Hannah's pov
"Tin,punta muna ako ng C.R. kita nalang tayo sa cafeteria."Tumango naman si Tin. Palabas na kami ni Tin ng classroom at kailangan ko magretouch syempre para mapansin ni Franc. Meron din naman akong nararamdaman kay Franc pero hindi pa ako sure kung gusto ko nga siya. Basta ang lakas ng tibok ng puso ko pag malapit kami at lagi ko siyang naiisip pero hindi pa rin basihan yun kung gusto ko nga siya.
Iniisip ko rin na ipagpatuloy ko nalang itong nararamdaman ko sa kanya para hindi ako mahihirapan sa pinapagawa ni dad at hindi ako masyadong magiguilty kung sakaling mangyayari na totoong nagmamahalan kami dahil ibig sabihin nun hindi na lang pera ang habol ko sa kanya kundi minahal ko talaga siya. Sana nga lang kakampi ko ang swerte.
Pagkapasok ko ng C.R nagretouch agad ako. Nilagyan ko lang ng face powder ang mukha ko at lipstick yung light lang ang kulay. Simply is pretty and that's me! Okey na ito. Spray konti ng perfume para naman 200% mabango. Suklay at smile and I am ready to go.
"Wow! nagpapaganda si Hannah!" Biglang malakas na sabi ni ganda habang papasok ng C.R. Nga pala, Aubrey ang name niya. At kasunod niyang ang kanyang dalawang dakilang alalay.
Tiningnan ko lang siya at aalis na sana ako dahil ayoko na masira ang beauty ko sa mga papansin na insekto. Pero hinawakan niya ang braso ko at hinila ang buhok ko. Hinawakan naman ni Iris ang dalawang kamay ko at sapilitan akong pinaupo sa sahig habang hinihila pababa ang buhok ko.
"Aray!bitawan niyo ako kung ayaw niyo ng gulo!"pagbabanta ko
"Hahaha. Tanga! Kung takot kami sa gulo eh sana hindi ka namin pinuntahan dito!" Malakas na sabi niya habang hilahila pa rin niya ang buhok ko. "Isara niyo ang pinto!"sabi pa niya sa dalawa niyang kasama na agad naman sinunod nila
"Lagot talaga kayo sa akin!" Sigaw ko na may pagbabanta ngunit tumawa lang siya
"Hahaha. Natakot naman kami sa sinabi mo. Eto oh kainin mo para matigil yang ingay ng bunganga mo. " sabi ni Nancy na kaklase ko rin at bigla akong pinakain ng isang buong siopao.
Isip Hannah isip. Wala na akong ibang maisip kundi nag acting ako na parang sinasaniban ng masamang espiritu at talagang ginagaya ko ang mga mata ng mga nakikita ko na sa tv na nasasaniban daw ng masamang espiritu. Biglang nagtinginan ang tatlo na parang nag uusap gamit ang mata at pinagbutihan ko pa ang acting ko na parang nagwawala ang katawan ko kaya nabitawan ako ni Iris at Aubrey.
"Hannah?? Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Aubrey at hinawakan ang balikat ko. Gusto ko ng matawa sa mga mukha nila na hindi maipinta.Hindi pa rin ako sumagot at nagpatuloy lang sa acting ko. Tiningnan ko sila isa isa ng nakakatakot.
" Aubrey anong nangyari sa kanya?" Rinig kong tanong ni Nancy at tiningnan ko siya habang patuloy sa pag acting
" Humingi na lang kaya tayo ng tulong. Nakakatakot na. Para siyang sinaniban." Sabi ni Iris na nanginginig ang boses pero hindi sumagot si Aubrey at lumapit pa sa akin at pinaupo ako habang nakahawak sa balikat ko.
"Hannah ano ba ang nangyari sayo?"takot na tanong ni Aubrey
"Booh!!!"malakas na biglang sigaw ko kaya biglang napaupo sa sahig paatras si Aubrey at takot na takot ang mga mukha nila.
"Ahahaha!hahaha!"hinawakan ko pa ang tiyan ko sa sobrang tawa." Yan lang pala ang katapat niyo ? Kunting acting lang? Wahahaha!" At lumabas agad ako ng C.R na nagmamadali at natatawa pa rin bago pa sila maka get over sa pangyayari. "Mga tanga talaga. Ang daling utuin!"medyo malakas na sabi ko habang naglalakad papuntang cafeteria.
"Diyan ka kasi magaling."mahinang sabi ng lalaking nakayuko na nakasalubong ko ng lumampas na siya sa akin kaya bigla akong napahinto. Parang familiar ang boses niya. Nilingon ko siya pero patuloy pa rin itong naglakad kaya sinundan ko sa at nilapitan.
"Excuse me? Ako ba ang pinaparinggan mo?" Tanong ko ng maabutan ko siya.
"Bakit? Rinig mo ba? Kung narinig mo eh di ikaw nga." Sagot niya ng walang emosyon at lumingon sa akin.
"Franc? Ikaw pala. Akala ko kung sino." Si Franc pala
"Who are you? Hindi ako si Franc."
"Huwag mo na ako lokohin Franc." Sabi ko at bigla na lang siyang naglakad ulit
"Teka! Teka!" Hinawakan ko ang braso niya."Kung hindi ikaw si Franc, ibig sabihin.... Andrei?" Naguguluhan na tanong ko
"At sino ka para makilala ako?"
"Hindi mo ako kilala?"
"Kilala kita, ang manggagamit kong classmate noon pero hindi na kita kilala ngayon dahil naka block ka na sa recent memory ko. Ibig sabihin nun hindi na kita gustong kilalanin ngayon." Sagot niya at biglang tumalikod sa akin at lumakad ng parang wala ako
Ouch! Sakit nun!Ganun ba siya kagalit sa akin? Ang laki naman ng pinagbago niya . Yumaman lang eh. Pero hindi ko siya masisisi. Ang sakit talaga ng binitawan niyang salita.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...