Chapter 23

85 9 2
                                    

Andrei's pov

"Hindi mo sana ginawa yun Franc. Napahiya na sana ang babae na yun."mahinang sabi ko kay Franc habang kumukuha ng maiinom sa ref. Andito kami sa private room niya ngayon.

"Hindi mo na kailangan ipagkalat na siya yun. Napahiya na siya sa sarili niya dahil alam naman niya na siya ang pinaparinggan mo."

"Yun na nga Franc eh, napahiya lang siya sa sarili niya. Kaya nga gusto ko siyang mapahiya sa lahat gaya ng ginawa niya sa akin. Hindi mo kasi alam kung ano ang ginawa niya dati." Mahina pero may galit na sabi ko

"Paano ko naman malalaman kung hindi mo naman sinabi? At kahit na ginawa niya yun babae pa rin siya at panigurado may dahilan siya. " pagtatanggol ni Franc

"Kapag ba babae hindi na pwedeng saktan kung sila naman ang dahilan kung bakit ako nasasaktan?At sino ang nagbigay sa kanila ng karapatan na magpahiya at manlait ng tao kung hindi o wala silang gusto? Palibhasa kasi hindi mo ako maiintindihan dahil kahit kailan hindi mo mararanasan kung paano laitin sa harapan ng maraming tao dahil pinanganak kang mayaman!"malakas na pagkasabi ko at na ikinagulat ng kambal ko

" Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil magkakampi tayo! At kung gusto mong maintindihan ko kung bakit ganyan ang galit mo , bakit hindi mo sabihin sa akin lahat?!"malakas din na sabi niya

"Gusto mo talagang malaman? Ang alam mo lang naman ay ginamit niya ako para makakuha siya ng mataas na grades diba at pagkatapos nun ay binasted niya? Pero ang totoo, binasted niya ako sa harap ng maraming tao na malakas ang boses at nilait ang kacheapan pati ang maliitin ang pagkatao ko na kahit kailan hindi niya magugustuhan! Ang sabi pa niya, paano niya magugustuhan ang cheap na mahirap na katulad ko?"sigaw ko habang unti unting pumapatak ang mga luha sa mata ko dahil naisip ko na naman kung paano niya minaliit ang pagkatao ko.

Nagulat at napanganga naman ang kapatid ko sa sinabi ko. Napalitan ng lungkot at awa ang mata niya. Hindi na siya nakapagsalita pa siguro dahil sa gulat ng nalaman niya.

"Ngayon Franc, sabihin mo sa akin kung wala ba akong karapatan na magkaganito? Okay lang naman sa akin na mabasted at kahit na laitin pa ang pagkatao ko eh, dahil normal na sa aming mahihirap yun. Pero kailangan pa ba niyang ipagsigawan sa harap ng maraming tao at malala pa ipinamukha pa niya kung ano ang turing ng mayayaman sa mahihirap na tulad ko. Pwede naman niyang gawin lahat ng yun ng hindi naririnig ng iba diba? Kahit yun nalang sana ang kapalit ng panggamit niya, ang mabasted na hindi pinapahiya. " mahina na ang boses ko at patuloy pa rin umaagos ang mga luha ko.

Hindi nakasagot agad si Franc sa mga sinabi ko. Tinapik niya lang ang balikat ko saka nagsalita. "Naiintindihan na kita bro. Ngayon ito nalang ang gusto kong sabihin sayo, huwag ka sanang gumawa ng kasalanan ng dahil lang sa mali ng isang tao. Geh, alis muna ako. " pagkatapos niyang sabihin yun, tinapik niya ulit ang balikat ko saka umalis.

Pagkasara niya sa pinto, inayos ko na rin ang sarili ko. Napagdesisyonan kong pumunta muna ng library at magbasa nalang ng libro. Kadalasan ito ang ginagawa ko noon pa kapag may problema ako.

Nakayuko akong naglakad papunta sana sa library ng may nakabunggo ako.

"Sorry."hinging paumanhin ko at akmang tutulungan ko sana ang babae na nakabunggo ko para pulutin ang mga gamit niya na nahulog pero pagtingala niya ang makapal pala ang mukha ang kaharap ko.

"Nevermind my apology."pagsusungit ko at tinalikuran ko na siya saka naglakad palayo pero ilang steps ko pa lang ay napahinto na ako dahil hinawakan niya ang balikat ko at pilit na pinaharap sa kanya.

"Sandali lang Andrei, pwede bang mag-usap muna tayo? Kahit sandali lang?"mahinahon na sabi niya na nakatingin sa mga mata ko.

"At ano naman ang pag-uusapan natin? Kung paano mo ako pinahiya noon? Huwag nalang Hannah kung ayaw mong lumala pa ang galit ko sayo." Galit na sabi ko pero kinokontrol ko na tumaas ang boses ko

"I'm sorry Andrei. Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko noon. I'm really sorry." Nakayuko pa na sabi niya

"Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. At huli ka na talaga. Alam mo kung bakit? Dahil galit at poot nalang ang nararamdaman ko ngayon para sayo. Kaya matitikman mo ang pakiramdam na mapahiya sa harap ng maraming tao." Nanggigigil sa galit na sabi ko.

"Ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?"parang nanginginig na sabi niya. Huh! Akala niya madadala niya ako sa iyak niya?

"Huwag ka ng mag-aksaya, drama lang naman yan diba? At ano pagkatapos nun? Tatawa ka na naman tapos sasabihin mong hahaha, ang tanga mo talaga.? " at ginaya ko pa talaga ang pagsasalita niya habang ang kanan na kamay ko ay nilagay ko pa sa labi ko katulad ng iba kapag kunwari tumatawa.

"Ganyan ka na ba talaga ka galit sa akin?"

"Ano pa ba sa tingin mo? Umalis ka na nga sa harapan ko! Sinasayang mo ang oras ko. !"napasigaw na ako at inunahan ko na lang siyang umalis na nakapamulsa ang dalawang kamay ko.

Ang sama naman ng first day ko. Pero masaya rin dahil naiparamdam ko sa kanya na galit ako. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip habang naglalakad palayo kay Hannah ng maisip ko kung seryoso ba siya sa mga sinasabi niya kanina.

"Huwag ka na lang mag-isip sa sinabi niya, baka gagawin ka na namang tanga."sabi ng isip ko.

"Ouch! Ang sakit nun ah!"reklamo ng isang babae. Naman, bungguan day ko ba ngayon? Huwag na kasing maglakad na maraming iniisip.

Hannah's Pov

Nakatingin ako kay Andrei na naglalakad palayo sa akin at tanaw ko pa na may nakabungguan siyang babae.

"Buti pa sa kanya nakangiti siya. Mukhang ang saya pa niya." mahinang sabi ko.Dati sa akin ganyan rin siya pero ngayon galit nalang ang nakikita ko sa mata niya.

" Drei, bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit gusto koNg sa akin ka lang ngumingiti? Bakit nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon? "

Tumalikod nalang ako dahil parang hindi ko na gusto ang nakikita ko. Ang alam ko nasasaktan ako sa nakikita ko.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon