03

170 12 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone. Kaganda ganda ng tulog ko kasi may personal 'good night' ako mula kay Josh tapos sisirain lang ng tawag na 'yan.

Tinignan ko ang cellphone ko pero tahimik iyon kaya napabaling ako sa cellphone ni Sean na nasa kabilang table. Tinignan ko ang caller, it's Aby.

Napatingin ako kay Sean na mahimbing na natutulog. Bumugtong hininga muna ako bago kuhain 'yung cellphone at oumunta sa cr, doon ko sinagot iyon.

"Babe asaan ka? Bakit hindi mo sinasagot 'yung mga tawag ko? Babe, I'm sorry, please, let me explain." Ayon agad ang bungad ni Aby nang masagot ko ang tawag.

"Si Seah 'to Aby, tulog pa si Sean. Siguro ay mamaya ka nalang tumawag kapag gising na siya para makapag usap kayo."

"A-Ate Seah, I'm sorry." Umiiyak na sabi ni Aby.

"Kausapin mo nalang siya, ibababa ko na."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, inend ko na agad ang call. Tumingin ako sa orasan, 3 am pa lang? Bakit gising pa si Aby?

Binalik ko na ang cellphone ni Sean at natulog ulit. I wake up around 6 am, nag toothbrush muna ako bago ginising si Sean dahil may klase siya ng 8.

"Sean, gising na, may klase ka pa." Tinapik ko ang balikat niya.

Nag mulat siya ng mata, sa'kin agad tumama ang mata niya. Bumangon siya at humalik sa pisnge ko.

"Morning." Bati niya sa'kin.

"Good morning."

Pumunta siya sa kwarto niya para mag toothbrush ako naman ay pumunta sa kusina, naabutan ko si Mama na nag luluto ng fried rice.

"Good morning, Ma." Humalik ako sa pisnge n'ya tsaka tinignan ang niluluto niya.

"Good morning, anong oras na umuwi ang kapatid mo kagabi?" Tanong ni Mama, hindi siguro naabutan ni Sean na gising.

"8 pm, doon siya natulog sa kwarto ko."

"Ah kaya pala tinignan ko ng alas-nuebe don sa kwarto niya, wala siya."

Hindi na magugulat si Mama kung sa kwarto ko madalas natutulog si Sean dahil bata pa lang kami ay gustong gusto niyang matulog sa tabi ko. Nag kahiwalay lang kami nang kwarto nang mag 18 years old siya pero paminsan minsan ay doon siya sa kalapit ko.

"Nasan si Papa?" Tanong ko kay Mama nang mapansing wala si Papa sa sala.

"Ah hindi ko pala nasabi sa'yo, may bakasyon ang Papa mo kasama nung ka batchmate niya nung highschool. Sa Batangas ata sila." Sabi ni Mama, tumango nalang ako.

Habang hinihintay kong maluto ang sinangag ay binuksan ko muna ang tv at nakinig ng balita. Naibalita ang successful concert ng SB19 sa Japan.

"Sila diba 'yung idol mo ate?" Napatingin ako kay Sean na umupo sa katabi ko, nakababa na pala siya.

"Oum, ayon ako oh." Turo ko sa sarili kong nahagip ng camera mula sa baba.

"Naks nasa tv oh." Nakangiting sabi sa'kin ni Sean.

Alam kong sa likod nang ngiting iyon ay may sakit siyang tinatago, halata sa lungkot ng mata niya at kahit gawin niyang normal ang ngiti niya, makikita mo 'yung sakit.

"May chika ako sa'yo." Sabi ko sa kaniya.

Ganito kami lagi, nag chichikahan sa umaga, nag shashare kami ng tea sa bahat isa. Nakagawian na namin iyon.

"Mamaya na kayo mag kwentuhan, kumain na muna tayo." Sabi ni Mama mula sa kusina.

Pinatay ko ang tv at pumunta sa lamesa, may tocino at hatdog doon tsaka fried rice. Nagsimula kaming kumain, nag kwekwentuhan kami ni Mama. Pansin ni Mama nag pagiging tahimik ni Sean dahil dati ay siya lagi ang nauuna sa kwento ngayon ay tamik lang.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now