Chapter 1

721 13 8
                                    

Andrei's POV

"Drei, 12 midnight na hindi ka ba matatakot umuwi? Dito ka nalang kaya matulog? "

"Sanay na ako ate." yan nalang sinagot ko kay ate Nica kahit na takot talaga ako umuwi sa amin ngayon na hating gabi na. Kailangan ko pa kasi gumising ng maaga bukas para sa exam namin. Dito ako sa bahay nina ate Nica nag-aaral tuwing exams tiyaka pag may mga projects kaming gawin kapag gabi. Wala kasi kaming kuryente sa bahay pero kahit na ganon gusto ko pa rin makatapos ng pag-aaral.

Ako nga pala si Andrei delos Santos, 16yrs old, nag-aaral ako sa St. Vincent school, isang private school pero nakapasok ako kasi scholar ako dito kaya kunti nalang binabayaran ko dito. Isa din to sa magandang school sa probinsiya namin.

-------

Naku lagot na bakit kasi hindi ako ginising ni mama baka ma late na ako kelangan ko pa naman magbinta ng gulay ngayon para pamasahe. Hay buhay nga naman.

Pagkapunta ko sa kusina ,nakita ko si mama na nagluluto para agahan at para sa baon namin para lunch. Hindi na kasi kami umuuwi pag lunch mahal kasi pamasahe.

"Ma, nasaan na ang mga gulay na kelangan ko ibenta?"

"Nasa kapatid mo nak, binenta na nila baka uuwi na din sila " nakatalikod na sabi ng mama ko habang nagluluto. Meron akong apat na kapatid at lahat kami tumutulong sa gawaing bahay. Kung hindi kami magbibenta ng gulay wala kaming pamasahe papuntang school ng pangalawa kong kapatid, iisang school lng pinasukan namin scholar din siya nasa 3rd yr. Elementary pa lang ang tatlo kong kapatid.

Pagkatapos magluto ni mama, nauna na akong kumain . Tagal dumating ng mga kapatid ko. Gutom na ako. Ilang saglit lang dumating na mga kapatid ko.

" Kuya, hindi naubos ang gulay kaya kukulangin tayo sa pamasahe." Sabi ni Larry, yung nakakatanda sa apat k0ng kapatid.

"Okey lang yan,hihiram nalang tayo sa kaklase natin pauwi".

"Maglalakad nalang ako pauwi mamaya kuya marami naman kami eh".

Napailing nalang ako sa sinabi ng kapatid ko. Naaawa na rin ako sa kanya. Gaya ko, may pangarap din siya sa buhay kaya gusto niyang makatap0s sa pag-aaral kahit na mahirap lang kami. Nakakakain pa naman kami tatlong beses sa isang araw. Yun nga lang kulang pa ang padala ng papa ko galing abroad para sa gastusin namin dito sa bahay at sa pag-aaral kaya naman kailangan namin tumulong para makatapos.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon