Andrei's pov
"O anak nandiyan ka na pala. Kailangan mo kasi ibenta tong mga gulay para sa pamasahe mo bukas. Hindi pa kasi nakapadala ang papa mo." Yan ang bungad sa akin ni mama pagkadating ko ng bahay.
"sige ma,ako na bahala dito. Saan ba lakad mo ngayon at nakabihis ka?"
"Manghihiram lang ako ng pera sa ante sandy mo, wala na tayong kakainin bukas anak. Tumawag kasi papa mo sa ante sandy mo na delay daw ang sweldo nila ngayon." Malungkot nalang akong tumango sa mama ko.
Papunta ako sa kwarto para magbihis na iba ang iniisip. Naisip ko bakit kasi ipinanganak pa akong mahirap. Ang iba nga diyan walang kabuluhan yung pinaggastosan ng pera nila. Ang swerte siguro ng mga pinanganak na mayaman. Pero naisip ko rin, swerte na rin ako na nakakakain pa tatlong beses sa isang araw . May iba nga halos wala ng makain at namumulot na lang sa basurahan. Buhay nga naman. Makababa na nga para mabenta ko na yung gulay.
Pagkaubos ng gulay, umuwi agad ako, medyo madilim na kasi. Kailangan ko pa ulit pumunta kina ate Nica para gumawa ng assignments.
__________
"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tanong sa akin ni ate Nica andito ako ngayon sa kanila.
"May naiisip lang ako." :-\
"Ano naman?"
"Mahirap ba talagang mahalin ang isang tulad ko na mahirap lang? May nagustuhan kasi ako sa school namin kaya lang mukhang malabo."
"Ano bang ginagawa ng may malabo ang mata?" Tanong ni ate sa akin
"Ate naman eh, niloloko mo ba ako? Syempre nagsusuot ng salamin. Anong konek?..."
"Bakit naman kita lolokuhin eh naging tayo ba?" Pinandilatan ko lang siya ng mata
"Hahaha! Peace bro. Di ka naman mabiro eh. Ang punto ko lang naman eh kung yung mata nga nagawan ng paraan para luminaw ang paningin yung sinasabi mo pa kayang malabo na magustuhan ka kung sa isip mo meron ka pang kayang gawin?"
"Oo nga pero ayaw niya sa akin. Ang cheap ko raw."
"Kung para sa iyo mapupunta talaga sa'yo. Huwag ka muna mawalan ng pag-asa."
"Hmm. Ewan ko. "
Umuwi na ako pagkatapos kong gumawa ng assignments. Unang pasok assignments agad.
----------
"Dude! Bakit tulala ka na naman diyan?" Si Ed pala. Nandito kasi ako ngayon sa bleachers ng mini forest naghihintay ng susunod kong klase.
"Alam mo, bigla ka nalang susulpot diyan."
"Ang lalim kasi ng iniisip mo dude. Para kang namatayan."
"Namatayan talaga ako." Nag make face pa ako na parang naiiyak
"Condolence dude. Sorry hindi ko alam namatayan ka pala."
"Salamat ."
"Ililibre nalang kita ng pagkain sa canteen dude, sa pagkain mo na lang ilabas ang lungkot."
"Sige ba! Salamat talaga."
---------
"Dude, malapit mo ng maubos ang pagkain pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung sino ang namatay?"
"Hindi sino pare."
"Ha?"
"Ah eh yung puso ko namatay . Huhuhu. Pinatay niya. Huhuhu" pagdadrama ko ng walang luha.lagot na!malaki pa naman nabayaran niya sa kinain ko.
"Langya ka dude! Bakit di mo sinabi agad?!" Malakas na sabi nya.
"Ah eh. Peace bro! Baka kasi hindi mo ako ilibre eh. Hahaha" epic talaga yung mukha niya kaya tumakbo agad ako palabas sa canteen.
"Teka lang Drei! Lagot ka sa akin bukas!" Yan nalang ang huling dinig ko sa sinabi niya.
-------Kinabukasan------
"Ok class, get 1/2 lengthwise."
"Bakit ma'am?" Classmate1
"Ambush quiz! Diba sabi ko naman sa inyo read in advance?"
Ang daming nagrereact sa sinabi ni ma'am. Kumuha nalang ako ng papel. Ready na ako eh. Nagstudy kaya ako. Nilingon ko si Hannah na kumuha na rin ng papel.
Number 5 na kami pero pansin ko na wala pa ring sagot si Hannah sa kanyang papel.
-----
Hannah's Pov
Grabe namang teacher to. Wala akong masagot nito. Kakahiya. Hindi ako pwede mangopya kay Andrei kasi naman panigurado galit sa akin yan. Alangan naman kay Tin eh 100%sure wala ring sagot yan. Baka puro names ng make up ang sagot niyan.
"Okey last number." -Teacher
Nagulat nalang ako na may binigay sa aking papel si Drei na may name ko and answer. Nagtataka akong tumingin sa kanya pero nakatingin lang siya sa papel niya.
"Pass your paper now class."
Pagkatapos ko maipasa ang papel kinausap ko na agad si Andre. Marunong din naman ako magpasalamat noh.
"Drei, ah thanks nga pala." Lumingon lang siya sa akin saglit at tumingin ulit sa bintana
"Ah sorry nga pala kahapon. Mainit lang talaga ulo ko non." Hindi na siya lumingon ulit sa akin.
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Biglang tanong niya at di ako nakasagot agad
"tss...hindi tayo magkalevel diba kaya hindi pwede?huwag mo nalang ako kausapin at pasalamatan. Nakakaawa ka lang kasi kanina tingnan na naluluha na ang mata kaya ko ginawa yun." Dagdag pa niyang sabi at bago pa ako makasagot tumayo na siya at lumabas ng room.
----------
Andrei's POv
Hindi naman talaga ako nag eexpect na papayag siya. Mayaman siya mahirap ako kaya hindi siya papayag. Nagbabaka sakali lang naman ako kanina.
"Hayyy!! Bakit ba sa tuwing nakikita dito sa miniforest dude eh palagi kang lutang..? Babae lang yan." Oo nga babae lang. Kaya nga kakalimutan ko na lang siya. Focus on study nalang ako.
"Kita mo ang babae na yan?" Tinuro niya ang paparating na babae. Maganda siya.
"Oo.hindi naman ako bulag."pilosopong sagot ko.
"Pilosopo ka ah. Tingnan mo lang mabuti yan at lilingon yan sa atin na nakangiti." nakangiti pang sabi niya
"Huh! Talaga? Matingnan nga. Eh paano kung hindi yan ngingiti?"
"Ngingiti yan, isang kaway ko lang yan. Kung hindi, lilibre ulit kita."
"Hmm.sige ha?" Hinimashimas ko pa yung baba ko
"Ayan na malapit na. Kakawayan ko na." Kumaway naman si Ed. Ngumiti nga yung babae at lumapit pa sa inuupuan namin.
"Woah! Parang tama ka nga bro. Pupunta pa talaga dito sa atin."
"Huwag kang maingay baka marinig ka." -Ed
"Hi miss. " sabi ni Ed sa babae sabay tayo.
"Hahaha hahaha" tawa talaga ako ng tawa. Paano kasi "hahahaha hahaha" natatawa talaga ako .kasi naman nilagpasan lang naman kami ng babae. Iba pala yung nginingitian niya. Yung nasa likod pala namin. "Hahaha"
"Grabe bro, salamat talaga. Pinasaya mo talaga ang araw ko, ililibre mo pa ako. Lezgo bro!"
Mukha ni Ed hiyanghiya.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...