Hannah POV
"Ang boring naman ng klase ngayon."inaantok at mahinang sabi ko
"Sa magandang view ka tumingin." Nakapikit na sabi ni Franc
"Kung meron nga lang sana." Napabuntong hiningang sabi ko at lumingon sa kanya. Well, may magandang view pala. Napangiti ako sa naisip ko. Buti nalang nakapikit siya at hindi niya nakita ang pagngiti ko. Para kasi akong tanga.
Buti pa si Franc pwedeng matulog sa klase. Pero mas okey na rin kasi malaya ko siyang natitingnan. Ano ba itong naiisip ko? Erase erase.
"Anyare sayo bf?"nagtatakang tanong ni Tin
"Ah, w-wala. May naisip lang ako na hindi dapat. Hehe" pekeng ngiti ko
"hmm.para ka kasing baliw eh."
"Huwag mo nalang ako pansinin. Makinig na tayo, baka mapagalitan pa tayo pag narinig tayong nag uusap." Patay-malisyang sabi ko
Mayamaya lang nilingon ko siya na nakapatong ang ulo niya sa sandalan ng kanyang upuan. Nakapikit pa rin pero nakangiti.
"Nakakita ka na ba ng magandang view?"nakangiti pa ring tanong niya. Bakit kaya parepareho sila ni Andrei ng mga binibitawang salita?
Magkapatid kaya sila? Pero imposible kasi mahirap lang si Andrei. Pero kung mukha talaga ang pagbabasihan , hawig na hawig talaga. Yun nga lang parang mas gusto ko itong si Franc. Ngayon lang yata ako kinikilig sa lalaki na kahit nakapikit nakangiti naman."Paano kaya mainlove ang tulad niya?" Bulong ko sa aking sarili
" Bakit? Nainlove ka na ba sa akin?" Ha? Rinig ba niya ako?
"Oo. Malakas ang bulong mo."seryoso niyang sabi ngunit parang wala lang yun sa kanya
"Ah-eh.." wala akong masabi. Nakakautal naman. Lakas ng sipa ng dibdib ko.
Kring...kring...
Hayss salamat. Saved by the bell. Makaalis na nga. Baka kulitin pa ako ni Franc.
Tumayo na ako at kinaladkad si Tin. Napatayo naman ito.
"Teka nga lang bf! Ba't ka ba nagmamadali?" Reklamo niya
"Basta. Tayo na."Hinila ko na siya
Sa pagmamadali ko na hilahila ko pa si Tin, bigla nalang akong nadulas dahil sa isang bagay na naapakan ko. Kaya naman sapol tuloy ang puwet ko sa sahig.
"hahaha"
"Hahahaha...kawawa naman."
"Hindi kasi nag iingat"
Mga narinig ko lang naman yan pagkatapos kong madulas. Hindi ko na lang sila pinansin. Tatayo na sa sana ako ng biglang nag offer ng kamay si Franc sa akin.
"Next time kasi, tumingin sa daan. Hindi yung basta nalang nanghihila at nagmamadali para lang makaiwas." Pagsesermon niya habang pinapatayo ako
"Kung tutulong, tutulong. Hindi yung ang dami pang daldal."pagmamaktol ko
"Papansin lang pala kay Franc.hmmp." -girl1
"Artista na yan!" -Girl2
"Tumigil na nga kayo!kita niyo na nga nasasaktan siya ganyan pa kayo! Kung kayo kaya madulas?" Galit na pagtatanggol sa akin ni Franc pero yung kamay ko hindi niya pa rin binitawan. Namumula na yata ako hindi sa kahihiyan kundi sa kakiligan. Gusto ko ng sumigaw at magtatalon. Ahem ahem. OA na yata ako.
"Tayo na bf." Hinala na ako ni Tin pero bigla naman akong hinila ni Franc at nabitawan ako ni Tin. Dahil sa lakas ng hila ni Franc, napunta ako sa kanya at pareho kaming natumba.
Kaya ang posisyon namin nakapatong ako sa kanya and nag touched ang mga labi namin. Yung makikita niyo lagi sa movie na akala ko sa movie lang mangyayari. Sa akin din pala.Pero ang hindi ko akalain at mas ikinagulat ko ay hinalikan niya ulit ako. Madali lang yung halik niya pero yung labi niya parang parang naiwan pa rin sa paghalik sa akin. Ganito pala ang mahalikan? Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Bf?!"nagising ako sa katotohanan ng marinig ko ang tawag sa akin ni Tin kaya naman mabilis akong tumayo.
"Hindi pa nakuntento sa pagpapapansin ? Nag effort pa talaga na makahalik kay Franc? So desperate girl!" sigaw sa akin ni Farlin , at tinulak ako. Buti nalang nahawakan ako ni Tin. Farlin pala yung name ni ganda. Yung nakaaway ko. At kaklase ko siya ngayon. Small world.
Nakakaloka ang araw na to.
Pag uwi ko, pumunta na agad ako sa kwaro ko.
Kinagabihan hindi ako makatulog dahil palaging sumasagi sa isip ko ang halik ni Franc. Bakit niya ako hinalikan ulit?ugghh!!!!patulugin mo ako! Paikot ikot nalang ako sa aking higaan hanggang sa makatulog ako. Kinaumagahan, parang ayaw bumuka ng mga mata ko. Ang alam ko 3am hindi pa ako nakatulog. Ang hirap nito.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...