-----Ellaine's POV----
Nagising ako na mugto ang mga mata ko, well, di na ako magtataka. Ikaw ba naman umiyak habang natutulog ey.
Prom na namin ngayon pero di ako excited, kung partner ko si Evan baka maglupasay pa ako sa kilig kaso wala ey. Nganga xD i heave a deep sigh! Hay! Kung pede lang di umattend ey.
"Ate!" Tawag sakin ni Maxine, same room lang kami remember?
"Bat yun bunso?" Paglalambing ko sa kanya. *smiles*
"Bat ka umiiyak ng natutulog ate?" Sabi niya.
"Wala yun, nalagyan lang ng alikabok yung mata ko. " pagsisinungaling ko.
"Ate, wag mo kong niloloko, nakapikit ka nun, pano ka mapupuwing nun?" Sabi niya.
Natawa na lang ako. Ang tanga kasi ng dahilan ko, talino ng kapatid ko, mana sakin hahaha xD
"Wala yun bunso" sabi ko na lang.
"Ate kung may problema ka, andito lang kami ni mama ahh, love you ate" sabi niya sabay yakap sakin. Awwww! Ang thoughtful talaga niya.
"Ate loves you too." Sabi ko.
-----
Mga alas dos na kaya nagstart na rin ako mag-ayos ng sarili ko dahil 6 pm ang start ng prom.
Lagay ganto. Bihis nito. Lagay ganto. And tenen! Im done hahaha xD ang bilis.
Lumabas na ako at nakita sila mama at si Maxine sa sala.
"Ate, ano yan?" Sabi ni Maxine?
"Ang alin?" Takang tanong ko.
"Yang suot mo. Pupunta ka sa prom hindi sa binyagan. Mukha kang ninang jan ate. Nakanerdy glass ka pa. Ang baduy ate ahh" sabi niya. Tumingin na rin si mama at ang reaction?
"Ano yan anak? Halika nga at aayusan kita. Ikaw talaga!" Sabi niya.
"Ma, okay na toh. Attendance lang naman kailangan ko dun para may project ko ey." Sabi ko. Kasi malamang sa malamang ay papasuotin ako ni mama ng kung ano ano.
"Anong okay lang? Last prom mo na toh oh tas ganyan ka pa? Naku! Halika." Sabi ni mama. Wala na akong nagawa kundi sumama na lang. Naku!
Hubad ganto. Alis ganyan. Lagay nito. Lagay nun. At kung ano ano pang pinagawa sakin ni mama.
"Ma, okay na tong salamin ko, di na kailangan ng contact lens" angal ko kasi si mama pinapasuot sakin yung contact lens ko na may grado. Hay naku!
" anak naman ey. Suotin mo na dali at 5:00 na oh!" Sabi ni mama at sinuot ko na lang dahil ayokong malate tsaka gusto ko maaga ako makarating para wala masyadong tao makakita sakin.
Tapos na ako. Im wearing a peach dress, its like a dress na mahaba tas long sleeve pero see through yun at sa bandang balikat. Basta maganda sya. Si mama talaga!
Nakaheels din ako, sapilitan pa nga ako ey. Sabi ko pede namang flat sandals kaso ayaw ni mama at minake up-an din ako ni mama ng kung ano ano. Ayoko talaga ng mga gantong okasyon, minumurder yung mukha ko ey.
I look myself in the mirror. Wait! Ako ba yan? Lumapit ako sa salamin at halos di ko makilala sarili ko, ANG GANDA KO NGAYON. Sobra. Napanganga na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Rejection (Completed)
Teen FictionNareject ka na ba? Anong gagawin mo kung ang buong buhay na pagsunod mo sa kanya ay ilang beses ka na niyang nirereject? Magtatanga-tangahan ka pa rin ba sa kanya o magbabago para sa makakabuti? o magREREVENGE? just to be satisfied sa pananakit na g...