chapter 23: Graduation

3.7K 63 8
                                    

-----Evan's POV-----

        Siya ba talaga yun? Parang kanina lang sa practice ay hindi siya ganun? Pero alam ko.. sya yun ey! Those irresistable eyes! I knew it! Sh*t! Ano toh? Naguguluhan ako. Tang*na! Ang ganda niya. Parang nerd turn into princess? Tsk! Bitchy princess -.-

           Nagbago na si Ellaine! Hindi ko alam kung bakit o ewan -.- dahil ata sa ginawa ko. Tang*na mo kasi Evan. Ang tanga mo -.-

           "Baby, kanina ka pa tulala ahh, simula lang nung makita natin yung babaeng yun. Ampangit naman. Feeling maganda lang -.-" sabi ni Cristine. Isa sa mga kafling ko. Ewan ko, simula nung mawala sakin si Ellaine, natuto na ako ng ganito. Pero ginagawa ko naman ang lahat para masabi ko kay Ellaine na talagang mahal ko sya. Ewan pero nangiti siya or grin ba yun pag sinasabi kong mahal ko pa talaga sya. Hay!

         Hindi ko pinansin si Cristine. Wala akong pake sa kanya. Fling lang sya -.-

         Ang mga Weidsman ay pinagpaplanuhan na ang engagement next year. Oh diba? Ayaw nilang maging handa *insert sarcasm* tsk! Ang sarap umatras sa engagement na yun. Kung wala lang kaming utang na loob sa mga yun di na mangyayari toh! Di ko kailangan magsinungaling kay Ellaine. Edi sana okay pa kami! Sino ba kasi yang the lost heiress? Sana di na lang siya nahanap -.-

           Tumayo ako at tumalikod na.

         "Oy baby! Hintay naman!" Sabi ni Cristine. Wala akong pake sa kanya! Tsk! Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Bahala sya sa buhay niya.!

-----Ellaine's POV-----

         This is the day :) well, hindi ng revenge ko. Araw lang ng graduation wahaha xD excited kayo? Tsaka na! behlat :P

         Ngayon ang araw kung saan makikita ng buong academy kung gaano ako kaganda. Well yes, ako ang pinakamaganda dun. Alam ko na yun. Papamukha ko sa kanila na ibang tao na ako ngayon. Na hindi na ako si Ellaine na hinahamak lang nila. Na may papatunayan ako sa kanila. Na yung dating nerd na sinasabi nilang malandi, ilusyonada, bitch,gold digger at kung ano ano pa ay may mapapatunayan na sa ķanila. Na totoo ang lahat ng iyon pero ngayon? Yung prince nila? Ako ang hinahabol at sila? Puro pangarap nalang sila. Well, ang ganda ganda ko kasi. Mayaman pa. Wahaha xD angal kayo? Sikmurahan ko kayo sa ngala ngala ey.

         Im on my way na sa school. Syempre sakay ng lhamborgini ko. Well, mayaman na nga kasi ako.

       "Manong gusto ko may red carpet sa dadaanan ng kotse ko sa school ahh. Para may grand entrance" sabi ko.

      Tumango lang si kuya xD kaya eto kami. Nasa byahe. Tae! Trafficpa. Bat kasi anlayo ng school namin sa bahay? Yung palasyo ko pala. Pang cheap lang yung bahay ey.

        Inopen na ni kuyang guard yung gate at syempre nakalatag na nga ang red carpet. Pinagbuksan na ako ni manong at dahan dahan akong bumaba, wearing my toga, alangan namang mag two piece ako noh? Like duuhh! Baka habulin nila akong lahat. De jowk lang xD

         Sumalubong sakin ang mga mapangmatang tingin. I just look back at them na parang sinasabing "anong tinitingin-tingin niyo jan? Tusukin ko mata niyo ey" syempre gets na nila yun kaya agad silang umiwas ng tingin.

       "Ahh miss, bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita ey" sabi nung isang lalaking todo pacute. Tsk! Sarap sungalngalin -.- samantalang yan yung nang aasar samin ni tomato porket mga nerd kami tsk!

       " well, hindi ako bago dito. Alangan namang transferee ako ey graduation na nga. Wag ka ngang tanga kuya -.-" asar! Walang common sense tsk!

          "Eh miss, sino ka ba?" Tanong niya. Lakas ng loob nito. Kapal ng mukha.

           "Well, im Ellaine Delos Santos, the batch's valedictorian" sabi ko at sabay kindat. Bitch kung bitch xD wala akong pake sa kanya kaya tumalikod na ako at pumunta sa assigned seat ko.

           "Ang ganda niya pare"

           "Oo nga kaso may attittude pre"

           "Oh? Ayos nga yun ey. May thrill"

           "Who's that girl ba? Lahat ng attention nasa kanya na -.-"

           "Yeah xD attention seeker. Tsk!"

           Tsk! Mga inggit. Di kasi kayo maganda kaya kung makapanira tsk! I just look at them and give them a so called -super-nakakaasar-na ngiti xD

           Nagsimula na ang program at kung ano ano pang seremonyas. Ang boring -.-

           "Now, may we call on, Ellaine delos santos for valedictorian speech" sabi nung emcee.

         I just walk in the aisle with chin up pa. Syempre proud ako noh.

        Pumunta na ako sa stage at tumingin sa bawat isa. All i can see is paghanga. Parang gusto nilang maging ako. Well, never!

           I started my speech. Syempre taglish. Hirap maging author noh -.- de jowk xD nosebleed lang talaga si author kaya taglish wahaha xD maawa kayo sa kanya pleaseee!

         " A pleasant day everyone. Ahhmm, di ko po alam kung pano ko ito sisimulan ey. Gaya ng sabi ko sa isang taong mahalaga sakin. Kailangan nanggagaling dito *turo sa puso* kaya di na ako naghanda pa. Gusto ko lang ilabas lahat ng nandito. Kung gaano ako nagpapasalamat sa inyong lahat. Basta po, nagpapasalamat ako kay god para sa araw na ito. I also want to say thank you sa mga teacher, school faculty, facilitator, sa principal at sa lahat ng narito ngayon upang masaksihan ang isa sa pinakamahalagang yugto ng aming buhay. Alam kong marami sa mga magulang ngayon ang masaya dahil sa wakas ang pinagpaguran nila ay nagbunga na. Gusto ko ring magpasalamat sa mama ko at sa kapatid kong si Maxine. Salamat walang sawang pag aaruga samin simula pagsilang at hanggang ngayon. Gusto kong idedicate ang award na ito kay papa. Ahmm, *sob* papa, para sayo to!" Sigaw ko at natawa habang umiiyak. Si Ellaine pa rin pala talaga ako. Kahit anong mangyari ako pa rin yun.

         Nagpatuloy ako..

        "Ahhmm, pasensya kung naagiging emotional ako. Di ko lang mapigilan ey. So guys, graduate na tayo! Pero di ibig sabihin ay tapos na, na hihinto na tayo sa pangangarap. Kailangan natin tong abutin. Hindi pa tapos ang laban natin, simula pa lamang ito. Parte pa lamang ito ng buhay natin. Magsikap tayo :) ahhmm, pero guys, hindi porket graduate na tayo ay kakalimutan na natin lahat. Guys, take everything as a lesson. Kung nagkamali man tayo noon, dapat ngayon matuto na tayo. Ahhmm, hinding hindi ko makakalimutan ang high school life ko. Ang asaran, kulitan, kalokohan, kahit yung pangbubully sakin, di ko makakalimutan yun. Wag niyo ring kakalimutan yun guys kasi ang memories, minsan lang. Tatawanan na lang natin yan bukas. Pero wag na wag nating kakalimutan ang mga aral at lessons na natutunan natin mula dito. *sob* ahh! Mahaba na masyado. Masyado na akong madrama. Basta guys :) grafuate na tayo. Continue pursuing your dreams because another day is another hope. Once again, a pleasant day everyone. Thank you." Sabi ko. At pinunasan ko ang aking mga luha at tuluyan ng umalis sa stage.

         Parang katulad lang ng nangyari sa amin ni Evan. Lahat ng memories masaya, kahit nasaktan man ako, naging masaya ako. At hindi ako nagsisisi doon. Pero siguro nakakapagod na rin yung feeling na lagi kang nirereject or binabalewala. At dahil dun, gusto ko rin siyang baliwalain. Para alam niya ang feeling ko sa tuwing nirereject niya ako. Its time to move on Ellaine. Tama na ang pagpapakatanga. Tama na!!

         Natapos na ang graduation na ang lahat ay tuwang tuwa pati sa mga mata ng mga magulang ay makikita mo ang saya. Ang saya lang makita ang ganito :) Let's Move on.

*****

Im so happy! Another milestone for this story. Thanks!

Thanks for reading!

Vote and comment ♥

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon