Hannah'sPOV
"Ok class, let's start the exam now. Make sure you all have your test booklet now."
Sana hindi mahirap yung exam namin. Sana napag-aralan namin ni Drei ang lumabas sa exam. And sana hindi ko makakalimutan yung pinag-aralan namin ni Drei. Si Drei relax na relax lang.
Lumingon sa akin si Drei at nginitian ako. Ohno! Not now with your pa cute effect Drei dahil parang tumatalab na sa akin. Sheyyyt! I can't concentrate. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa kagwapuhan mo, idadpgdag pa ang nakakanerbiyos na exam na to.
"Hannah! Start answering now. It seems that you are physically present but you're mentally absent." Sigaw ng guro. Naku! Napuna pa talaga?
At ang loko nakangiti pa habang sumasagot sa booklet na nakayuko. Arggghhh!
Isip - sagot- isip -sagot....ganyan ganyan lang. Ang tanong ? Tama kaya naisip ko para sa sagot? Haizzt ..
After ko masagot lahat, well may hindi naman ako nasagot. Ipinasa ko na ang booklet ko , wala na kaya akong maidagdag na sagot. Dinala ko na rin ang bag ko pagkapasa ko para deretso na ako lumabas.
" Hannah, sabay na tayo." Hinintay pala ako ni Drei.
"Ikaw pala Drei. Tara!"
Lumakad na kami paalis ng room namin.
"Ano ? Hindi ka naman ba nahirapan sa questions?" Tanong pa niya
"Hindi masyado. Kasi diba mostly naman napag-aralan naman natin yung lumabas."
"Oo nga eh. Teka , saan ba tayo ngayon?"
"Canteen nalang, medyo sumakit ulo ko kanina eh."
"Lezgo!" At naglakad na kami papunta sa canteen.
---------
Andrei'spov
Second day of exam namin ngayon. Pansin ko na parang wala sa sarili si Hannah. Pero tahimik lang ako kasi start na yung exam namin. Tumingin tingin ako sa kanya pero parang hindi pa rin siya nagsisimulang sumagot.
Malapit na mag time pero yung booklet niya walang laman. Kinuha ko ang booklet niya at ibinigay ko sa kanya yung sa akin. Sinagutan ko yun ng mabilis pero hindi lahat. Nag change din ako ng penmanship. Tapos ibinigay ko sa kanya at kinuha ko ulit yung booklet ko sa kanya. Wooosh! Buti nalang busy sa facebook yung teacher namin kaya hindi kami pansin.
"Drei, hindi muna sana ginawa yun." Sabay kaming naglakad ng sinabi niya yan.
"Bakit naman? Diba sabi ko naman sayo tutulungan kita?"
"Pero Drei hindi tama yun!"
"Alam ko. Pero diba ginawa na rin naman natin yan sa mga previous exam, bakit ngayon ka lang nagreklamo? "
"Kasi...kasi ano..." hindi niya masabi.
"Huwag mo ng isipin yun. Uwi na tayo."
Andrei'sPov
Ang dali naman ng araw. Last day of exam na namin ngayon. Paano ko kaya itatanong kay Hannah yung tungkol sa panliligaw ko sa kanya? Nitong mga nakaraang araw kasi hindi kami palaging nagkikita ni Hannah. Parang umiiwas siya kapag nag attempt ako na lapitan siya. Pero ngayon Kailangan ko talaga siyang tanungin kasi after this day, next semester na ulit kami magkikita.
Natapos ko yung mga subjects ko this day ng mabilis.
Last subject ko na to ngayon at magkaklase kami. Hihintayin ko nalang siya sa labas.
Pagkakita ko na lumabas na siya, nilapitan ko kaagad siya.
"Hannah, pwede ba tayong mag - usap?"
"Ano naman pag-usapan natin?"
"Pwede bang huwag dito? Daming dumadaan eh. "
"Sige, sa mini forest nalang tayo."
Pagkarating namin, hindi na ako nagpa ligoy2x pa . Baka kasi maiinip pa to.
"Hannah, yung tungkol sa atin. May progress na ba? I mean, pumapayag ka na ba?" Nasabi ko na, sagot nalang niya ang kulang. Nakakakaba naman to. Lakas sumipa ng puso ko. Please Hannah pumayag ka.
"Huh?! Haha!Ano ba yang pinagsasabi mo Drei? Diba sinabi ko naman sayo na huwag kang masyadong umasa? Mapang asar na sagot lang niya at tumawa.
So siguro totoo nga yung sinasabi ni Ed na ginagamit niya lang ako. Kasi ngayon hindi na niya ako kailangan kaya iba na ang treatment niya sa akin.
"Anong nakakatawa?" Inosenteng tanong ko
"Hahaha! Hindi mo alam kong ano ang nakakatawa? Nakakatawa ka. Kasi ang tanga mo. " hinampas pa niya ang braso ko sa sobrang tawa. "Hindi ka kasi sinabihan ng kaibigan mo. Haha"
Tawa lang siya ng tawa, tinitingnan ko lang siya at hindi na ako nagsasalita dahil kapag nagsalita ako sigurado akong tutulo na ang luha ko sa sobrang sakit at kahihiyan. Marami pa namang tao dito. At nakakaagaw atensiyon pa talaga ang tawa niya kaya maraming nakatingin sa amin. Pag tumulo ang luha ko, wala ng matitira sa akin sa sobrang kahihiyan.
"Alam mo, alam naman ng kaibigan mo na ginagamit lang kita eh. Ewan ko nga kung bakit hindi mo alam. Kailangan lang kita para lumaki ang grades ko at para makapagtransfer na ako dahil yun ang kondisyon ng dad ko." Medyo hininaan na niya ang boses niya.
"Kaya huwag ka ng umasa sa akin, dahil kahit kailan hinding hindi ako papatol sa isang katulad mo na cheap! Yan ang tandaan mo! Tingnan mo nga sarili mo, nakakadiri. " tinuturo turo pa niya ako."paano naman kita magugustuhan niyan? "!nilakasan na naman niya ang boses niya at pagkapos niyang sabihin yan, tumalikod na siya at umalis.
Naiwan akong nakatunganga. Hindi ko namalayan na unti unti na palang bumabagsak ang luha ko. Wala na akong pakialam sa mga tao kung tiningnan man nila ako. Naiisip ko nalang na Ito na ang katapusan ng masasayang araw ko na kasama siya. Oo naging masaya naman ako na kasama siya. Pero ang sakit sakit lang na pinapaniwala ko ang sarili ko na magugustuhan din niya ako pero mali pala ako. Dahil paulit ulit lang niyang sinasaksak ang puso ko sa tuwing pinapamukha niya sa akin na mahirap lang ako. Tama nga siya na ang tanga ko. Binalaan na ako ni Ed pero nagpatuloy pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...