-----Evan's POV-----
Sinabi ko sa mga pulis ang nareceive kong message. Di ko alam kung sino ang nasa likod nito, pero di ko lang alam ang magagawa ko pag nalaman kong sinaktan nila si Ellaine, ang fiance ko.
"Sir, kailangan nating mag ingat sa lahat ng gagawin natin. Magpaplano tayo, at kung maaari ay wala munang lalabas na pulis dahil pag naalarma sila ay pwede nilang patayin ang biktima." Sabi ng isang pulis.
Sumang-ayon naman ang lahat. At nagsagawa na nga sila ng plano. Kung saan dapat sila magtago sa lugar na iyon.
Hay! Ano na bang nangyayari sayo Ellaine? Mag iingat ka jan ahh!. Babawiim kita sa kanila. Mahal na mahal kita.
-----Carla's POV-----
Binigyan ko ng pagkain si Ellaine. Pinigilan pa nga ako ng mga lalaki dito pero kailangan nila akong galangin.
Sinusubuan ko ngayon si Ellaine. At alam kong gustong-gusto nyang malaman ang dahilan kung bakit ko to ginagawa. Ang maging mabait sa kanya.
"Alam kong nagtataka ka, pero kailangan ko lang gawin to para sa kapatid ko." Sabi ko habang sinusubo sa kanya ang pagkain pero umiling sya, ibig sabihin ay busog na sya.
"Pero, bat kailangang humantong sa ganito?" Tanong niya.
"Sorry, pero kahit ako, di ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, ginagawa ko to para mabuhay pa nang matagal ang kapatid ko. Kailangan namin ng pampagamot sa kanya."
"P-pero? Di mo na kailangang gawin to, pede ka namang lumapit samin ni Evan, tutulungan ka namin. "
"Hahaha! Kahit pala may nagawa ako sa inyong di maganda, nagawa mo pang mag offer sakin nyan." Sabi ko naman, and laugh bitterly.
"Hindi pa naman huli ang lahat. Tutulungan ka naming mapagamot ang kapatid mo. Please, wag mo lang gawin samin to :'(" sabi niya sabay ng pagpatak ng mga luha nya.
"Kung pede ko lang ding bawiin ang lahat ng ito, pero hindi. Dahil sa isang pitik lang ng kamay ng boss ko ay pede nyang bawiin ang buhay ng kapatid ko. Gusto ko nang kumawala dito! Bakit ba puro na lang kamalasan ang buhay ko! gusto ko nang mamatay."
*PAKKKKKK!* isang sampal na nanggaling kay Ellaine. Napahagulgol naman ako sa sakit.
"W-what? Mamatay? Alam mo ba ang sinasabi mo ha! Carla! Look, umaasa sayo ang kapatid mo tapos gusto mo nang mamatay? Alam mo ba ang sinasabi mo? Hah! Alam kong di ka masamang tao, na may nagtutulak lang sayo na gawin ang lahat ng ito, pero. Susuko ka na ba agad? Sa tingin mo, ano ang mararamdaman ngayon ng kapatid mo pag nalaman nyang sumusuko ka na. Ikaw na lang ang makakapitan niya Carla! Kaya magpakatatag ka. Please"
"G-gusto *sob* ko Ellaine. Pero. Mahirap ey. Ang hirap hirap na. Tsaka gusto ko rin naman tong ginagawa ko ey. Gusto kon maghiganti kay Evan.
Sayo.. sa inyo. Ayokong maging masaya kayo. Dahil lagi na lang kayo ang masaya, pano naman ako?"
"Higanti? Wala kang makukuha jan Carla! Mas lalo mo lang ipamumukha sa kanila na apektado ka. Na naghihirap ka kaya ninanais mong maghiganti! Di yan ang sagot. Napagdaanan ko na yan."
"P-pero! Ewan ko. Naguguluhan ako. Gusto kong maghirap din kayo, gaya nang dinanas ko. Mahirap mag-isa sa mundo. Yung tipong feeling mo lahat sila ayaw sayo at sinusuka ka nila."
"Kahit ano mang hirap yan, magpakatatag ka! Para sa kapatid mo. Magbagong buhay kayo. Tutulungan namin kayo"
"S-sorry Ellaine. Pero ngayon, di ko pa alam. Di ko pa talaga alam" sabi ko at umalis sa kwartong iyon habang humahagulgol ng iyak.
-----Someone's POV------
Sh*t! Imposible talaga! Pero bat ganun? Magkamukhang magkamukha ang mga litrato ni Carla at ng ate ko?
Flashback
"Ate Diana! Tara laro tayo!" Sabi ko kay ate, ngayon lang ako nakipaglaro dito. Dahil may plano ako.
"Himala ata NatNat at nag aya kang maglaro ahh. Sige ba!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
---
"Waaaahhhhh! NAATTTNATTTT! ang sama moooo! Bwisit ka!"
"HAHAHAHAHAHAHA! Ang pangit mo ate! Puro putik yung mukha mo. Tanga mo kasi! Nagdive ba naman sa putikan HAHAHAHA--- WAAAAHHHH" natigil ako dahil si ate, binato ako ng putik.
"HAHAHAHAHA! yan ang bagay sayo NatNat! Ang bad mo kasi!"
"Ahhh! Ganun ahh!" Sabi ko sabay pulot din ng mga putik.
"Yaaaaahhhhh!" Sabi niya sabay takbo.
Nagbatuhan at pahidan naman kami ng putik ni Ate. Buti nga't pinayagan kaming lumabas ngayon ng bahay ey. Hahaha!
Pag-uwi namin sa bahay ay sermon ang bumati samin. Nainis sila mommy kasi bat daw di kami nagpaalam, edi sana daw nakasama sila sa paglalaro ng putik. Ang ewan ng mga magulang ko wahaha!
Pero pinahidan namin sila ng putik galing sa damit namin kaya yun. Ang saya naming tingnan na pamilya. Sobrang saya.
--
"Wow! Ang ganda nya" sabi ko habang nakatingin sa isang bata na nasa park. Mag isa lang sya at mukhang malungkot. Bakit kaya?
"Bata! Bat ka malungkot?" Tanong ko.
"Kasi yung crush ko di ko na nakita ey." Sabi niya habang nakapout. Ang cute nya *Q*
"Edi ako na lang crush mo." Sabi ko.
"Eh? Pede ba yun? Eh di naman kita crush ey." Sabi niya pa.
"Eh crush naman kita ey." Sabi ko pa.
"Ayy! Ang kulit mo bata! Sige na nga." Sabi nya sabay smile. Ang cute nya talaga :)
"Yehey!! Pakasal na tayo" sabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata nya.
"K-kasal?? "
"Oo, kasal na tayo tapos honeymoon na tayo" inosenteng sabi ko pa.
"Honeymoon? Eh gawain lang yun ng mga mahal ang isa't isa ey. Di naman kita mahal" sabi niya.
Ouch! Rejected :(
"Aww! Okay. Pero dapat paglaki natin ahh. Alam ko namang mamahalin mo rin ako ey kasi ako, mahal na kita" sabi ko naman.
"Hooyyy! Natnat! Anong mahal mahal ka jan! Ang bata bata mo pa! Ang landi landi mo na! Uwi na daw tayo sabi ni mommy" sabi ni ate sabay akbay sakin. Kala mo naman ang tangkad nya. Mas matangkad pa nga ako sa kanya kaya mukha syang nakasabit na unggoy sakin. Tsk!
"Ang KJ mo talaga ate Diana! Tsk." Sabi ko. Inirapan niya lang ako at umuna nang maglakad. Binalikan ko naman yung bata.
"Ano palang pangalan mo bata?" Tanong ko.
"Ellaine, ellaine delos santos. Ikaw?"
"Nathan Dela Cruz, nat nat for short. Tandaan mo yan ahh. Papakasalan kita pag malaki na tayo. " sabi ko at tumakbo sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.
End of flashback
Oo, ako si Nathan, ang ex ni Ellaine. Na nagpabaril kay Evan sa araw ng engagement nila. Babawiin lang kita Ellaine.
Sila ang dalawa sa pinakamahalagang babae sa buhay ko, si ate Diana at si ellaine. That's why gusto ko syang kunin, dahil gusto kong magpakasal sa kanya gaya ng sinabi ko nung mga bata pa kami.
Si Ate Diana naman, hindi ko alam kung buhay ba sya o hindi. Dahil noong naaksidente ang sasakyan namin, ako lang ang nakaligtas at iniwan na nila ako. Pero, isang pag asa ang sinabi ng mga pulis, di pa daw nahahanap ang katawan ni ate Diana kaya may posibilidad na buhay ito.
Carla Monteverde. Ikaw ba talaga ang ate Diana ko?
Nakakalito. Mabuti pa't puntahan na lang kita at itanong sayo ang lahat.
*****
Thanks for reading!
Vote and comment ♥
BINABASA MO ANG
The Rejection (Completed)
Teen FictionNareject ka na ba? Anong gagawin mo kung ang buong buhay na pagsunod mo sa kanya ay ilang beses ka na niyang nirereject? Magtatanga-tangahan ka pa rin ba sa kanya o magbabago para sa makakabuti? o magREREVENGE? just to be satisfied sa pananakit na g...