Chapter 1: her reason

11K 139 3
                                    

-----Ellaine's POV-----

    Im on my way na papunta sa gym, nagpapractice daw kasi sila Evan dun. San ko nalaman? sa mga chismosa jan sa tabi tabi eh sikat kasi si Evan eh dahil di lang sa pagiging gwapo, matalino, hot, suplado that make him cool , ay isa syang HEIR.

     so yun nga, papunta ako sa gym dahil may bibigay ako sa kanyang cake. Ganyan ako ehh, number 1 fan niya. Parang ako nga yung presidente ng PRINCE EVAN FANSCLUB ehh pero hindi ako yun noh, member lang ako. Hindi naman gaano kasnobber si Evan, pagmay binigay ka tatanggapin niya pero ayaw na ayaw niya sa masyadong makukulit or should i say, sa mga babaeng masyadong nagbibigay ng motibo sa kanya, that's why he really hates me, including his fansclub members A LOT!

     Oh! andito na pala ako. Hinintay kong magwater break sila para naman mabigay ko tong cake na binili ko sa Red Ribbon.

    "Prince Evan, cake oh" sabi ko tas abot nung cake tas feeling ko nagbablush ako sa hiya hahaha xD

    "Thanks" tas di na niya ako pinansin.

     Buti naman hindi niya sinabi yung line niya sakin hahaha xD Good mood ata to ahh!

    "Guys, cake oh! lamunin niyo" sabi niya sa kateam mates niya. Tinanggap niya nga pero hindi niya naman kinain -_______- Ang bad niya -.-

     "Yun oh! thanks bro" sabi nung isa niyang kateammates, mukhang mahilig sa cake kasi nilantakan agad, baliw -.-

   Umalis na ako dun. Hay! for the nth time, nireject na naman ako ni Evan! aish -.- nakakainis na ahh. Kung di ko lang mahal yun ehh hahaha xD yes, tama kayo, MAHAL ko yun noh!

    Pumasok na ako sa room ko at nagpakaestudyante muna. Nga pala, di pa ko nakapagpakilala sa inyo.

    Ako nga pala si Ellaine Delos Santos . 16 years old at 4th year na ako dito sa Hughes (pronounce as "yus" ) Academy. Top 1 ng batch namin, as in whole batch namin. Isa akong member ng fansclub ni Evan. Matagal na akong sumusunod at binibigyan sya ng kung ano ano at nagpapacute sa kanya gaya ng mga kagaya kong member ng fansclub niya. Section B sya. Nakakainis, bat ganun noh? sa section A wala man lang gwapong single? Lahat taken na ehh tas pagtingin mo sa Section B, umuulan ng gwapo. IT'S UNFAIR!! Hahaha xD basta kay prince Evan pa rin ako :P

   Nakinig na ako sa teacher namin, syempre ayokong maagawan ng pwesto sa top noh! Hindi ako nerd ahh, masyado akong magnda para maging gaya nila hahaha xD basta importante sakin makapagtapos ng pag-aaral para naman yumaman ulit kami. Yep, hindi kami ganun kayaman ngayon.

       Dati, mayaman kami kaso nung nangyari yung aksidente na yun, wala ng nakapagpatakbo ng business namin tas nalugi kaya ngayon, sakto na lang. Di mayaman pero di rin mahirap. Nabibili ang kailangan namin. Commoner nga kami.

   Naalala ko tuloy yung aksidenteng yun.

FLASHBACK

When i was 10 years old,nakukuha ko lahat ng gusto ko kasi nga mayaman kami. Parang spoiled kami pero hindi naman masyado. Masaya ako nun, together with my sister, mom and dad.

    Pero dahil sa di inaasahang pagkakataon, naaksidente ang kotse ni dad. Base sa sabi ng mga police, may nakasalubong daw na isang malaking truck si dad, eh one way daw yung dinaanan ni dad, tas yung truck yung hindi alam na one way yung daanan kaya daw si dad, derederetso lang tas nagsalbukan na lang daw. Ang sakit sakit. Sobra! Daddy's girl kasi ako kaya naman hindi ko talaga matanggap.

       May business kami that time about Hotels but because of that accident, nawalan ng President yung company, si dad kasi yung president nun kaso nga nawala na siya kaya unti-unting nalugi yung company. Hindi kasi alam ni mom patakbuhin yung company eh.

        Pero bago pa tuluyang malugi, binenta na lang ni mom yung share namin sa company. Nagsimula ulit kami gamit yung pera na nakuha namin sa shares sa company. Ilang linggo din akong nagmukmok nun sa kwarto ko. tas isang araw sabi ni mom, lumabas naman daw ako to meet new friends. Hindi ko naman kailangan nun ehh, pero gusto ko ring magpahangin sa labas. Kaya lumabas ako tas pumunta ako sa ilalim ng puno na andun din sa subdivision namin. Tas umiyak ako ng umiyak dun kasi sobra ko ng miss si dad. umupo ako at pinatong yung ulo ko sa mga tuhod ko tsaka umiyak. Maya maya may kumalabit sakin.

   "bata okay ka lang?" tanong niya. inangat ko yung ulo ko tas nakita ko sya. Gwapo syang bata.

     "okay lang ako" sabi ko tas ngumiti ako sa kanya.

     "sure ka? eh umiiyak ka eh" sabi niya

      bigla ko tuloy naalala ulit kung bat ako umiiyak tas bigla na lang pinunasan nung bata yung luha ko gamit yung panyo niya.

     "Wag ka ng umiyak, sige ka magkakasipon ka tas magiging kulangot yan" sabi niya. Natawa tuloy ako.

     "Hahaha xD kadiri naman yun" sabi ko

    "yan, mas maganda ka pag nakangiti ka" sabi niya

    "bata palang tayo ahh! ang bolero mo" sabi ko

   "Evan!" may nagsalita, teka! sino si evan? eh ellaine ako ehh

    "Nanjan na po yaya! " sabi niya. Tas tumayo na sya.

    "sige bata! alis na ako ahh, hinahanap na ako ni yaya eh" sabi niya

    "teka! anong name moh?" sabi niya

     "ellaine,ikaw?" sabi ko. Lumapit siya sakin.

    "Evan, Evan Dave Sanchez" sabi niya tas ngumiti siya kaya pati ako ngumiti rin.

    "evan, tara na!" sabi nung yaya niya

    "sige ellaine alis na ako ahh,ay wait'' sabi niya

      "oh ayan, sayo na yan ahh" sabi niya tas may binigay sya. isang keychain na may pic. niya. Ang cute nga eh

     "thanks" ngumiti ako tas niyakap ko sya.

    Aalis na talaga sya, nakatalikod pero bigla na naman syang tumakbo palapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. KYAAAAAHHH!! nagblush ata ako tas natulala ako kaya di ko napansin na umalis na sya.

END OF FLASHBACK

    Simula nun naging crush ko na sya pero hindi ko alam kung san ko sya makikita kaya naman nung nabalitaan kong dito sya naghigh school , hindi ko na pinalagpas yung pagkakataong makikita ko sya. At dun nagsimula kung pano niya ako naging fan pero iba na yung EVAN DAVE SANCHEZ na toh dun sa bata na nakilala ko. Ibang iba ang ugali nila.

    Natauhan ako nung narinig ko yung ring. Break na pala namin, Ang bilis ahh hahaha xD

     pumunta na lang ako sa caf. magbabakasakaling andun si Evan. hay! nakakapagod din pala magmukhang tanga sa harap ng taong gusto mo -.-

**********

10-35 chapters lang po toh kaya nanjan agad yang flashback. Direct to the point. LOLS XD

-hughes07

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon