Chapter 10

90 9 1
                                    

Hannah's POV

"Hannah bakit wala ka pala kahapon?" Andito ako ngayon sa mini forest ng biglang sulpot ni Drei. tss..feeling talaga ng lalaking ito. Iniisip siguro nito na may gusto din ako sa kanya. Plan continue tayo. Ngiting tagumpay Hannah! Galing mo!

" Pasensiya na Drei , family matters lang." katwiran ko.

"Hannah, tungkol doon sa nangyari nong nakaraang araw, baka pwedeng pag-usapan natin. Nakausap ko na si Ed. Okey naman na sa kanya ang lahat Hannah. I mean kung pumayag ka man na ligawan kita, walang problema sa kanya yon."

'Pag siniswerte ka nga naman. Titiisin kita Drei dahil may last exam pa ako na dapat mo akong tulungan. " Talaga bang payag siya?"

" Oo, inamin niya rin sa akin ang totoo." Ano kaya yung sinabi sa kanya ni Ed? Hindi niya kaya sinabi yong plano ko? Pero parang wala namang alam to kasi gusto pa rin naman manligaw nito.

" Ano bang inamin niya sayo?" panigurado ko.

" Na may gusto siya sa akin at ayaw niyang manligaw ako sayo. Pero naintindihan niya na ako. Kaya okey na ang lahat. Sana naman pumayag ka na ligawan kita. HIndi ko man maipapangako na maibibigay ko sayo ang lahat pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mapasaya lang kita." tanga naman talaga ng lalaking to, idagdag pa ang kaibigan niyang hindi man lang pinagsabihan ito.

Naaawa pa rin naman ako sa taong to." Kung ganun, sige payag ako. Pero sana lang huwag kang umasa masyado."

Sorry Drei, pero kailangan kong gawin to. Kahit hindi kita mahal, gusto naman kita bilang kaibigan ko. Pero alam ko pagkatapos mong malaman lahat ng ginagawa ko alam kong kamumuhian mo ako.

" Talaga Hannah? Pumapayag ka na?" hinawakan pa niya ang dalawang balikat ko at pagkatapos kung tumango ay napasuntok pa siya sa hangin at napa "YES". Gwapong gwapo siya sa ngiti niyang yun. Aish Hannah hindi pwede yang iniisip mo.

" Laki ng ngiti mo Drei ah. At ano yang ginagawa mo? Nakakahiya ka. Baka bawiin ko yung sinabi ko eh." pagbibirong sabi ko.

" Masaya lang ako Hannah na pumayag ka. First time ko kayang manligaw." Ngiti-ngiting sabi niya.

" Hindi pa naman kita sinasagot ah."

"At least binigyan mo ako ng chance na maipakita ko sa iyo ang pagmamahal ko. Masaya na ako doon."

" Ang babaw naman ng kaligayahan mo Drei.

" Alam mo kasi Hannah, kaming mahihirap mababaw lang talaga ang kaligayahan namin. Yung maliit na bagay para sa inyong mayayaman ay malaking bagay na para sa aming mahihirap. Kaya masaya na kami sa maliit na bagay na yun." biglang lumungkot ang aura niya

" Ay naku Drei! Dumadrama kana.!Halika na nga, punta tayo ng Diners, kain tayo, ilibre mo ako ha total naman manliligaw ka eh." hahaha, ano ka ngayon Drei? kala mo madali manligaw sa akin ha. Masubukan nga.

" Diners?" parang gulat pa na tanong niya. " Diba mahal don?"

"Eh alin ba ang mahal sayo? Ang Diners o ako?" kawawa naman mukha ni Drei. Worried na worried talaga mukha niya.

"Siyempre mahal ka sa akin. Tayo na nga!" Aba! talagang gusto maubos pera niya. Pero sa totoo lang affordable lang naman sa Diners. Tsaka ako talaga magbabayad. Biro ko lang sa kanya yun. Pero mamaya ko na sasabihin.

Andrei's POV

Papasok na kami ngayon ng Diners. At ako? Pawisan. Hirap pala manligaw kung walang pera. Buti nalang talaga nakaipon ako. Pero mukhang mauubos talaga yata ang ipon ko nito. Lord, please naman, huwag niyo sanang hayaang maubos ang pera ko. Napapikit pa ako.

" Ako nalang mag order Drei." biglang sabi ni Hannah

"Naku Hannah ako nalang. Ano bang gusto mo?"

"Anything kung ano sa tingin mo ang pasok sa panlasa ko." sagot ni Hannah

"Sige. Hintayin mo lang ako diyan." Umupo naman si Hannah dun sa table na malapit lang sa bintana.

Imbes na magbabayad na ako ng order ay bigla nalang nagbigay ng pera si Hannah sa cashier at tinanggap naman ito. Kaya ako walang masabi at parang tanga lang na nakatingin sa kanila. Lord, instant sana yung sagot sa panalangin ko. Daig pa nga instant noodles eh, kaya lang parang natapakan pride ko Lord. Ako dapat nagbabayad di bale na maubos pera ko.

Kaya ano pa ba magagawa ko ? Dinala ko nalang ang tray na naglalaman ng pagkain namin at umupo na sa table namin. Habang kumakain, nag usap lang naman kami tungkol sa mga subjects namin. Sabi pa niya magkasama daw kami mag study ngayong Final Exam. Saan naman kaya ang plano niyang mag study? Bahala na.

------

Andrei's POV

"Kapag tumibok ang puso, wala kanang magagawa kundi sundin ito." Masayang kanta ko pagkauwi ko sa bahay.

"O nak, masaya ang araw natin ah. Nong nakaraan lang eh ang lungkot mo."

"Ganyan talaga ma, minsan masaya, minsan malungkot. Di ka pa nasanay."

Dumiretso na ako sa kwarto pagkatapos kong mag mano sa mama ko.

Talagang masaya ang araw ko. Pero nakakalungkot pag naiisip ko yung sinasabi sa akin ni Ed. Sana lang mali yung ginagamit lang ako ni Hannah. Pero parang ganon talaga ang nangyari kasi palagi ko naman talaga siyang tinutulungan pag may ipinapagawa siya sa akin. Tsaka kanina nong kumakain kami about exam, assignments and projects mostly yung napag-usapan namin. Bahala na nga lang. Matutulog na ako.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon