Chapter 7

78 8 2
                                    

Andrei's Pov

"Delos Santos! You're late!" lagot! Late na talaga ako. Lunes na lunes late agad.

"Ah eh sorry ma'am." Kinakabahan na sabi ko

"Akala mo matalino kana kaya pwede kana malate?"

"Eh ma'am, ma-" hindi na ako pinatapos ni mam ng aking sasabihin

"Kung matalino kana siguro naman alam mo na ang topic ngayon diba? Then what is it?"

"Yes ma'am alam ko na. Gusto mo e summarize ko pa? " nakangiti kong sagot

" Huwag na. Sige maupo kana." Takot ko lang sa'yo mam.

"Thank you ma'am." Hayy buti nalang talaga. Ayoko pa naman masira ang araw ko. Matagal ako nakagising dahil napanaginipan ko si Hannah na naging kami na. Sa tuwing naiisip ko y0n feeling ko mukha ko namumula. Nakakabading talaga.

"Late ka na nga , nag daydream pa. Mamaya mo muna yan ipagpatuloy." Si Hannah pala kinakausap ako. Hindi ko alam kung ano isasagot ko.

"Ha? Ah di ah! Ano lang..."

"Ano? Tss. Makinig ka na nga kay mam."

"Okey." Nagsmile ako sa kanya. Nagsmile naman siya.ang ganda talaga niya. Lord , salamat sa view.

Pagkatapos ng klase namin, pumunta kami sa library. May kailangan daw gawin si Hannah at nagpapaturo siya sa akin. Syempre naman pumayag ako. Magkasama nga kami ngayon ni Tin at ang bakla. Pero hindi na ako minamaliit ni Chael ngayon.

"Ayan na lahat Hannah. Madali lang naman yang algebra eh." Sabi ko kay Hannah

"Ay naku, kung tapos na kayo diyan pwede bang lumabas na tayo? Hindi ako makakapagsalita dito". Umaandar na naman ang pagkareklamador ng bakla. panira ng moment

" Palibhasa kasi lakas mo magsalita. Parang nakalunok ng microphone." Sagot ko

"Excuse me!? Eh talagang ganito boses ko."

"sshh"

"Huwag kana kasi magsalita." Mahinang sabi ko kay michael

"Tayo na nga. Sa canteen tayo. Don na kayo magsigawan. " sabi ni Hannah..

"Ah Hannah hindi na ako makakasabay sa inyo sa canteen. Magkikita pa kasi kami nina Ed at Kevin." nanghihinayang na sabi ko.

"Ah ganun ba. Sige ok lang."

Hannah's Pov

Sa canteen...

"Girl hindi ako makapaniwala na nakikipagkaibigan ka talaga sa lalaking yun. Oo gwapo nga siya pero hindi natin ka level." Reklamo ni Tin

"Sino bang maysabi na totoo akong nakikipagkaibigan?" nakangising sagot ko

"Bakit bf ? What do you mean?" Si chael

"Sa mundo, may mga taong manloloko at nagpapaloko, meron ding nanggagamit at nagpapagamit. Ano sa tingin niyo ang ginawa ko para magkaroon nito?" Sagot ko at iwinawagayway ko sa mukha nila ang assignment namin sa algebra na ginawa ni Drei

"Ang galing mo talaga bf!" Excited na sabi ni Chael

"Eh di pinasagutan kay Drei kaya ka nagkaroon niyan." Seryosong sagot ni Tin, wala talaga tong babae na to. Kulang sa sapak minsan

"Meron din palang bobo at matalino." Dagdag ko na napailing nalang. Si Tin hindi talaga niya gets. Juice ko!

Third person's pov

"Hindi pala totoo na nakipagkaibigan ka kay
Drei. Ginagamit mo lang pala siya. Hindi ako makakapayag." Mahinang sabi niya na siya lang nakakarinig.

Andrei's pov

"Yo! Tagal niyo dude!" Reklamo ni Kevin. May group activity kasi kami by three kaya kami magkasama.

"Bakit asan ba si Ed?"tanong ko

"Ewan ko don. Sabi niya sa may bibilhin lang daw siya. Kanina pa nga yon eh."nagtatakang sabi ni Kevin

"Hintayin nalang natin. Hindi naman siguro magtatagal yon."

Ilang minuto lang dumating na si Ed. Bakit kaya parang wala sa sarili to.

"Bro! Bakit nakabusangot ka?" tanong ko na nakangisi

"May nakakairita lang sa paningin ko kanina."

"Alam mo huwag niyo silang hayaam na masira ang araw niyo ng dahil sa kanila. Tatanda kayo ng maaga diyan. Tingnan mo mukha mo dami ng kulubot. Hahaha" pagbibiro ni Kevin

"Oo nga. Buti pa pag-usapan na natin kung ano gagawin natin."

"Hirap naman nitong pinapagawa ni mam. Kailangan talaga gagawa ng show? Ba't kasi di nalang reporting agad para tapos na." Reklamo pa ni Ed. Binigyan kasi kami ng topic ni mam, tapos kailangan iba yung gawin namin imbes na yung normal reporting lang.

"Eh kung kakantahin nalang kaya natin dude. Tapos ikaw Ed ang sasayaw total magaling ka naman magsayaw eh."suggest ko

"Talaga? Magkakakilala na kayo dati? Parang gulat na tanong ni Kevin.

"Oo,magkaklase kaya kami nong high school. Alam mo ba yung full name? Hindi kasi niya basta2x sinasabi yun." natatawa ako habang sinasabi ko yun.

"Please Drei, not now." Parang nagsusumamong sabi ni Ed.

"Eh ano naman pinagkaiba non bro kung malalaman pa rin naman niya diba?" Pang-iinis ko kay Ed

"Oo nga naman dude. Para naman tayong hindi magkaibigan niyan." --Kevin

"Ano ba full name niya Drei?" Baling sa akin ni Kevin

"Ah eh hulaan mo?"

"Tss..mga walang magawa." Si Ed

"Ah clue??"

"Clue...?ahmm. Tagalog" sabi ko

"Nubayan dude!clue ba yan? Dami kayang tagalog word! " inis na sabi ni Kevin

"Hahaha. Basta real name niya Eddie. Ang middle and surname name niya kung pinagdugtong in english ay "I am right." O ano? Gets mo na? Hahaha..." natatawa pa rin na sabi ko

"Ano ba yun??"

"Tama na nga yan. pag usapan na natin gagawin natin sa reporting." Reklamo ni Ed

----------
Short update muna ako. Salamat sa lahat ng readers sa inyong pagtitiwala kahit ang daming mali. Sana po ipagpatuloy niyo pagbabasa niyo. Next chapter ko nalang po sasabihin ang full name ni eddie. ano kaya.?baka may alam kayo. Just vote and comment if you like po. Salamat ng madami.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon