-----Evan's POV-----
Ang sarap ng feeling ko ngayon. Yung feeling na kasama at nakaakbay ako sa taong mahal ko. Yung taong matagal ko nang hinihintay. Andito lang pala sa tabi ko. Napakalaki ko palang g*go kung tutuusin.
Naalala ko na naman yung usapan namin ni Ellaine. Na dahilan kung bat hanggang ngayon ay nakangiti ako nang abot tenga.
"Nung bata pa tayo, nakilala na kita. Siguro di mo na natandaan pero yun ang araw kung bat kita hinangaan at kung bat kita minahal maging hanggang ngayon ay mahal pa rin kita." Sabi nya sabay labas ng bracelet nya na may picture ng isang batang lalaki. At kung di ako nagkakamali ay ako yun.
"Ako yan ahh! " sabi ko.
"Oo, ikaw yan. Binigay mo sakin yan nung bata tayo, kaya hinanap kita at natagpuan nung high school, sa states ka daw kasi nag Elementary. Tas dun na nagsimula ang lahat."
Yan yung usapan namin. At sobra akong natuwa. Bakit? Dahil yung babaeng matagal ko nang minamahal at babaeng matagal ko nang inaantay ay matagal ko na palang kapiling. Sya yun..
Naalala ko yung kwinento nya. Noong bata pa kami, may isang bata akong nakita, umiiyak sa ilalim ng isang puno kaya naman nilapitan ko sya. Wala pa akong mga kaibigan noon kaya naman sobra akong sabik na magkaroon. Dahil na rin sa higpit sakin ni Dad.
Mula ng makita ko sya, napako na agad ang mga mata ko sa magaganda niyang mata. Those irresistable eyes. At dun ko nasabing may mahal na nga ako. Kahit bata palang ako, naging crush ko na ang batang yun. Kaya nangako ako sa sarili ko na sya lang ang mamahalin ko. Pero mapaglaro ang tadhana, di ko natupad yung ipinangako ko, dahil nahulog ako kay Ellaine. At sa di rin malamang dahilan, tadhana na ang nagbigay daan para magkita kami ulit. Siya pala ang batang yun. Ang batang matagal ko nang hinahangaan.
"Hey! Are you okay? Andito na tayo ohh! Tama na ang akbay. Masyado ka nang chansing ey." Bigla lang bumalik ang lahat ng magsalita si Ellaine.
Andito na pala kami sa resthouse. At sabay nito ang pagkabog bigla ng dibdib ko. Nakakakaba ba talaga to? Parang di ako to. Ako? Na si Evan Dave Sanchez? Grabe lang! Nakakakaba talaga pagdating kay Ellaine.
Tumango na lang ako at tumuloy na kami sa bahay. Dinala ko sya sa swimming pool nitong rest house.
"WOOOOOWWWWW! *Q* " yan ang nabulalas ni Ellaine. Panong hindi? Ang ganda kasi ng disenyo sa pool. May nilagay ako doon na mga kandila sa paligid nito. Kaya naman nagrereflect sa tubig ang ilaw na nagmumula sa mga munting kandila na ito.
At nagpalagay din ako ng kandila sa mismong pool. Hugis puso ito. Kaya naman napakaganda talaga nitong tingnan.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko kahit naman halata na. Parang ewan lang ey noh?
"Oo naman, sobra. Teka! Ano bang meron?" Takang tanong nito sakin.
Hay! Sasabihin ko na ba talaga? Tae naman! Daig ko pa ang nangabayo sa sobrang kaba ko ey. Gahd!
"Ellaine, alam kong masyadong mabilis. Isang buwan palang ang lumilipas simula nang maging akin ka. Pero ilang taon na rin simula nang makilala kita. Akala ko noon, hindi ako magkakagusto sayo, pero sa di ko malamang dahilan. Nahulog ako at nilamon ko lahat ng sinabi ko sayo. Sa loob ng mga taong naging magkasama tayo at sa di tamang pagtrato ko sayo nung mga panahong pinapakita mo sakin kung gaano mo ko kamahal. Ngayon, gusto ko sanang patunayan pa ito sayo hanggang sa huling hininga ko sa mundong ito. I can't see my future without you. You're my everything. And please be my queen, Ellaine Weidsman Delos Santos."
Hindi ko alam pero umiiyak ako, kasabay ng paghikbi ng babaeng pinakamamahal ko. At dun na ako lumuhod sa harapan niya. Kasabay ng pagdukot ko ng isang maliit na box mula sa bulsa ko. Di ko malaman pero alam kong masaya sya.
BINABASA MO ANG
The Rejection (Completed)
Teen FictionNareject ka na ba? Anong gagawin mo kung ang buong buhay na pagsunod mo sa kanya ay ilang beses ka na niyang nirereject? Magtatanga-tangahan ka pa rin ba sa kanya o magbabago para sa makakabuti? o magREREVENGE? just to be satisfied sa pananakit na g...