chapter 29: Reconcile

3.1K 45 5
                                    

-----Ellaine's POV-----

"S-S-Sino ka?" Sabi niya habang nakakunit ang noo. Waaahhh!!

"Hala? Waaahhh! Wag mo sabihing may amnesia ka? Waaahhh! Di ko pa nasasabing mahal kita ey. Wag muna please. Waahhh!" Halos maluha-luha kong sabi.

Aayusin ko pa love story namin tas ganito? Waaahhh! Ayoko na! T_____T

"S-sino ka nga?" Sabi niya ulit. Aww :( di na nya ako kilala. Uwaaa :(

"Hindi mo ba ako naalala? Evan naman ihh! Si Ellaine to. " sabi ko na naiiyak na talaga :'(

"Ahhh! Akala ko FUTURE WIFE ko ^-^V" sabi niya. Ahhh! Future wif-- what?

NapaJaw drop na lang ako. Gag* to! Pinagtripan ako.

"Waaahhhh! I hate you! I hate you! Pinagtripan mo pa ako ahh! Walang hiya ka! Sana di ka na lang nagising!" Sabi ko habang hinahampas sya.

Tawa lang ng tawa yung gag* leshe -.- pagtripan ba naman ako. Di na ako nakuntento sa hampas. Piningot ko na rin sya.

"Ahhh- hahahahaha- ang sakit- hahahaha!" Sabi niya. Puro tawa lang naririnig ko. Baliw sya.

"Ano? Pagtatawanan mo pa rin ako?" Sabi ko habang nakapingot pa rin sa kanya.

"Oo-- hindi na! Ang sakit pfffttt!" Sabi niya habang nagpipigil pa rin ng tawa.

Tinanggal ko na yung pagkakapingot sa kanya. Kitang kita ko naman yung pamumula ng mga iyon dahil sa pagkapingot ko. Sorry sya, lakas niya akong pagtripan ey.

"kakagaling ko lang sa coma tas ginaganyan mo na agad ako? Grabe ka naman FUTURE WIFE ^-^v"

>//////////////////////< ~blush? OMG! Future wife daw oh! Yiiiiee!

Bat ba ako kinikilig? Sipain ko yang baliw na yan ey -.-

"Uyyyy! Nagbablush ^-^" ngiti niya pa. What's with him? Kanina pa nakangiti? Parang tanga -.-

"May kasalanan ka pa sakin kaya wag mo kong ganyan-ganyanin ahh!" Sabi ko na nagtataray.

Bigla naman syang nagseryoso.

"About that, gusto kong magsorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry sa lahat ng pagkakamali ko. Nagpadalos-dalos ako. Nagsinungaling din ako." Huminga sya ng malalim kaya naman sumingit ako.

"Nagsinungaling?" Sabi ko.

"Ang totoo nyan Ellaine, nagsinungaling ako sayo. About sa pinagpustahan ka namin? About sa hindi kita mahal. Ang totoo nyan, sinabi ko lang ang mga iyon nung prom dahil gusto kong lumayo ka sakin. Kahit alam kong mahal kita." Sabi niya.

"A-ano? N-naguguluhan ako!" Sabi ko na punong puno ng pagtataka.

" Alam kong isang taon na ang lumipas, sa loob ng isang taon. Pilit kong gustong sabihin sayo yung mga iyon. Na hindi totoo ang sinabi ko nung prom. Sinabi ko yun dahil ayokong pagpyestahan ka ng mga fans ko." Tumingin sya sa malayo at parang may inaalala.

"Naalala ko dati, nung may tatlong babae na humarang sayo. Nandun ako. Bubuhusan ka dapat nila ng kung ano nun, kaso hinila ko na sila at di na natuloy yung balak nila. Simula nun natakot ako na pag dumikit ako sayo, mas lalo ka lang mapapahamak. " huminga sya ng malalim. (Flashback sa Chapter 14 yung eksena na yan)

"Nagsinungaling ako sayo kasi gusto kitang protektahan kaso nag-iba ey. Kasi di ko pala kayang malayo sayo. Kaya i keep on stalking you. Iniyakan din kita pero alam mo? Kahit gaano katagal, di ako nagsawang maghintay. Maghintay ng pagkakataong makikinig ka sa mga paliwanag ko at magkaayos tayo. " nakikinig lang ako. Naramdaman ko na lang ang mainit na tubig na bumababa mula sa mata ko.

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon