Chapter 5: Weird day

5.2K 74 2
                                    

-----Ellaine's POV-----

Totoo ba yun? humingi sya sakin ng sorry? alam niyo yung feeling na para kayong nanalo ng lotto kaso biglang binawi kasi nagkamali lang dahil hindi ikaw ang tunay na nanalo? yun yung naramdaman ko ey.

"and ahh! wag kang mag-isip ng kahit ano, hindi ibig sabihin nito ay gusto kita, dahil lang to sa epal kong konsensya, kaya wag kang umasa"

"and ahh! wag kang mag-isip ng kahit ano, hindi ibig sabihin nito ay gusto kita, dahil lang to sa epal kong konsensya, kaya wag kang umasa"

"and ahh! wag kang mag-isip ng kahit ano, hindi ibig sabihin nito ay gusto kita, dahil lang to sa epal kong konsensya, kaya wag kang umasa"

"and ahh! wag kang mag-isip ng kahit ano, hindi ibig sabihin nito ay gusto kita, dahil lang to sa epal kong konsensya, kaya wag kang umasa"

"and ahh! wag kang mag-isip ng kahit ano, hindi ibig sabihin nito ay gusto kita, dahil lang to sa epal kong konsensya, kaya wag kang umasa"

those words are really sucks! akala ko pa naman sincere sya, yung galing sa puso niya, kung meron man! ang sakit kaya niya magsalita, sabi na ey! parang di mabubuo araw nun hanggat di niya napapamukha sakin yung alam niyo na! na hindi sya magkakagusto sa akin.

Napaisip tuloy ako, ano kayang rason kung bat nasabi niya yung mga yun? na hindi sya magkakagusto sakin kahit kailan, siguro dahil panget ako? O baka dahil heir sya at commoner lang ako? O baka may nagmamay-ari na ng puso niya?

naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko sa thought na yun, ibig sabihin, olats na ako! kung sino man yun, ang swerte niya haaayyyy!! i heave a deep sigh at pinunasan ang luha ko! Bat kasi naging iyakin ako? matapang kaya ako, matapang! matapang nga ba? o nagtatapang-tapangan lang haist!

"miss Delos Santos, any problem" sabi ni mam na hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala.

"w-wala p-po" sabi ko.

bumalik na si mam sa harap at ipinagpatuloy ang dinidiscuss.

"so magkakaroon tayo ng group project" sabi ni mam

"ayoko na kayo ang pumipili ng mga kagrupo niyo dahil yung iba ay nawawalan so i will be the one who will choose your groupmates" sabi ni mam

"mam naman ey"

"pero mam"

"mam bakit?"

yan mga naging reaction ng mga kaklase ko, ang aarte ng mga ito, porket mayayaman lang ey haist!

"no buts!" sabi ni mam

sinabi na ni mam ang mga magkakagrupo at masaya akong kagrupo ko si Tom hahaha xD atleast hindi ako loner noh, ey sya lang close ko dito ey.

"select your leader and assistant leader" sabi ni mam

"sino sa atin?" sabi nung isa naming kagrupo

"si Ellaine na lang, top 1 naman yan kaya, kayang kaya na niya yan" sabi nung isa pa.

"oo nga,kaya na nya yan"

"yah rayt, she can do it by her sarili lang"

"ikaw na lang hah!"

tsk -.- kaya ayoko ng group projects ey! aasa lang sa leader at dun lang ipapagawa yung project pero hindi ako papayag noh!

"hindi ako papayag maging leader kung hindi kayo nakikicooperate, group project nga ito ey, ibig sabihin lahat tayo gagalaw" sabi ko

"wala naman tayong magagawa ey! si ellaine yan eh" sabi nung isa, well, ganun lagi kong sinasabi sa kanila tuwing may group projects, sanay na rin siguro.

"meron na tayong leader, sinong assistant leader natin?" sabi nung isa pa

"si Tomato na lang kaya?" sabi ko

"Lagi na lang kayo ey, maiba naman, kahit sa assistant leader lang" sabi nung isa kong kamember, 10 members per group.

"edi sino?" sabi ko

"EDI SI EVAN!" they all said in chorused. yeah! kagrupo ko sya, at alam niyo yung awkward? letse! naiilang ako ey. ewan ko ba, ikaw ba naman hingan ng sorry ng gusto mo pero nireject ka na naman ey! yung saya tas biglang lungkot? nakakainis

"pero--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"majority wins" sabi nila

"haist! wala na rin akong magagawa, payag ba sya?" sabi ko, kasama namin sya pero ang awkward kasi pag kakausapin ko sya, ewan.

"okay lang naman diba?" sabi nung isa kong kamember

tumango lang sya bilang sagot. At nagsimula na kaming magmeeting para mapag-usapan ang gagawin. After nun, nagring na, hudyat na uwian na namin.

inayos ko na ang gamit ko pagkatapos maglinis, cleaners kami ngayon ey.

lumabas na ako at nakita ko na naman siya, nasa corridor sya at nakatingin sa malayo, mukhang malalim ang iniisip. Hayaan na nga! mamaya jan ano na naman sabihin niyan ey! masyado ng masakit ang araw na toh kaya tama na muna. hahaha xD andrama ko na naman.

"wait up" boses niya yun, pero sino kaya yung sinabihan niya nun? pake ko ba? as if namang ako yun, kaya di ko pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"hey! i said wait" nagtaka na ako, lumingon lingon ako sa paligid kung may tao at wala akong nakita, nagsiuwian na siguro kaya dahan dahan akong humarap sa kanya.

"a-a-ako?" sabi ko habang nkaturo sa sarili ang index finger ko. I heard him chuckles, first time ata yun.

"ang Stupid mo! sino pa ba? tsk -.- stupid" sabi niya.

" eh bakit? malay ko bang ako yun, malay mo may nakikita kang hindi namin nakikita tsk -.-" sabi ko

"eh stupid ka lang, as if namang magpapahintay ako sa multo diba?" sabi niya

"ewan ko sayo, bakit ba yun?" sabi ko?

"wala lang, ask ko lang kung bakit ang panget mo?" sabi niya! aba! ang kapal neto, wait! hindi ganto si evan! baka clone lang to at kinuha ng mga alien ang totoong Evan! hala, ang Evan my labs ko huhuhu T______T

"ang kapal ah! sino ka mang nasa katawang lupa ni Evan, umalis ka jan, iwan mo sya." sabi ko at narinig ko syang tumawa, as in tawa talaga, hala! sabi na ey! may sapi to ey.

"HAHAHAHAHAHAHA! mukha bang hindi ako to? hindi mo ba nakikilala ang gwapong mukhang toh?" sabi niya

"hindi ikaw si Evan, snobbero yun, minsan masama ugali tsaka di yun tumatawa noh, di pa ako kinakausap nun, kaya imposibleng ikaw si Evan" sabi ko

"hahahahahahaha xD gutom lang ako. Uwi na nga tayo" sabi niya at ginulo ang buhok ko, ang weird! eh halos kanina, pagtulakan niya ako tas ngayon, anyare? ay ewan!

"bakit ganyan ka makatingin?" sabi niya

"ikaw ba talaga yan? bakit naging ganyan ka bigla?" sabi ko

" i just want to kill the awkwardness between us, masyado mong pinag-iisip yung sorry ko sayo ey." sabi niya

"ano yun? close na tayo agad?" sabi ko

"hindi ahh, wag ka ngang mag-assume, ayoko lang ng may taong naiilang sa presensya ko" sabi niya. Aish -.- naguguluhan ako sa kanya, bahala nga sya jan!

"oo na lang -.-" sabi ko

umuwi na kami, may sundo kasi siya, well, heir kasi siya! kaya ako, lakad lang, keri na hahaha xD ang weird ng araw na ito! hayy! ang haba ng araw na to, nakatwo chapters ahh, hahaha xD

i sleep with a question in my mind.

bakit naging ganun bigla ang trato mo sakin?

*****

Thanks for reading!

Vote and comment ♥

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon