Chapter 29

126 9 1
                                    

Andrei's POV

Sumasayaw sa gitna ng stage? Maikli lang ang suot niyang pang-ibaba na shorts na kumikinang ang kulay gold yung bawasan lang ng konti panty na. Ang pang-itaas nya ay kumikinang na kulay gold rin na bra.

Nakakaya niya talagang magsuot ng ganyan kaikli na damit sa gitna ng stage? Ang dating simpleng Hannah na nagustuhan ko noon ay ibang iba na talaga ngayon.

Seryoso lang akong nakatutok kay Hannah. Parang ayaw ng mga mata ko na mawala ang tingin sa kanya. After 3 and half years nakita ko ulit siya pero bakit ganito?

"Bro, parang lakas ng tama mo diyan ah."sabi ni Jeff at ngumuso siya sa direksyon ni Hannah. Hindi pala nila alam na kilala ko siya.

"Ah, nagandahan lang. Masama?"

"Hindi naman. Pansin ko lang kasi kanina mo pa siya tinitingnan. Kung ice yan kanina pa natutunaw yan sa mainit mong tingin."panunukso ni Jeff.

"Uminom ka na nga lang diyan."

Tumingin ulit ako kay Hannah na sumasayaw pa rin. Sakto naman na napalingon rin ito sa direksyon ko at nagtama ang mga mata namin.Halata sa mukha nito ang pagkagulat.

Nakilala niya siguro ako kahit medyo madilim dito sa inuupuan namin.

Iniwas niya ang tingin sa akin. Pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Ilang seconds lang nakita ko na may mga tumutulong luha sa mga mata niya habang sumasayaw. Hinayaan niya lang itong tumulo at hindi pinahid hanggang sa matapos ang sayaw niya.

Bakit parang sumasakit ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon?

Lumabas muna ako sandali para magpahangin. Para kasi akong nahihirapan na huminga sa loob.

Ilang minuto lang ay may lumabas naman sa pinto kaya napatingin ako dito. Si Hannah. Iba na ang suot neto. Lalapitan ko ba siya? Anong sasabihin ko?

Habang iniisip ko kung anong gagawin ko. Hindi ko napansin na nasa harapan niya na pala ako.

"Hi Drei! Musta na?"casual niyang sabi. Tapos humithit ng sigarilyo. Parang hindi na talaga siya to.

"Okey lang naman. Ikaw?" Casual naman na sagot ko.

"Halata nga sa itsura mo na okey ka. Mayamanin na tayo ngayon ah!" Malakas na pagkasabi niya at halatang umiiwas sa tanong ko sa kanya.

"Ikaw kumusta na?"ulit na tanong ko.

"Tinatanong pa ba ang nakikita mo na?" Pilit na sagot niya.

"Gusto kong malaman mula sayo."

"Huh. May bayad ang oras ko. Pero sa itsura mo..."pinasadahan muna niya ako ng tingin at pinaikot saka muling nagsalita." Halata naman na kaya mong bayaran ang bawat oras ko. Ano? Gusto mo?"

"Tch. Kailangan talaga may bayad para lang malaman ko kung kumusta ka?"

"Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo."

Tiningnan ko muna siya. Magkano naman kaya? Ayoko namang itanong sa kanya. Halata kasi sa kilos niya na parang napipilitan lang siya na kausapin ako.

"Sige. Diba pwede naman kayong ilabas dito? Saan mo gusto?"sunod sunod na tanong ko.

"May malapit na kainan dito. Hindi naman masyadong expensive dun. Okey lang ba?"

"Sabi mo eh. Tara." Pupunta na sana ako sa kotse ko kung saan naka park ito pero hinila niya ang kamay ko bigla pero binitawan niya naman agad paglingon ko.

Shit! Bakit para akong nakuryente sa paghawak niyang yun? Eary Drei. Easy.

"Bakit?"tanong ko nalang.

"Saan ka pupunta?"

"Kukunin ko lang sana ang kotse ko."

"Huwag na. Balikan mo nalang yan. Walking distance lang naman yung sinasabi ko."

"Talaga? O baka naman gusto mo lang malaki ang babayaran kong oras sayo?" Nakangiting sabi ko.

"Asa! Kung gusto mo ng walang bayad kausapin mo ako ng hindi duty hours."

"Pwede ba yun?"interesadong tanong ko.

Tumingin lang siya sa akin at hindi sinasagot ang tanong ko.

"Tayo na nga lang." Pag-iiba niya sa usapan.

Habang naglalakad kami ,may naisipan akong itanong sa kanya.

"Hannah, may itatanong lang ako."

"Ano?" Pero yung tingin nya nakatutok lang sa daan.

"What happened after the last time we talked?"diretso na tanong ko.

Tumingin siya sa akin saka huminga ng malalim.

"Nag drop ako. Hindi rin naman kasi ako makakatapos dahil wala na talagang pag-asa ang company namin. Lahat ng meron kami kinuha na ng taga bank. May naiwan na konti sa amin yun ang ginamit namin para may makain araw2x. Kaya lang mahal yung minimaintain na gamot ng mommy ko sa sakit niya." Huminto siya sa pagsasalita ,siguro dahil masakit sa kanyang sabihin.

"Kaya ka nandito?"

"Sinusubukan kong maghanap nun ng trabaho. Kaya lang, sa gaya ko na hindi pa nakatapos, maliliit lang yung sweldo sa pwede kong pasukan. Hindi yun kasya sa pang araw araw namin lalo pa't may sakit ang mommy. May nakapagsabi sa akin tungkol sa bar na yun. Nung unang gabi pa lang, satisfied na ako sa sweldo ko kaya itinuloy ko na."

"Hindi ka bagay sa lugar na yun Hannah."

"Alam mo Drei, dapat maging masaya ka ngayon diba? Kasi naranasan ko na ang gusto mong iparanas sa akin. Ikaw na ang nasa itaas ngayon at ako na ang nasa ibaba. At mas worst pa eh isa na akong bayarang babae. Nung time na humingi ako ng tulong sayo, hindi mo ako tinulungan. Tapos ngayon sasabihin mo na hindi ako bagay sa lugar na yun?" bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib. Nagiguilty ako dahil feeling ko ako ang may kasalanan sa kinahihinatnan niya ngayon. Kung tinulungan ko nalang sana siya.

"Hindi ko naman kasi iniexpect na maging ganito ka Hannah."


"Tama na ang pagsisisi Drei. Okey na naman kami ngayon eh. Tanggap ko na kung ano kami ngayon."alam ko na gusto niyang umiyak pero pinipigilan lang niya ito.


"I'm sorry."sabi ko nalang


"Hindi ko yan kailangan. Pakainin mo nalang ako. Nandito na tayo. Nalaman mo na ang gusto mong malaman diba? Ito nalang ang bayad. Matagal na rin kasi akong hindi nakakain sa ganitong lugar."pilit na ngumiti siya.

Kumain nalang kami. Halata nga na matagal na siyang hindi nakakain sa ganito. Ang dami niya kasing naubos.


__________

Salamat sa lahat na bumasa ng story ko. This is my first kaya pasensiya sa mga errors. Alam kong madami. Kayo nalang po ang bahalang umintindi. Salamat ulit. please vote or comment.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon