chapter 17: Birthday

3.9K 59 2
                                    

-----Ellaine's POV-----

        "AhhhhhhhhHayyyy" hikab ko. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Its already 10 am. Buti at walang pasok after ng prom. After ng araw na pinakaayaw ko.

       "Ateeeeeee!! Kain na!" Rinig kong sigaw ni Maxine, nasa baba na yun pag gantong oras ey. Hay!

        Bumaba na ako at nagulat ako sa nakita ko. Wow!! Kahit mugto mata ko, ang laki ng ngiti ko sa nakikita ko waaaaahhhhh! Andaming masasarap na pagkain sa mesa ^_____^

        Nawala ang ngiti ko ng maalala ko yung nangyari kahapon. Ansakit pa rin. Sabi ko, Di ko muna sya aalahanin. Pero masakit ey. Bat kasi nagpakatanga ka Ellaine? Bat nagpaloko ka? Bat hinayaan mong paglaruan ka lang niya?

        "Ate bat ka umiiyak? Ayaw mo ba ng mga pagkain na hinanda namin ni mama?" Biglang sulpot ni Maxine. Dun lang nagsink in sa akin na umiiyak na pala ako. Ansakit pa rin.

        Hayyy! Gusto ko na tong takasan. Gusto kong tumakbo o di kaya iuntog ang sarili ko para makalimutan ko yung mga nangyari kahapon. Ang sakit na kasi ey. Sobra. Hayy! Ang moody ko talaga. *punas luha tas fake smile* hahaha xD i laugh bitterly, kahit sarili ko pinipeke ko :(

         "Ano bang meron bat andaming pagkain ngayon? " tanong ko.

        "Anak, nakalimutan mo na ba? Its your 17th birth day" biglang sulpot ulit ni mama. Mga kabute tong sila mama ahh.

       Oo nga pala, birth day ko nga pala ngayon. Bat ko nakalimutan? Hayyy!

       "Anak, wag mo na muna syang isipin ngayon, its your day kaya you must enjoy it. Tingnan mo, pati birth day mo nakakalimutan mo na." Sabi ni mama. NapakaOpen ko kay mama kaya alam na niya yung nangyari kahapon, syempre nalungkot sya at nadisappoint kay Evan. Hay!! Bat ko ba iniisip yun -____- Tama! Wag mo muna syang iisipin ngayon Ellaine. Its your day. Okay? *sigh*

         "pagpasensyahan mo na anak kung yan lang naihanda ko ahh, alam mo naman na yan lang kaya natin." Sabi ni mama.

         "Okay lang yun ma, matanda na rin na ako ey, di na yan kailangan pero salamat talaga mama, sa lahat lahat. I love you" sabi ko kay mama sabay yakap.

        "Pasali rin akoooooo" sabi ni Maxine sabay yakap samin. I just savor the moment. Kahit anong sakit ng kahapon, salamat pa rin at meron akong pamilyang gaya nila.

        I patted the head of Maxine tsaka kami naghiwalay. Ansarap sa pakiramdam. Para akong nakahinga ng maluwag.

        "Tara na nga at kumain para mamaya ay makapagsimba tayo." Sabi ni mama. Its our tradition to pray on our birth day. Kaya ayun.

         Kumain na kami at nagprepare para pumunta sa simbahan.

         "Anak, tara na at baka mahuli tayi sa misa." Sabi ni mama.

         Nasa misa na kami at nagdasal. Namasyal rin kami nila mama at bumili ng mga groceries.

        "Ate anong wish mo ngayong birth day mo?" Tanong ni Maxine.

         Hindi ko na lang sinagot si Maxine, i just patted her head and smile. Mga hapon na rin kami nakauwi. Parang normal day lang sa iba pero para sa akin, mahalaga ang araw na toh :) basta kasama sila mama.

         Mga alas singko ng hapon ay naisipan kong lumabas at maglakad lakad, pangwala man lang ng stress.

        Napili kong pumunta sa park at magmuni muni. Nakakabitter yung mga tao dito ahh, mga couples ey hahaha xD. Ansarap tingnan ng araw na palubog na. Lumubog man ang araw, bukas ay babalik din. Lilisanin ka man, babalik at babalik pa rin para magbigay ng liwanag.

        May tao pa bang ganyan? Babalikan ka? Pede naman wag na lang lumisan diba? Pero! Walang permanente sa mundo ey. Lahat ng ito hiram lang, pasalamat na lang at naranasan mo diba? Hayy!

        "BALLOOOOOOOOOTTTTTT!! PENNNNNNOOOOOOYYYY"

         "Ay anak ka ng tinapa." Sa sobrang gulat ko, yan ang nasabi ko. Nakakaloka si kuya, makasigaw kala mo nasa bundok ey.

        "Krrrrruuuuuuurrr" tyan ko yan hahaha xD nagugutom na ako ey.

        "Kuyyyaaaa! Waitttt!" Tawag ko kay manong tsaka sya huminto. Agad akong lumapit at bumili. Hay! Naalala ko tuloy sya, yung lalaking antakaw sa balot, takot kainin pero kinain pa rin hahaha! I laugh bitterly. Okay na rin sigurong isipin ko na sya, patapos na rin naman birth day ko ey.

        Waaaahhh! Nakita ko si kuyang nagtitinda ng kwek kwek at fish ball kaya pumunta ako dun at bumili. Kaso...

       Pagkatusok ko sa isang fishball ay may tumusok din dito?? Hindi ko na pinansin yung nakipag agawan at binigay na lang yun sa kung sino man. Tutusok na ulit sana ako kaso may tumusok na naman. Asarr!! Sino ba toh? Pagtingin ko ay.. pinagsisihan ko ang ginawa ko.

         "Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko.

        "Nabili ng kung ano mang tawag dyan" sabi niya.

        "Tsk. Oo na lang EVAN.. kuya, bayad ko ohh" sabi ko tsaka ako tumalikod at maglalakad na sana kaso hinawakan niya ako sa braso. Taena!

        "Ano ba!! Wag mo nga akong hawakan, nandidiri ako sayo" sabi ko, di ko alam pero gusto kong ibuhos sa kanya lahat ng sakit. Yan na rin ang nasabi ko.

        "E-ellaine! Look! Im sorry!  Sa lahat ng ginawa ko. MAHAL----" naputol ang sinasabi niya dahil tinakpan ko na ang tenga ko.

       " Ano na naman bang kalokohan yan Evan? ayoko na Evan, ayoko nang magpaloko pa. Ayoko na" sabi ko

          "Ellaine, makinig ka please" sabi niya nang umiiyak? Nice act! Tsk!

           "Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo noh? Pakinggan ka? Matapos mo akong paglaruan at pagpustahan? Pakikinggan ka? Ha-ha-ha! Nice joke" sabi ko habang umiiyak na rin, di ko na mapigilan.

          "Ellaine. Mahal kita, hindi kita niloko" sabi niya habang umiiyak parin tsk. Pinanindigan talaga ahh!

          "*clap* clap* clap* nice act! Anggaling ahh, pede ka nang mag artista. Tsk! Mahal mo ko? Di mo ko niloko? Ano pang kasinungalingan ang alam mo? Hah? " sabi ko at huminga muna tsaka nagpatuloy..

           "Tama na Evan. Pagod na akong paniwalaan lahat ng kasinungalingan mo. Ayoko na." Sabi ko sabay punas ng luha at tumakbo na.

       "E-ellaine!" Rinig kong banggit nya sa pangalan ko, pero di ko na pinansin, ayoko nang magpaloko pa. Ayoko nang magpakatanga pa. Ayoko na talaga.

         Ayos na sana birth day ko ey. Kaso may epal! Tss! Masakit na nga kahapon, pati ba naman ngayon? Kapal talaga ng mukha niya. Kinasusuklaman ko sya. Ibabalik ko talaga sa kanya ang sakit.

     Umiiyak akong umuwi ng bahay. Pero nasa harap palang ako ng bahay ay may nakita akong pamilyar na kotse? Isang kotseng magara, na hindi ko alam kung ilang libo ang halaga. Bat andito sila?

       "Ahhhhhhhh arrrayyy!!" Sigaw ko habang nasa gate pa lang ako. Ansakit ng ulo ko. And pictures flash in my head.

        "Hahahaha! I really love you bae! Next time, Sa hongkong naman tayo ahhh, gusto kong pumunta sa disneyland bae!" Sabi ng babaeng blurd ang mukha. Hindi ko sya kilala. Ahhhhhh! Ang sakit!

          "Oo naman bae! Kahit ano basta para sa bae ko." Sabi ng isang lalaki and he kiss the girl on her lips. Sino ba sila? Aahhhhh!!!

          "Maaammmaaaa----" and all turn black.

*****

 thanks for reading!

Vote and comment ♥

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon