"Love, let's go." Aya sa akin ni Josh. Tapos na ang shoot nila ngayong araw at bukas na ulit. Malapit nang matapos iyon.
Narito ako buong araw, nanunuod ako. Aaminin kong masakit para sa'kin na makita kong hinahawakhawakan ng ganoon ng boyfriend ko ang ex niya pero para sa trabaho naman iyon ni Josh.
Pasalamat na lang ako dahil walang bed scene. Gustong lagyan ng writer at ng manager ni Shanine pero si Josh ang umayaw. Feeling ko ay gusto ni Shanine iyon, gustong gusto. Kanina nga ay habang break time nila ay iba ang pagkakatingin sa akin ng babaeng iyon, hindi ko na lang pinansin.
"Love, okay ka lang? You're spacing out." Nawala ang iniisip ko nang mariniga ng boses ni Josh. Nasa sasakyan na pala kami.
"I'm okay, nagugutom na ako. Saan tayo kakain?" Ngumiti ako para iparating sa kaniya na okay talaga ako.
Bumugtong hininga siya bago tumango. "Sa restaurant na malapit dito tayo kakain, date tayo."
Kinindatan niya ako bago ilapat ang kamay niya sa hita ko. Natawa ako sa ginawa niya. Nang makarating kami sa restaurant na sinasabi niya ay bumaba agad kami at pumasok.
"Andami naman!" Reklamo ko sa kaniya matapos niyang umorder, kaalis lang nung waiter para iserve ang order namin.
"Mauubos naman natin 'yon, nagugutom ka na diba?" Nakangising depensa niya sa akin. Hindi na ako nakipag talo sa kaniya, gutom naman talaga ako.
Hindi namin kasama si Zia ngayon, si Mama ang nag aalaga. Matapos naming kumain ay nag shopping kami. Andaming binili ni Josh, kung hindi ko lang siya pinigilan baka binili na niya kalahati ng store.
"Ice cream!" Hinila ko siya papasok sa bilihan ng ice cream para makabili kami. Ako na ang pumila at siya naman ay nag hanap na ng uupuan namin.
I order two oreo cookies. Saglit lang ako nag hintay bago makuha ang order ko. Hinanap ko na kaagad si Josh. Naabutan ko siyang busy sa cellphone niya, nag angat lang ng tingin sa akin nang maupo ako sa harap niya.
"May problema ba?" Tanong ko kay Josh nang mapansin na stress na ang muka niya na kanina ay hindi naman.
"Naextend ang shoot namin, lagi na lang na eextend iyon." Umiling na lang siya dahil wala na siyang magagawa roon. "Bukas ang flight mo papuntang Japan diba?"
"Yup, I'm with Erika. Sa isang araw na 'yung event diba?" Mayroon kasi silang pupuntahang event kasama ang kagrupo niya.
"Yes, gusto ko ngang hindi sumama kaso hindi pwede. Baka hindi na ako makatawag sa'yo sa dami ng ginagawa ko." Napakamot siya ng ulo tsaka sumubo ng ice cream.
"Okay lang basta kinabukasan tawagan mo agad ako, mag pahinga ka kaagad pag uwi mo ng condo ha. Tignan mo 'yang eye bags mo, mas healthy pa ata kaysa sa'yo."
"Pogi pa rin naman ako ah," Napailing na lang ako sa kahanginan nitong boyfriend ko.
"Love, naalala mo 'yung unang interact natin sa eroplano? Papunta kayong Japan no'n for concert." Inalala ko 'yung mga nangyare nung araw na 'yon. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako.
"Syempre naman, hindi ko makakalimutan 'yon. Nakakatawa kaya 'yung reaksyon mo nung makita mo ako, gulat na gulat ka no'n tapos 'yung tinanong mo ako kung anong gusto ko, sasabihin ko sana ikaw kaso naiirita ako roon sa lalaking nakaupo sa kabilang seat, tingin ng tingin sa'yo."
"Ayan! Noon mo pa pala ako gusto ha, selos ka roon sa lalaki 'no?" Pang aasar ko sa kaniya.
"Oo pero hindi na ngayon, akin ka na eh." Kinindatan niya ako ng dalawang beses bago kinain ang huling scoop ng ice cream niya.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanficGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...