chapter 16: sana

4K 64 4
                                    

-----Ellaine's POV-----

        After that scene, i choose to go home. Sinabi ko na lang na masama pakiramdam ko kaya pinayagan na rin ako ng teacher namin.

       Pumunta ako sa room ko. At nagmuni muni.

       Ang sakit pala noh? Akala ko lahat ng panrereject kakayanin ko. Tama nga si Drey. Hahaha! I laughed bitterly. Ansakit. Putang ina lang!

       Akala ko kaya ko lahat lagpasan yun pero ngayon, feeling ko susuko na ako. Akala ko malakas ako, na kaya ko lahat. Pero tao lang din ako. Napapagod ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw sakin.

      Bat kasi antanga mo Ellaine? Bat nagpakatanga ka? Hindi ko talaga alam na kaya nyang gawin sakin yun. For pete's sake!

       Minsan masasabi mo na lang na di mo na kaya, hindi dahil sa pagod ka na kundi dahil wala na yung pinanghahawakan mo, yung pinaglalaban mo.

       Umasa nga naman kasi ako ey, tanga ko lang. All along, i was holding all my hopes that someday he can love me back pero it was all my imagination na biglang naglaho ng isang bula. Ang sakit lang na hindi lahat totoo, it was all illution.

       All along, i thought there will be a chance to be friends with me but it was all i thought. Kahit friends lang. Akala ko totoo yung pinapakita niya pero pinagpustahan lang ako? Naging totoo naman ako ahh? Bat ganto yung nangyayari?

       Yung masakit ay yung pinanghahawakan at pinaglalaban mong pagkakaibigan, hindi pala totoo. It was all a piece of Sh*t punyeta lang diba?

       Geh lang Ellaine, iyak ka lang. Bukas dapat wala na yan ahh. Kahit masakit dapat kayanin.

        Hay! Hindi ko alam kung pano pero lahat ng galit ko, gusto kong ibalik sa kanya. Gusto ko maramdaman niyang galit ako, na nasaktan niya ako. Tang*inang mga paasa sa mundo noh?

      Hay! Sana bukas okay na! Sana isa lang tong bangungot na madaling takasan, na paggising mo ay okay lang ang lahat. Sana.. sana..

-----Evan's POV-----

         Masama ba ako? Tang*na! Nasobrahan ata ako kanina. Ang gago mo Evan!

         Ang sakit mang-iwan. Oo, lahat ng sinabi ko kanina, kasinungalingan. Kailangan. Dapat.

       Parehas lang kaming masasaktan ni Ellaine kung di ko yun ginawa. Aasa sya sa wala. Dahil ang isang Sanchez ay para sa Weidsman.

      Isang rason kung bat ko sinabi yung mga yun ay para tigilan na nya ako, tingin ko. Mas masaya na sya ngayon. Tang*ina! Gusto ko ngang pumatay kanina nung niyakap niya yung lalaki kanina. Ang sakit!

       Pero kailangan kong kontrolin, lalayo na ako ey. Hindi na pede. Kahit na MAHAL NA MAHAL ko sya. Kailangan.

      Isa ring rason ay yung isyu sa mga fangirls ko sa school, alam kong lagi syang pag-iinitan. Hindi naman lahat ng oras ay nasa tabi niya ako para protektahan sya. Mas mabuti na rin siguro toh, kahit masakit. Kailangan.

       At ang isa pang rason ay ang katotohanang nilabag ko ang rules ni dad, sabi ko kaibigan lang pero tang*na. Nahulog ako ey, anong magagawa ko? Tulad nga ng rason ni dad kung bat kailangang kaibigan lang ay dahil may masasaktan at may masasaktan kung magmahalan kami, hindi natin alam kung kailan darating ang Weidsman para lang ipakasal ako.

       Ayokong maattached pa kami lalo sa isa't isa kung maghihiwalay din. Dahil mas masakit.

        Pero alam niyo yung mas masakit? Yung nakikita mo yung mahal mong nasasaktan ng DAHIL SAYO. Yung tipong gusto mong punasan yung mga luha na dahil din naman sayo pero di pede. Ito ang pinili ko ey, kailangan kong panindigan.

        Yung masakit din ay yung muntikan ko na syang gahasain. For pete's sake! Hindi ko nakontrol ey. Mahal ko ey pero kailangan kong iwan. Para sa nakakabuti. Masakit pero kailangan.

       At eto na naman ako, umiiyak! Ang bading ko talaga. Ang tanga ko pa!

       Dapat masaya ako diba? Kasi mapoprotektahan ko na sya. Hindi na sya masasaktan pero bat ganun? Ang sakit dito oh *turo sa dibdib*.

      Ngayon, sabihin niyo nga kung masama ako? Nasaktan ko sya, oo, pero nasasaktan din ako. Mas masakit mang-iwan kesa sa iwanan.

       Tang*na! Gusto kong bugbugin ako ni Ellaine, yung ibubuhos niya lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung pede ko lang akuin lahat ng sakit, sana inako ko na.

       Yung makita yung mahal mong nasasaktan? Mas masakit ey. Lalo na pag tumitingin ako sa mata niya kanina, tang*na gusto kong bugbugin ang sarili ko sa kagaguhan ko. Those eyes telling me how much she loves me. Those eyes telling me and begging for love. Pero di ko mabigay. Ang gag* mo talaga Evan. Wala kang kwenta.

       Hay! Sana hindi niya ako kamuhian pero hanggang sana na lang yon ey. Matapos ko ba naman syang saktan ey, sinong hindi? Ang ewan lang noh? So ironic.

        Sana di ko pagsisisihan toh. Sana.. sana..

*****

 4 updates in just one day :D im great XD djk! Hahaha!

Thanks for reading!

Vote and comment ♥

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon