chapter 12: Mystery

3.5K 66 3
                                    

-----Evan's POV-----

       Taena! Muntik ko nang mahalikan si Ellaine. Hindi naman sa nagsisisi ako pero kasi... ako si Evan Dave Sanchez at ang mga Sanchez ay di dapat magmahal.

      Oo, inaamin ko, i have this infatuation with Ellaine, kaya nga muntik ko na syang halikan ey. Actually, nadala ako sa kanya. Tang*ina ang ganda ng mata niya, ngayon ko lang nakita yon ng walang salamin, at letse! Nawawalan ako ng control pag tumitingin ako sa mata niya. Those eyes are irressistable.

       At aaminin ko rin, gusto kong basagin ang mukha ni manong, sayang yung kissing scene noh. Actually, narealize ko lang na may infatuation ako kay Ellaine in that scene, when i was about to kiss her. Hindi naman ako tanga para di malaman na may crush ako sa kanya.

      At ngayon ko lang narealize na baka someday, kakainin ko yung mga sinabi ko sa kanya, na hindi ko sya magugustuhan dahil ngayon pa nga lang na ilang buwan pa lang kami magkakilala ay may nabubuo na akong feelings ey, pano pa kaya pag magtagal yung pagsasamahan namin diba?

       At ang mga Sanchez ay di dapat mainlove. Yan ang rules ng tatay ko at handa syang gawing miserable ang buhay ng isang taong sisira sa company namin. Hindi naman masama si Dad, business minded lang siguro sya.

     Ginawa ni Dad ang rules na yan simula ng iwan kami ni mommy, dahil nainlove sya kay mommy at niloko at dahil dun ay muntik ng mabankcrupt ang company namin pero may tumulong samin, ang Weidsman group of companies. At eto ngayon ang Sanchez group of companies, isa sa mga successful companies in the world.

     Ganun ang pagpapasalamat ni Dad sa mga Weidsman kaya naman naipagkasundo ako, pero i never seen the heiress of the Weidsman. Ang nag-iisang tagapagmana ng Weidsman.

       Andito na ako sa bahay, tumawag kasi si Dad, dahil may sasabihin sya sakin.

    "Young master, hinihintay na po kayo ng ama ninyo." Sabi ng isa sa mga butler ko, buhay mayaman nga naman.

    Pumunta na ako sa isang office room ni Dad dito sa bahay namin. Mabait na strikto at mababakas ang authority, yan ang laging makikita mo sa aura ni Dad.

       "what is it Dad?" Sabi ko, close kami ni dad, well, sya lang ang pamilyang meron ako kaya close kami pero once na sinuway mo sya, pagsisisihan mo.

        "When i was about to go home, i see you. " paninimula niya. Sinimulan na akong kabahan, alam ko na toh.

      " may kasama kang babae, alam mo ang rules ko Evan. Isa kang Sanchez at nakakasira sa company natin ang pagmamahal at alam kong may gusto ka sa babaeng yun." dagdag niya.

       "But Dad--" angal ko.

     " No buts Evan, ang isang Sanchez ay isang Sanchez. Layuan mo na sya kung ayaw mo mangyari ang di mo inaasahan." Sabi niya. Taena! Nakakainis din minsan tong si Dad ey. ang KJ aish >____<

      " she's just my friend, dad naman. Buong buhay ko wala akong social life dahil sa pagtuturo niyo sa pagpapatakbo ng negosyo, kahit ngayon lang naman pagbigyan mo na ako." Sabi ko.

       And there, i saw he smile?? At bigla syang pumalakpak?

     "Anak nga talaga kita hahaha xD yan ang tunay na lalaki, naninindigan. Ngayon ka lang nakiusap sakin at sumagot para sa isang babe anak. " sabi niya, at ito pa guys, Bipolar si Dad , kanina parang kakain ng tao sa skbrang seryoso tas ganto? Ang gulo ni Dad pero mahal ko yan :D

     " Dad naman ey, tinakot mo ko dun." Nasabi ko na lang.

     " okay lang naman Evan, basta friends lang, alam mong nakatakda ka na sa isang Weidsman at ayaw kong masaktan ka sa panahon na kailangan mong iwan ang babaeng yun para sa isang Weidsman. Remember that son" sabi niya.

The Rejection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon