Andrei's POV
"Drei'!" napalingon ako sa boses na tumatawag sa akin. Alam kong si Hannah na yan, kanina pa ako naghihintay sa kanya dito sa mini forest para sa study namin. Sabi kasi niya dito nalang kami magstudy.Lumingon ako sa kanya. "Hannah, akala ko hindi ka na dadating. Ang tagal mo kasi. Kanina pa ako andito."
Umupo naman siya sa tabi ko. "Pasensiya na. May napag-usapan lang kami sa groupmates ko sa ibang subjects namin. Kala ko nga umalis kana eh. Di naman kasi kita matext. Ano bang cellphone number mo?"
"Ah eh wala akong cellphone eh." nahihiyang sagot ko
"Ganun? Ikaw nalang yata ang kilala kong walang cellphone ah. Hirap mo palang kontakin. Di bale , palagi naman tayo nagkikita dito sa school eh. Kaya nga lang pag ganitong importante hindi kita masasabihan. Ngayon ko lang din naisip yun ah na itanong yung cellphone number mo. Haha! kung kailan magtatapos na ang semester." Natatawang sabi pa niya na napailing din.
" Eh wala nga kaming kuryente noh! Cellphone pa kaya? Saan ko naman isasaksak yon? Sa ilong?" seryoso ang mukha ko pagkasabi ko non.
"Hahaha. Try mo kaya. Baka automatic full charge yun!" seryoso ako kanina ha pero siya lakas makatawa. Lalo tuloy siyang gumanda pag tumatawa.
" Ganun? mas uunahin ko pang isipin na magkailaw kami noh kaysa sa cellphone na yan.Hirap kaya mag-aral ng walang ilaw" sagot ko
" Eh paano ka nakakapag-aral mabuti kung ganun?"
" Syempre kapag nandito ako sa school, tuwing break time nagrereview ako. Kapag naman exams, o nasa bahay ako, dun ako sa cousin ko nag-aaral."
" Ganun ba? ang hirap naman nun."
"Oo nga eh. Pero mas okey na rin yun, may iba nga diyan sa lansangan natutulog eh. Yun nalang iniisip ko na maswerte pa din naman kami. Kaya nga nagsusumikap akong makatapos ng pag-aaral para naman pag naging tayo , may maipagmamalaki na ako." masiglang sabi ko
Hannah's POV
"Oo nga eh. Pero mas okey na rin yun, may iba nga diyan sa lansangan natutulog eh. Yun nalang iniisip ko na maswerte pa din naman kami. Kaya nga nagsusumikap akong makatapos ng pag-aaral para naman pag naging tayo , may maipagmamalaki na ako." nakakakonsensiya naman ang lalaking to. Maliban sa naipamukha na nga niya sa akin kung gaano ako kaswerte sa buhay ko, pinakita pa niya sa akin kung gaano siya ka pursigido na makatapos ng kurso. Sorry Drei , alam kong masasaktan ka talaga sa gagawin ko.
" Hannah? bakit biglang lumungkot yang mukha mo?" Pansin niya sigurong may iniisip ako at naiba yung expression ng mukha ko.
"Ah wala, let's start na? masyado na tayong seryoso dito." pag-iiba ko nalang.
" Sige.Sa major subjects muna tayo."
"Okey."
Kinuha ko na yung mga notes ko. Nong high school pa ako hindi ako mahilig mag take down notes eh kaya nga maliliit lang yung grades ko. Pero ngayon kasi, sabi ni Drei hindi niya daw ako tutulungan kung wala akong notes. Kaya ayun napasunod nalang ako.
Pagkatapos namin sa mga major subjects, stop na muna kami. May bukas pa naman eh. Pero hindi pa ako uuwi. May naisip kasi ako.
"Drei! Punta ako sa bahay niyo." shock yung mukha ni Drei sa sinabi ko. Lumaki ang mata. Haha. Ang gwapo niya. Lumakas tuloy ang tibok ng puso ko. Sheyyyyt...hindi ito pwede. Ilang beses ko ng naramdaman sa kanya to.
"Ha? Ano bang nakain mo?" nagtatakang tanong niya
"Ano bang kinain natin? Wala naman ah?"
"EHH? Seroiusly gusto mong pumunta sa amin?" paninigurado pa niya
" Oo nga. Paulit ulit?Para naman makilala ko mama mo. Mabait siguro yun katulad mo." nakangiting sabi ko sa kanya. Totoo talaga na gusto ko makilala mama niya at para naman makita ko talaga yung sinasabi niyang kanila.
"Sige na nga. Tayo na. Pero baka hindi mo gusto yunh lugar namin. Tsaka hindi kaba susunduin ngayon?"
"Mamaya pa ang sundo ko. Babalik nalang ako dito mamaya. Parang ayaw mo yata eh. Ang dami mong tanong. Kunwaring nagtatampong sabi ko.
" Okey. Sabi mo eh. Tampo naman agad eh hindi pa nga ako sinasagot." nakangiting sabi niya
" Nagsimula ka na palang manligaw? Parang hindi ko naman rambam. Walang special moments?" pagrereklamo ko
"Eh sa hanggang tulong at sama lang ako sayo eh. Yung mga special moments na sinasabi mo hindi uso sa akin yun. Dahil gastos lang yun."
" Meron namang hindi magastos ah. Kung gugustuhin mo talaga."
"Oo na. panalo ka na. Tayo na nga lang. Baka kung saan pa aabot tong usapan na to eh."
Haha! Binibiro ko lang naman talaga siya. Ayaw ko rin naman na gagastos pa siya kasi baka lalo lang akong ma-guilty sa kanya.
Andrei's POV
"O anak! May kasama ka pala. Bakit hindi mo sinabi? tanong kaagad ni mama pagkakita niya sa amin." Ma? Paano ko kaya sasabihin sa iyo? Eh ngayon niya lang din sinabi na gusto niyang makilala kayo."sagot ko
" Ganun pala. Sorry naman anak. Sige papasukin mo na yang bisita mo. Tamang tama nagluto ako ng banana cue. " kumakain naman kaya itong babaeng to ng banana cue?
" Ah eh ma, hindi po siya kumakain ng banana cue."
" Sinong may sabi?" reklamo ni Hannah
" Bakit? Kumakain ka ba non?" nagtataka namang tanong ko
"Syempre noh! Anong kala mo sa akin? Tao din ako." malakas na sabi niya
" May sinasabi ba akong hindi ka tao?"
" Wala naman. hehe." may pagkaloko pala tong babaeng to. ngiti ngiti pa.
Hannah's POV
" Wala naman. hehe."
Hindi pa naman talaga ako nakakakain niyan. Pero sabi nila masarap daw yan. Wala naman siguro masama kung susubukan ko. Nakakahiya naman kasi kung aayaw pa ako, eh ako kaya ang may gusto na pumunta dito.
"Eto na ang pagkain anak. Kain na kayo". sabay hapag ng mama ni Drei ng banana cue at juice sa mesa.
" Salamat po ma'am." sabi ko
"Sige na , kumain ka na." sabi ni Drei
Tiningnan ko muna yung banana cue na hawak ko. Hindi pa ako nakasubo ng magsalita ulit si Drei.
" Bakit pa kasi pinipilit. Alam ko namang hindi ka pa nakakakain niyan eh. Pero masarap talaga yan. Subukan mo. Kung gusto mo lang naman.
Kaya naman sinubo ko na talaga. Sabi niya eh.
" Masarap nga." yun lang nasabi ko. "First time ko talaga to."
" Sabi sa iyo eh."
Nagkwentuhan lang kami dito. Tapos pumunta sa garden nila na maraming tanim talaga.Fresh na fresh pa talaga.
Kailangan ko na pala bumalik sa school. Baka naghihintay na ang sundo ko dun.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...