Andrei's POV
"Anak , pumasok kana. Ilang araw ka nang laging ganyan. Halos hindi ka nagsasalita at hindi kumakain. Walang magagawa sa'yo ang pagkaganyan mo."nalulungkot na sabi ng mama ko .
Andito ako ngayon sa labas ng bahay. May upuan sa ilalim ng punong mangga malapit lang sa bahay namin. Hanggang ngayon iniisip ko pa ang nangyari nong huling pagkikita namin ni
Hannah.
"Susunod lang ako ma." Tipid na sagot ko.
Alam kong naninibago sa akin ang mama ko ngayon. At alam kong alam niya kung bakit. Kaya nga hindi na lang niya ako tinatanong kung bakit ako nagkaganito. Ilang araw na akong walang ganang kumain, kung kakain man ako, ilang subo lang. Pansin ko na ang pamamayat ko. Halos hindi ako nagsasalita at alam kong nag-aalala na ang mama at mga kapatid ko. Pero alam kong naiintindihan nila ako.
Sa tuwing naiisip ko kung paano ako nilalait ni Hannah noon at ang sinasabi niyang hinding hindi niya ako magugustuhan dahil ang cheap ko raw. Parang unti-unting nadudurog ang puso ko at nakakapanghina talaga dahil tinawanan niya pa ako sa harap ng maraming tao.
Pero tama siya na ang tanga ko nga, dahil kahit na may alam na ako, sumubok pa ako. Kasalanan ko ba? "Lord, sa dinami dami ng problemang ibinigay mo sa akin at sa pamilya ko, hindi ka pa ba nakontento? Bakit may dagdag pa na problemang unti unting pumapatay sa akin? Siya lang ang hiningi ko sa inyo, bakit ipinagdamot mo pa? Maraming mayayaman diyan na hindi nagseryoso bakit hindi sila ang saktan mo ng ganito? Bakit?" Mahinang sabi ko na ako lang ang nakakarinig
Hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang ulan kasabay ng patak ng mga luha ko na ngayon ko lang nailabas simula nong araw na pinahiya niya ako. Ang sarap sa pakiramdam na nailabas ko ito ngayon kasabay ng pagpatak ng ulan.Ito ba ang paraan ng pagsabi mo ngayon sa akin na magtiwala lang ako sa iyo Panginoon? At iparamdam sa akin na nandiyan ka lang kaya may ulan?
Kung ang lahat ng nangyayari sa buhay ay may kadahilanan. Pipilitin kong may dala itong mabuting dahilan. Gagawin ko ang lahat na ang pag iyak ko ngayon ang maging dahilan ng aking tagumpay.
Tumayo na ako at tumingin sa langit. Habang pumapatak sa mukha ko ang ulan, sumigaw ako para ilabas ang lahat ng nararamdaman ko at magsimula ng bagong pahina ng aking buhay.
"Ahhhhhhhh!!!!!!!!!! Magkikita pa tayo Hannah! Pero hindi na ako ang dating Andrei na kilala mo!" Sinigaw ko yun at pumasok na ako sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko sa loob, hindi pa pala sila kumain. Talagang hinintay nila ako.
"Magbihis kana anak at sabay na tayong kakain." Parang nabuhayan na ang mga mata ng mama ko. Siguro narinig din nila ang sigaw ko.
Pagkabalik ko sa mesa, nakabihis na ako.
"Salamat anak at natauhan kana. Alam mo anak, lahat naman ng problema ay may solusyon at may magandang dulot kong hahanapin mo lang. Pero hindi mo ito makikita agad sa isang tingin mo lang. Malalaman at malalaman mo nalang pagdating ng panahon kong ano ang resulta at magandang dulot nito. Kaya magtiwala ka lang sa Diyos at sa sarili mo."
"Salamat ma. Simula ngayon hindi na ako magmumukmok sa kwarto at maging tahimik nalang. Gagawin ko ang nararapat. Mag-aaral akong mabuti para hindi na ako maliitin ng mga tao. "
"Basta tandaan mo lang anak, huwag kang magtanim ng galit."
"Opo ma." Sagot ko nalang. Dahil alam kong hindi pa nawawala ang galit ko para kay Hannah.
Humanda siya, at makikita niya kung ano ang halaga ng taong pinapahiya at minamaliit niya.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...