Years later.."Mommmmmmyyyy!! Si Eiron oh! Panget daw ako kasi bungi ako." Sabi ni Eichelle, anak ko.
"Eh mommy, totoo naman diba? Ang panget nya. Bungal kasi sya. Walang ngipin sa unahan." Sabi naman ni Eiron.
"Hay! Naku! Tama na yan kids. Halika nga kayo. " pinalapit ko sila at pinunasan ang mga likod nila.
"Ang papawis niyo na ohh. Tsaka wag kayong mag asaran, magkamukha kaya kayo kaya walang magsasabing panget ang isa, kasi magiging panget rin yung magsasabi nun. Tsaka magmahalan kayo." Sabi ko habang pinupunasan pa rin ang pawis ng kambal ko.
"Eh mommy love ko naman si Eichelle ey. Suplada lang masyado kaya inaasar ko para pansinin nya ako." Paliwanag ni Eiron. Napangiti naman ako sa kanya.
"Tsk! Mahal din kita noh -.- di lang ako showy -.- dyan ka na nga Eiron. I love you" sabi ni Eichelle sabay takbo. Pero nakangiti.
"Teka lang Eichelle Xirah!! Antayin mo ko, pahug!" Sabi ni Eiron sabay takbo at habol sa kapatid nya.
"Ayoko ng hug mo Eiron Xyrex! Waaaahhhhh" naghabulan na nga sila.
Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang kambal ko. Nakakapawi talaga ng pagod.
"Ikaw baby? Gusto mo na ba lumabas? Gusto ka na makita ni ate at kuya mo." Sabi ko habang hinihimas ang aking tyan. Im 3 months pregnant.
"wag masyadong magpaaraw, mainit dito sa garden" biglang sabi ng asawa ko mula sa likod ko. Niyakap niya ako mula sa likod at hinihimas ang tyan ko mula roon.
"Hi baby! I love you" sabi niya habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Pero alam kong yung baby namin ang kinakausap nya.
Humarap naman ako sa kanya at pinunasan din ng pawis.
"Musta sa office?" Tanong ko. Sya na ngayon ang president ng Sanchez Company. At ako naman ang president sa Weidsman Company.
"Ayos lang, medyo nagkaproblema pero naayos din naman agad." Sabi niya. Sya kasi, pumapasok sa trabaho. Ako? Nakaleave ako dahil ayaw akong pagtrabahuhin ni Evan dahil daw buntis ako. Eh ang liit pa lang naman ng tyan ko.
Si mama muna ang umupo bilang president. Since, dati na rin kaming nagkaroon ng company, alam na ni mama kung paano ito patakbuhin.
Si lolo? Ayun, tinutuloy pa rin ang dream niyang libutin ang mundo. Ilang beses syang nagtatravel. Buti nga at malakas masyado si lolo ey.
Si Maxine naman nag aaral pa rin, she's college now. Ang bilis noh? Parang kailan lang ay elementary palang sya.
Si Tomato? Ayun, nanay na rin gaya ko. Meron na rin syang dalawang anak, pero hindi kambal. Mabilis si Jerry ey. Wahaha! Tsaka nag aasikaso pa rin sya ng business nya sa ibang bansa. Umattend nga ako ng kasal at binyag ng anak nya ey. Nagtampo pa nga sya sakin, bat daw di ko sya inimbitahan sa kasal namin ni evan, eh pano? Eh biglaan din yung kasal. Wala nga dun sila mama, yung dad ni Evan, si Maxine, lolo, at iba pang importante sa buhay namin. Pero ayos lang.
"Hon, date tayo mamaya, please" sabi niya at humarap sakin. Nagpout pa, loko talaga.
"Sige" sabi ko. Kaya inasikaso ko na ang mga bata tapos ay naligo na ako at nagbihis.
--
"Manang josie, iwan muna namin sila Eiron at Eichelle dito sa bahay ahh, " sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Rejection (Completed)
Teen FictionNareject ka na ba? Anong gagawin mo kung ang buong buhay na pagsunod mo sa kanya ay ilang beses ka na niyang nirereject? Magtatanga-tangahan ka pa rin ba sa kanya o magbabago para sa makakabuti? o magREREVENGE? just to be satisfied sa pananakit na g...