chapter 13: between us

3.8K 59 0
                                    

-----Ellaine's POV-----

         Days, weeks and months past. Ang tagal na simula ng makaengkwentro ko yung matandang lalaki. Pero ewan ko pero i have the guts that he has a role in my life, hindi ko lang alam kung ano. Ang tagal na pero di ako makamove on sa nangyari.

         Kinakamusta niyo kami ni Evan? Hahaha xD ihhhhh! Kinikilig ako hahaha xD ey kasi naman, mas naging close na kami ngayon.

        pero minsan bopilar yun, isip batang magpapout para lang magrant yung request niya tas magigng seryoso na kala mo mangangain ng tao at minsan lutang. Ang WEIRD nga ey.

       Marami na rin akong nalaman sa kanya, lagi niya rin akong hinahatid sa bahay kung pede kasi minsan kailangan nyang mauna kasi daw may aasikasuhin sa business. Ang galing lang noh? 4th year high school pa lang kami tas business minded agad sya. Well, yun yung buhay niya ey.

        Minsan nga hinihiling ko na maging mayaman ey, malay mo magustuhan niya ako kaso nung time na hiniling ko yun, biglang nagsalita si Maxine.

         " hay! Sana maging mayaman din ako noh? Para kahit onti magkatoon kami ng chance ni Evan. " yan yung sabi ko nun.

         " ate, hindi pera ang dahilan kung bat nagmamahal ang isang tao tsaka ate, tandaan mo. Money and power corrupts character. Mas okay na yung sapat na nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw kesa maging ganid at mapanghangad tayo " sabi niya.

        Masanay na kayo kay Maxine, mas isip matanda yan kesa sakin ey, minsan nga iniisip ko kung sino talaga ang ate samin ey.

        "Makapagsalita ka, kala mo alam mo yang ganyang bagay." Sabi ko nalang.

       "Inaapply ko lang kasi sa buhay ko yung mga natututunan ko, yan kaya yung sabi kanina sa mass, halatang di ka nakikinig ate ey" sabi niya.

        "Oyy anong hindi? Nakikinig kaya ako. Meron pa ngang sinabi dun na si God lang ang pedeng manghusga sa atin ey." Sabi ko.

       "Hindi ka talaga nakikinig ate, nung nakaraang mass yan ey." Sabi niya.

        "Aish! Whatever" letse! Nababara ako nito ey.

       "Hahahaha xD what do you think about kuya Evan ate? He's really a cutie and hottie" sabi niya. Biglang napunta kay Evan ey noh?

        Diba guys alam ni Maxine ang about kay Evan? At sa crush ko yun pero di niya pa nakikita yun. At nung nakita niya, initial reaction niya? Nganga!

        Ang cute talaga ng kapatid ko hahaha xD

       " alam mo namang gusto ko sya eh" sabi ko.

        "Ang bait nga nya ate ey, binibigyan ako ng cotton candy lagi weeeee ^____^ feeling ko nililigawan niya ako kyaaaahhhh!" Sabi niya at kinikilig pa talaga.

       "May balak ka pa talagang agawin sakin si Evan ahh hahaha xD" natatawa kong sabi kasi pamilya kami ng assumera hahaha xD

         And Yeah :) close si Maxine at si Evan. Ang daldal kasi nitong kapatid ko at kung ano ano pinagsasabi kay Evan kaya ayun sila lagi nag-uusap.

         Marami na rin akong nalaman about Evan. Well, naseshare niya lang. His mother left him and his father, kaya close sila ng dad niya tas iyakin din daw sya.

        Naalala ko yung nagkita kami dati, yung nakita ko syang umiiyak. Mababaw daw talaga ang luha niya.

        Minsan nga kinakantahan ako ni Evan ey, heaven lang yung pakiramdam hahaha xD feeling ko hinaharana niya ako, how i wish.

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon