Chapter 4: sorry?

5.2K 93 3
                                    

-----Ellaine's POV-----

"gurl, ano kayang sasabihin sayo ni prince?" tanong ni Tom, kanina pa yan ey, paulit-ulit lang yung tanong, at ako, kibit balikat lang, Aba! malay ko ba kung anong sasabihin niya sakin.

Sasabihin niya na bang gusto niya ako? Yiiiiiiiiieeeee! gusto ko yun ehahaha xD kaso imposible :(

kaya lang baka, ipapamukha niya lang sakin kung gaano ako katanga sa kanya? Tas pagtutulakan na naman niya ako? Aish >.< ayoko ng thought na to, kaso posible ey, sa ugali ni prince baka ganun nga -.- ang sakit!

"Hoy gurl! im talking to you" Bigla naman akong nagising sa realidad ng sabihin yan ni Tom.

"eh hindi ko din alam kung bakit, tara na nga Tom at magsisimula na ang first subject natin" sabi ko at hinila siya papunta sa room, malapit na rin kasi kami ey.

sa classroom...

"Trigonometry is a branch of mathematics that deals with relationships between the sides and angles of triangles" sabi ni mam sa maarteng accent hahaha xD pasalamat si mam at favorite ko ang math, well yeah, ang nerd ba? hahaha xD ganun talaga ey.

"in this branch of mathematics, we study the properties of triangles ang trigonometric functions and their applica---" naputol ang sinasabi ni mam ng biglang bumukas ang pinto ng classroom, at pumasok ang pinakagwapong nilalang para sa akin hahaha xD ang lalaking nagpapatibok ng puso ko, chosss!!

"im sorry, im late" sabi niya at dumeretso sa upuan niya, sa likuran ko.

Minsan hindi ko talaga maintindihan si Evan, may time kasi na mabait sya tas magiging snob, ang gulo niya -.- o baka sakin lang? hindi ey, ganun din sya sa iba.

Aish >.< ano kayang sasabihin niya? nacurious tuloy ako, HALA!! baka yung OMOOOOOO!!

hindi naman niya ko sisingilin dahil sa sinabi ko diba? kasi first time lang akong magpakita na nasasaktan ako nun ey tas nagsabi pa ako ng kung ano ano sa kanya, hala! baka nga! wag naman sana.

Dear lord, mabait naman ako ey, wag niyo lang akong hayaang singilin ng gwapong gwapo at hot na hot na abs este si Evan. kahit anong pagawin niya sakin please lang, wag nio hayaang mamatay ako sa kan--- ay tae!

letsugas! may bumato sakin ng paper ball na kulay purple, ibig sabihin may message dun. Dito kasi sa room, pag kulay puti, wala lang yun, trip ka lang batuhin at pag may color, ibig sabihin may message dun.

tiningnan ko kung saan nanggaling yung paper ball kaso lahat sila nasa harap ang tingin, at kunwaring nakikinig, eh takot lang sila kay mam ey hahaha xD hindi ko nakita kung kanino galing yung paper ball kaya binuksan ko na iyon.

lunch break, sa greenfield

~evan

yan yung nakalagay kaya napalingon ako kay Evan pero nakayuko siya at parang natutulog na naman. Haist!

Ano kayang sasabihin sakin ng lalaking to?

Makikinig na nga lang ako, i need to maintain my grades para makapagtapos ako dito sa Hughes Academy na valedictorian.

krrriiiiiiinngggggg!! krrrriiiiiinnnngggg!! ring bells!.

lunch break na at di ko alam ang gagawin ko, gusto kong magtago sa ilalim ng desk hanggang matapos ang lunch break, natatakot ako sa sasabihin sa akin ni Evan ey, pero kailangan. Aish >.

"Gurl tara na" sabi ni Tom

"Ahh, ehh diba may sasabihin sakin si Evan? mauna ka na lang" sabi ko kahit gutom na talaga ako.

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon