-----Ellena's POV (ellaine's mother)-----
Bat sila nandito? Tahimik na ang buhay namin, tapos guguluhin na naman? Simple lang naman ang gusto ko, ang mabuhay kaming normal at hindi mabuhay sa karangyaan. Bakit? Tsaka ang usapan ay usapan?
"Bakit ba kayo nandito?" Sabi ko.
"Ganyan mo ba kami iwewelcome, anak?" Sabi ni papa (pronounced as pa-pahh) malumanay ang pagkakasabi niya ngunit, mababakas mo pa rin ang authority at pagkaistrikto sa kanyang mukha.
"Pero papa, ano bang kailangan ninyo?" Sabi ko, medyo naluluha na rin ako dahil alam ko rin naman kung bakit sila pumunta dito.
"Ellena, alam mo kung bakit ako narito." Sabi niya.
"Pero may isang taon pa bago sya mageighteen." Pangawiran ko.
"Ellena, matanda na ako. Kailangan na nyang matutunan kung paano magpatakbo ng negosyo. Kailangan ko ang apo ko." Sabi niya. Hindi ko alam. Natatakot ako.
"Walang alam si Ellaine dito, hindi niya pa rin naaalala ang lahat. Simula ng aksidenteng iyon." Sabi ko.
"Hindi problema yan Ellena, muli nating ipaalala sa kanya. Ipaalala sa kanya ang lahat." Sabi niya.
"Pero di pa pwede, ang usapan natin ay pag eighteen sya pupunta doon." Sabi ko.
"Ellena, hindi sana mangyayari ito kung di mo tinakbuhan ang tungkulin mo, pero anong ginawa mo? Nagtanan kayo ng asawa mo." Sabi niya.
Eto na naman sya, hindi ko talaga magawang manalo pag sya ang kausap ko. Lagi na lang nababalik sakin ang sisi. Pero di ko pa kaya.
"Ayoko pang malayo ang anak ko. Tsaka malapit na rin syang magtapos" sabi ko.
"Well, hindi yan mahirap Ellena, maaari naman kayong sumama sa kanya at harapin ang magandang buhay doon. Ang buhay kung saan di kayo titira sa ganitong maliit na bahay. Buhay na marangya. Buhay na pinaghirapan ko." Sabi niya. Tsk!
"Pero---" naputol ang sasabihin ko ng makarinig ako ng sigaw.
"Mamaaaaaaaaa" si Ellaine yun ahh.
Dali dali akong pumunta sa harap ng bahay at nakita kong walang malay ang anak ko. Dali dali namin syang pinasok sa loob at tumawag ng doctor.
Makalipas ang ilang oras ay nagkamalay na rin sya.
"Anak, ayos ka lang?" Sabi ko. Sabay abot ng tubig upang mahimasmasan naman sya.
"Ma! Ma!" Sabi niya sabay yakap sa akin.
"Ano yun anak? Bat ka ba nawalan ng walay?" Tanong ko. Ang tanga ng tanong ko pero ayos lang yan. Nagkakaintindihan na kami ng anak ko. Anak ko yan ey.
"Hindi ko po alam ma, basta po sumakit ang ulo ko at may mga taong nag-uusap pero blurd sila. Sino sila ma?" Sabi niya. Parang may malaking tanong ang nasa isipan niya at kailangan ng kasagutan. At ako ata ang magbibigay ng sagot dito.
Inilibot niya ang kanyang paningin at dun sya nagtanong.
"Sir?? Ma, bat nandito sila?" Sabi niya.
Hindi ako handa dito, hindi ko rin aakalain na sa mismong kaarawan pa ng anak ko dadating ang araw na ito. Hayy!!
"Anak, siya ang lolo mo." Sabi ko. Hay!
"Lolo ko?" Sabi niya.
"Oo anak. Siya ang lolo mo." Sabi niya.
"Pero diba ikaw si sir?" Sabi niya.
"Magkakilala ba kayo anak?" Tanong ko.
"Hindi naman po sa ganun, tinanong niya lang po ang pangalan mo at-at nalaman na nya rin ang pangalan ko. Kaya pala. Lolo ko pala sya" sabi niya.
"Ellena, sabihin mo na ang tunay na pakay ko rito." Sabi ni papa.
"Pero papa--" pinutol na niya ito.
"Wala nang pero pero Ellena. Matanda na ako. Kailangan ko na ang apo ko" sabi niya. Hayy! Yan na naman sya. Lagi na lang sya ang nasusunod.
"Anak, kaya narito ang lolo mo dahil gusto ka niyang kunin papunta sa states." Sabi ko.
"States? Pero malayo yun tsaka mahal papunta roon. Ano bang gagawin ko roon? Kasama ba kayo mama?" Sunod sunod na tanong niya. Hay! Inosente talaga ang anak ko.
"Anak, ang totoo nyan ay, mayaman tayo, mayaman ang lolo mo" sabi ko.
"Mayaman??" Tanong niya.
"Oo anak. At narito ang lolo mo ay para kunin ka sa states at itrain kang magpatakbo ng napakaraming negosyo. Anak, isa kang heiress. Ikaw ang heiress ng mga Weidsman." Sabi ko. At oo, isang weidsman si Ellaine.
"Heiress?" Mukhang litong lito na ang anak ko pero kailangan kong sagutin ang lahat ng ito.
"Oo anak, ikaw ang "the lost heiress" ng Weidsman. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng mga Weidsman. Ikaw ang magpapatakbo ng isang napakalaking kumpanya." Sabi ko...
*****
Hi rejectioners <3 XD
Thanks for reading!
Vote and comment ♥
BINABASA MO ANG
The Rejection (Completed)
Teen FictionNareject ka na ba? Anong gagawin mo kung ang buong buhay na pagsunod mo sa kanya ay ilang beses ka na niyang nirereject? Magtatanga-tangahan ka pa rin ba sa kanya o magbabago para sa makakabuti? o magREREVENGE? just to be satisfied sa pananakit na g...