-----Ellaine's POV-----
Isa akong HEIRESS? ng mga WEIDSMAN? shocks!
Yeah, im a weidsman. Middle name ko kasi yan. So, apelyido sya ni mama. Pero!! Isa akong HEIRESS? di talaga ako makapaniwala. Naguguluhan ako. Pano? Bakit?
"Heiress?" litong lito na tanong ko.
"Oo anak, ikaw ang "the lost heiress" ng Weidsman. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng mga Weidsman. Ikaw ang magpapatakbo ng isang napakalaking kumpanya." Sabi ni mama.
"Lost heiress? Pano?" Lito pa ring tanong ko.
"Ganto kasi yan anak...."
Flashback
----ellena's POV----
Bata palang ako, alam ko nang tagapagmana ako. Mayaman kami, sobrang yaman, dahil na rin siguro sa pagtitiyaga ni papa.
Nabuhay akong marangya sa states, hanggang sa nagkaisip ako at naitrain bilang tagapagmana ng kumpanya. Nagsimula muna ako sa pinakamababang posisyon, sabi kasi ni papa, kailangan ko daw pag-igihan para marating ko ang pinakamataas na posisyon sa kumpanya.
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Tumaas ng tumaas ang posisyon ko. Minsan, nagkakaroon ng business trip kaya nakakapaglibot din ako.
Nagkaroon ako ng business trip dito sa pilipinas. Dun ko nakilala si Max Delos Santos. Ang naging asawa ko.
Ngunit, di gaya ko. Nabuhay sya sa simpleng pamumuhay. Nagmamay-ari sila ng mga sakahan at koprahan. Sa tutuusin, mayaman na sa kanila ang ganun. Pero kumpara samin, masyado kaming mayaman.
Minsan ay tumira ako sa kanila at dun ko naramdaman ang tunay na buhay. Ang pagiging praktikal at ang pagiging simple. Walang karangyaan pero napakasaya. Siguro dahil sa nabuhay akong mayaman kaya uhaw ako sa gantong klase ng pamumuhay.
Ngunit, pinagkasundo pala ako ni papa. Syempre sa isang mayaman at businessman. Kaya napilitan kaming magtanan ni Max at dito nanirahan sa pinas. May pera ako noon kaya nagtayo kami ng business ni Max at napalago ito dahil na rin sa pagtrain sa akin ni papa. Syempre, nagbunga ang aming pagmamahalan. Si Ellaine, isang regalo para sa amin.
Nakapaglibot kami sa ibat ibang bahagi ng mundo kasama si Ellaine.
"Hahahaha! I really love you bae! Next time, Sa hongkong naman tayo ahhh, gusto kong pumunta sa disneyland bae!" Sabi ko kay Max. Nasa Paris kami niyan kasama si Ellaine. Tanda ko pa. Sabi ni Max, aakyatin daw namin ang eiffel tower. Hahaha xD
(Bae- pronounced as bey. Another term for babe)
"Oo naman bae! Kahit ano basta para sa bae ko." Sabi ni Max at hinalikan ako. PBB teens ba? Hahaha xD
"Mama! papa!" Nagulat kami, nanonood pala si Ellaine. Mga 6 years old na sya niyan. Binuhat siya ni Max at kiniliti. Ang sarap nilang tingnan. Pero lahat ng iyan ay naglaho. Dahil sa isang aksidente. Car accident.
Grabe ang natamo naming mga sugat at ang malala, ikinamatay ito ni Max. Biglang dumilim ang buhay ko noon, nawalan ako ng pag asa. Dumating sa point na nais ko na ring mamatay pero, may anak pa pala ako. May mga anak ako. 1 taon si maxine noong mangyari yon. Bumangon ako para sa mga anak ko. Na walang hinihinging tulong mula kay papa. Doon din nagkaamnesia si Ellaine. Dahil sa aksidenteng iyon, wala syang maalala. Kaya pinili ko na lamang na mabuhay sya sa simpleng buhay.
Nalaman ni papa na nagkaroon ako ng mga anak kaya binalak niyang kunin si Ellaine nung bata palang ito. Pero di ako pumayag. Hanggang sa mauwi sa isang kasunduan.
Kasunduan na magiging heiress si Ellaine ng mga Weidsman pagtungtong nito sa sapat na gulang. Pag eighteen years old na sya. Nakatanggap ako ng ilang balita na pinagkasundo na agad siya ni papa sa anak ng isang businessman. Nalaman ko ring, binansagan syang "the lost heiress".
End of flashback
"......at yun na nga ang nangyari" pagtatapos ni mama.
Naliwanagan na ako pero may isang tanong pa rin ang nasa isip ko.
"Sino po ang fiance ko?" Tanong ko.
Tumingin lang si mama kay lolo at tumango ito.
"Ang heir ng mga sanchez, si Evan Dave Sanchez" sabi niya.
Shocks! Sya?? WTF!! Pero, kung totoo yung mga sinabi niya kanina sa park, maaari akong makapaghigante. Ito na ba ang tamang pagkakataon? Eto na ba yun? Mahal mo ako? Tsk! Tingnan natin... should i take my revenge?
*****
Hi rejectioners :* walang matinong plot 'to kaya go with the flow na lang xD sorry!
Thanks for reading!
Vote and comment ♥
BINABASA MO ANG
The Rejection (Completed)
Teen FictionNareject ka na ba? Anong gagawin mo kung ang buong buhay na pagsunod mo sa kanya ay ilang beses ka na niyang nirereject? Magtatanga-tangahan ka pa rin ba sa kanya o magbabago para sa makakabuti? o magREREVENGE? just to be satisfied sa pananakit na g...