-----Carla's POV-----
"Nagawa mo ba ang pinagagawa ko sayo?" Sabi ng lalaking nakatalikod sakin at nakaharap sa malaking bintana mula sa office nya.
"Opo, boss" i said. Takot pa rin ako sa lalaking ito. Di ko sya ganoong kilala, at di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag akong makipagsabwatan sa kanya, kapalit ng malaking halaga ng pera.
"You may now leave, Monteverde" he said. Kaya dali dali akong umalis.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay naalala ko kung bat ako nasangkot sa gulong ito. Nakokonsensya ako at gusto ko nang magkaroon ng tahimik na buhay. Pero bat ganun? Puro na lang kamalasan at kailangan ng kapatid ko ang pagpapagamot dahil sa sakit nya. Kaya ko to nagawa ay dahil sa kanya.
Flashback
"Nay! Wag mo kaming iwan. Paano na lang kami ni Zius? Pano na lang kami?" Sabi ko habang umiiyak. Ayokong makitang nahihirapan ang nanay ko.
"Alagaan mong mabuti ang kapatid mo Carla, kahit di kayo tunay na magkapatid, ituring mo sya bilang kadugo mo. Mahal na mahal kayo ni nanay" sabi niya at hinawakan ako.
"Nay! Wag kang pipikit nay!! Nay!! Nay!!" Nakita ko na lang ang pagpikit niya at ang pagluwang ng pagkakahawak nya sa kamay ko.
End of flashback
Simula ng araw na yun ay lumipad ako patungo ng ibang bansa kasama ang kapatid ko. Ampon lang ako ni Nanay pero mahal na mahal ko sila.
Ang pagiging materialistic at paghingi ko noon ng pera sa KANYA, ay dahil gusto kong ipagamot ang nanay ko. Pero si Nanay na rin ang sumuko. Di ko na rin kailangan si Evan. Pero nang mapadpad na ako sa ibang bansa, ay dun ko napagtantong mahal ko sya. Pero, desisyon ko ang iwan sya kaya dapat lamang na panindigan ko ang desisyon ko.
Pero di ko natiis, bumalik ako ng Pilipinas at hinanap siya. Nalaman ko na lamang na may mahal na syang iba, nasaktan ako nun. Sobra.
Uminom ako ng uminom ng araw na yun, at dun ko nakilala ang boss ko ngayon. Di ko sya kilala pero parang magaan ang loob ko sa kanya kahit nakakatakot sya. Parang may ewan. Di ko alam.
Hanggang gumising na lang ako kinabukasan na sinabi niyang may deal kami, di ko alam ang pinagsasabi niya pero sinabi niyang pumayag akong maging kasabwat nya sa pagkuha ng kung ano ang kanya.
Nalaman ko lahat ng plano niya. Si Ellaine pala ang balak niyang kunin, ang sinasabi niyang kanya ay ang karelasyon ng taong gusto ko ring bawiin, kaya pumayag ako. Kapalit rin nito ay ang pagpapagamot sa kapatid kong may malalang sakit, namana niya kay Nanay. Masakit man pero kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko.
--
Nandito na ako sa lumang warehouse kung saan ang hideout at tambayan ng mga tauhan ni boss.
"Mam, andun sya." Sabi ng isa. Mam ang tawag nila sakin dahil mas nakakataas ako sa kanila.
Pumunta ako sa tinuro niyang kwarto at nakita ko si Ellaine. Nakahiga sa sahig habang nakagapos ang mga kamay niya. Di ko mapigilang umiyak.
Hindi ako ganun kasama. Sinabi ko na ring hahayaan ko na lang sila. Nagtry akong mag back out sa deal namin ni boss, pero di pede. Dahil, nakasalalay ang buhay ng kapatid ko.
"Sorry Ellaine"
Nasabi ko na lamang habang pinagmamasdan sya. Alam kong umiiyak sya ngayon.
BINABASA MO ANG
The Rejection (Completed)
Teen FictionNareject ka na ba? Anong gagawin mo kung ang buong buhay na pagsunod mo sa kanya ay ilang beses ka na niyang nirereject? Magtatanga-tangahan ka pa rin ba sa kanya o magbabago para sa makakabuti? o magREREVENGE? just to be satisfied sa pananakit na g...