Epilogue

147 9 4
                                    

Hannah's POV

Naglilibot lang naman kami sa mall. Pinagbili niya ako ng damit, accessories, bags, shoes, sandals and etc.

"Drei, tama na to. Ang dami na kaya ng binili natin."pagrereklamo ko. Masakit na kasi talaga ang mga paa ko sa kakalakad.

"Ito bagay to sa'yo."pinakita nya sa akin ang isang simpleng white dress lang.

"Okey. Bayaran mo nalang. Pagod na talaga ako."

"Babe, gusto ko lang naman kasi palitan mo na yung maiikli mong damit. Ayoko na pinagfifiestahan ng mga mata ang katawan mo."

"Pero yun talaga ang sinusuot namin sa trabaho."

"Isa pa yan babe. Pinagpaalam na kita sa pinagtrabahuan mo. Sinabi ko na titigil ka na sa trabaho mo." What? Ganun lang ka dali? Eh may utang pa ako kay mamita na 500 thousand pesos. Kaya nga hindi ako makaalis sa lugar na yun.

"Oh, alam ko na ang iniisip mo. Binayaran ko na. Kaya huwag ng nakakunot ang mukha."Dagdag pa niya." Dahil ako ang bumayad, sa akin ka na may utang. Ibig sabihin, sa akin ka na magtrabaho." Nakangising pilyo ang loko.

"Ano naman ang ibig sabihin ng ngisi na yan?"nakaismid na sabi ko.

"Mamaya babe, simulan mo na ang trabaho mo."mas lalong lumaki ang ngisi nya.

"Ay naku Drei, iba ang nasa isip mo."

"Hahaha. Tayo na. kain tayo ng ice cream."

Pumunta kami sa isang ice cream parlor.

"Ano po ang atin sir?"nakangiting tanong ng babae.huh! Nagpapacute pa! With matching blink2x pa mata. Masubukan nga ng kapilosopohan.

"Bakit miss, may iba pa ba kayong pinagbibili dito? Baka meron kayong tinda na kutsilyo dito."

"Ay wala po mam, aanhin nyo po ba ang kutsilyo? "Ay ang tanga lang.

"Isasaksak ko sana sa bunganga mo. Halika na nga Drei." Hinila ko nalang siya.

"Ang highblood mo naman babe. Selos agad." Kinurot ko ang tagiliran nya. " ouch! Babe ang sakit."

"Ang landi mo ha. "Sagot ko

"Sus! Selos ka agad eh. Huwag ka na magselos. " inakbayan niya ako at naglakad nalang kami.

Naghahanap ng pwedeng pagkainan.

Ang saya ko lang ngayon. Tama nga sila, lahat ng nangyayari ay may kadahilanan. Nangyari sa akin lahat ng to para matuto sa buhay. Para ipakita na hindi dahil mayaman ay pwede ng manghusga at manliit ng tao dahil hindi sa lahat ng panahon tayo ay nasa ibabaw.

Dito ko nakikita ang tunay na pagmamahal. Kahit na ganito , mahal ako ng taong mahal ko at tinanggap ako ng buo. Alam ko na magtatagal kami dahil ang dami na naming pinagdaanan bago pa naging kami.

Hindi natin kailangan na maging mayaman para sumaya. Ang kailangan natin ay ang tao na nagpapasaya sa atin sa panahon na tayo ay walang wala.

Naniniwala ako sa kasabihan na: Behind the clouds the sun is still shining.

THE END_____

MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng nagbabasa at sumuporta sa story na to. Kahit maraming errors pinagpatuloy nyo pa rin po. Thank you. This is my first story. Please support my other stories po.

Able to Love You(one shot)
Don't fool me (on going)

Salamat po!

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon