Chapter 30: Warning?

3K 51 1
                                    

-----Evan's POV-----

Kakamulat ko lang. Ngayong araw na ang alis namin dito sa hospital.

Napatingin ako sa gilid ko. Isang magandang dilag ang nakadukdok sa kama ko. Ang sarap lang sa feeling na nakaayos na kami ng taong mahal ko. Ng taong gusto kong paglaanan ng buhay ko. Ang corny mang pakinggan pero ang sarap lang talaga sa pakiramdam :)

Nakaramdam ako ng gutom, ilang months din kasi akong nakahiga dito. Kahit kumain ako kahapon, di ko pa tuluyang nababawi ang lakas ko.

Ayoko namang gambalain si Ellaine, dahil alam kong pagod sya sa pag-aalaga sakin. Alam ko yun. Ang swerte ko lang sa kanya. Hay.

Ako na lang ang bibili ng pagkain namin. Pero bago yun, nilagyan ko sya ng kumot. Di ko naman sya mahiga sa kama at baka magising pa. Gusto ko munang makapagpahinga sya :)

Lumabas na ako ng kuwartong yun. Sa baba lang naman ang mga pagkain dito ey. May mga stall dun ng iba't ibang pagkain. Pero di pa ako nakakalayo ay may nararamdaman akong kakaiba. Parang ewan.

Lumingon ako. Pero mga nurse at patient na tinatransfer sa kung ano ang nakikita ko. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

Nasa babang floor na ako. May uneasiness pa rin akong nararamdaman. Ewan ko lang. Palabas na ako ng hospital at bumili ng makakain namin ni Ellaine.

Habang hinahantay ko yung pagkain namin, nalingon lingon ako. Parang may nasunod sakin kanina ey. Kaya baka mamataan ko.

Natapos na at binigay na sakin yung inorder kong pagkain. Take out na lang din ey. Para dun na lang kami sa taas kakain ni Ellaine.

Paakyat na ako sa floor ng room ko. I used the elevator. Ako lang mag-isa sa elevator. Kaya alam kong di na ako nasundan ng kung sino man yun.

*ting*

Lumabas na ako ng elevator dala ang pagkaing binili ko. Naglakad na ako papunta sa room ko.

Nahawakan ko na ang door knob ng biglang..

"Hmmmmmm! Hmmmm!" May nagtakip ng bibig ko at hinila ako kung saan. Nabitawan ko ang pagkain namin sa harap ng pintuan ng room ko. Syet! What is this?

Nagpumiglas ako sa taong to pero alam kong lalaki sya at malakas sya samantalang ako ay kagagaling ko lang sa sakit. Kaya nanghihina pa ako.

"Aahhh! Sino ka baaa? " sabi ko habang hinihingal. Nakamask siya. Yung parang sa prom. Tsk! Anong kabaklaan yan?

"Congrats bro. " sabi niya. At hinubad nya yung mask. Hindi ko sya kilala pero parang familiar sya. Parang nakita ko na sya dati.

"Who are you?" Bigla kong tanong.

" Im Drey. Drey Louis De Castro." Sabi niya. Hindi ko pa rin alam kung sino pero parang.. ahhh!

"Ikaw yung kasama ni Ellaine nung prom dati nung high school pa tayo diba?" Tanong ko. Alam ko. Sya yun ey. (Chapter 15 po. Yung nakausap ni Ellaine)

"Yeah, ako yun. I just want to congratulate you bro." Sabi niya. A-ano? Para saan?

"H-ha?" Naguguluhan ako.

" Kasi ikaw ang mahal ni Ellaine. Ng taong mahal ko. Siguro tanga lang talaga ako. At pinakawalan ko pa sya. Pero ito lang masasabi ko sayo, Ingatan mo ang taong mahal ko dahil pag yan umiyak, Di ako magdadalawang isip na ipaglaban at kunin sya sayo." Sabi niya.

Nagulat naman ako dun. Mahal niya si Ellaine? Eh gag* pala toh. Akin lang sya. Selfish mang pakinggan. Magagawa ko? Mahal ko ey.

" Sino ka ba talaga?" Sabi ko.

" Basta mahal ko ang babaeng mahal ka. Kaya ako na nagsasabi sayo, ingatan mo sya. " sabi niya.

"Hay! Ewan ko kung sino ka bro. Pero eto lang masasabi ko, di ko sya iiwan at iingatan ko sya, nasa mabuti syang kamay. Di ko hahayaang masaktan ang taong mahal ko. Kaya makakaasa ka." Sabi ko.

"Mabuti na yung malinaw bro. Osya! Congrats ulit. Ikaw ang panalo. Salamat" sabi niya at tinapik ako sa balikat. At tuluyan nang umalis. Di man niya sabihin, bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Sorry sya pero mahal ko si Ellaine.

Pabalik na ako sa Room ko. Nakita kong nakabukas to kaya nag-alala ako kay Ellaine, agad akong pumasok.

"Waaaahhh! EVAAAANN!" biglang sigaw niya habang naiyak tas yumakap sya sakin.

"A-anong n-nangyari? " tanong ko. Ano bang meron?

" ikaw kasi! Akala ko kung nasan ka na ey. Kala ko iniwan mo na ako dito. Kala ko.. mawawala ka na naman sakin." Sabi ni Ellaine.

Ewan pero natutuwa ako sa kanya. I mean, di ako natutuwa dahil naiyak sya ngayon pero natutuwa ako na nag-aalala sya para sakin. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"Hay! Dont worry. Andito na ako ohh" sabi ko sabay layo sa kanya mula sa pagkakayap sa akin. Gusto ko kasing makita sya.

"Look! Hindi na ako mawawala sayo Ellaine. Sorry kung pinag-alala kita. Mahal kita Kaya di kita iiwan. Tandaan mo yan ahh. Wag nang umiyak" sabi ko na inaamo sya.

Pinunasan ko gamit ng thumb ko ang mga luha niya. Nahihikbi-hikbi pa sya. Aww. Ang kyot lang nya ^^

"Mahal din kita Evan" sabi niya at ngumiti sya, kahit medyo basa pa yung pisngi niya dahil sa luha, ang kyot pa rin at ang ganda ganda pa rin niya ^^

"So? Tayo na?" Biro ko naman xD

"Anong tayo na? Manligaw ka muna noh" sabi niya. Hala? Nagbibiro lang ako dun. Di ko alam na totohanin niya pala.

"Ihh! di ako marunong ey. Pano ba? " tanong ko. Totoo yan, karamihan kasi. Babae ang lumalapit sakin. Hahaha xD

"Edi magpaturo ka. Tsk!" Biglang nagsungit. T3T

"Ihh! Ayoko nga. Sa sarili kong paraan kita liligawan wahaha xD alam ko namang di mo ko matitiis ey. Sa pogi ko ba naman na to ey." I was joking xD to enlighten up the mood.

"Pogi? San banda? Wahaha xD oo na lang " sabi niya.

Kailangan ko pa palang mag-isip kung pano mapapa-oo si Ellaine. Dahil kung hindi, aagawin sya sakin ni Drey. O kung sino man yun. Tsk! Wala akong pake. Papatunayan ko pa kay Ellaine na seryoso ako. Na mahal ko sya. ^-^

*****

Thanks for reading!

Vote and comment ♥

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon