love you, mahal please." Kaagad akong lumingon kay Josh nang mag salita ito.
Nakataas ang isang kamay nito habang nag sasalita pero tulog. Mukang nananaginip. Nilapitan ko agad siya at tinapik ang muka.
"Hey, Josh, wake up." Niyugyog ko siya para magising. Unti unti naman siyang nagulat, may kung anong sakit sa akin nang makita kong may bumagsak na luha mula sa mata niya.
"Love, you're here. Don't leave me please." Hinaplos nito ang pisngi ko at pinagkatitigan ang muka ko.
"Hindi kita iiwan," Hinalikan ko nag noo niya tsaka humiga sa tabi niya.
Yumakap siya sa akin ng mahigpit, ayaw na akong palisin. Sinuklay ko ang buhok niya habang nakaunan siya sa dibdib ko. Hanggang sa makatulog ako ay iyon ang ginawa ko.
Kinabukasan ay ako ang unang nagising. Nag luto lang ako ng breakfast at pagkatapos ay naligo. Tapos na akong maligo ay hindi pa rin gising si Josh pero si Zia ay naroon na sa harap ng kainan niya at nag aantay nalagyan ng pagkain.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanfictionGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...