Chapter 33

117 10 2
                                    

Andrei's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko.

Masaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Hannah na mahimbing pa rin na natutulog.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumangon ako para magluto. I smile when I saw blood stains sa bed sheet.

Yeah, she's still virgin . Who would have thought that a girl like her working in a bar with an expert kisses is still a virgin? I really did not expect it. Kaya masaya ako ngayon. Masayang masaya.

Nagbihis ako at pumunta sa mini kitchen nya. Maliit lang kasi itong apartment nya kay maliit din ang kusina.

Tumingin ako sa ref para maghanap ng pwedeng lutuin. Hotdog lang ang meron? Naman! Ke babaeng tao hotdog ang laman? Sa dinami dami hotdog pa?! Baka may tinatagong egg pa yun dito.

"Ahem! Ahem!"

"Ay itlog!" Nagulat ako sa boses ni Hannah na bigla nalang sumusulpot.

"Anong itlog yang sinasabi mo? Walang itlog dito. Tsaka kanina pa kita naririnig diyan sa hotdog mo ah."

"Ha? E kasi puro hotdog ang laman ng ref mo."

"Eh yun ang favorite ko eh."

"Favorite mo hotdog?!"malakas na tanong ko at ngumisi.

"Ano ba yang reaksyon mo? Ang green mo!"

"Hahaha. Bakit? May sinabi ba ako?"nanunuksong sabi ko."aish. Maghintay ka na nga lang diyan. Magluluto lang ako."

"Ako na lang magluto. Umupo ka na." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya. Good mood ako ngayon kaya ako ang magluluto.

"Ako na. Minsan lang to okey?" I wink at her at namula na naman siya.

" Sabi mo eh."

Pagkatapos kong magluto inihanda ko na ang kainan namin.

"Heto na ang special hotdog ko babe."nakangising sabi ko. Namula siya at hindi nakapagsalita.

Hinalikan ko bigla ang lips nya. Mabilis na halik lang para mawala ang gulat nya.

"Anong sabi mo? Hotdog mo babe? At nanghahalik talaga bigla?" Hinawakan pa nya ang labi nya na hinalikan ko.

"Oo. Hahaha. Ang green mo babe." I know gulat din sa sya na tinawag ko siyang babe. Ako nga rin nagulat na nasabi ko yun bigla eh.

Hindi na talaga nagsasalita si Hannah. Kumain lang ito ng walang imik. Ano kaya ang iniisip nya? Sa nangyari kagabi, gusto kong maging girlfriend ko na sya. Sana pumayag siya.


Hannah's POV

"Hannah, I know this sounds surprising to you. Pero..." ano kaya ang sasabihin nya?" Pwede bang subukan natin na maging tayo? Diba sabi mo naman mahal mo ako?" nakatitig lang ako sa kanya na gulat na gulat. Hindi ko alam kong anong tama na sabihin ko.

"Ah-eh..."

"Hannah, I know what happened last night was really for me. Hinintay mo ako diba? Kaya ka nag initiate the other night because you think it's your chance to let me feel that you still love me. Kahit na alam mong walang kasiguruhan kung ano ang maging resulta."

Yeah , he is right. Umaasa pa rin ako na magkikita kami . Kaya hindi ako nagpagalaw kahit kanino. Kapag may gustong maglabas sa akin sinasabi ko sa kanila na hindi ako pwede sa kama bago ako papayag. Hanggang halik lang talaga ako. Paano niya naisip agad ang lahat ng yun? Pero nagpapasalamat pa rin ako. Nagpapasalamat ako dahil alam ko na tanggap nya ako bago pa may nangyari sa amin kasi pumatol siya kahit ang alam nya marami ng nakakagalaw sa akin.

Wala akong maisagot sa kanya. Umiiyak lang ako. Umiyak ako hindi sa lungkot kundi sa tuwa. Dahil ang inakala ko na wala ng papatol sa akin ay mali pala. At ang tao pa na matagal kong hinintay.

"Hannah, please don't cry. I want you to start with me again."

"Tama ba ang lahat ng narinig ko Drei? Hindi ka ba nagbibiro?"umiiyak pa rin na sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

He hug me tight. Yakap na parang ayaw na akong pakawalan. Pagkatapos ay hinawakan niya ang dalawa kong balikat at tiningnan ako ng mata sa mata.

"Mukha ba akong nagbibiro? Huwag na nating patagalin pa to Hannah. Alam naman natin na mahal natin ang isa't isa diba?"

Tumango lang ako sa kanya.

"Anong ibig sabihin niyan? Pumapayag ka ng maging tayo?"nakangiting tanong niya.

"Oo. Wala namang pinagkaiba yun kung magpapakipot pa ako diba? Hindi na yata bagay sa akin yun."nakangiti rin na sagot ko.

"Thank you! Thank you Hannah!"sumisigaw na sabi niya niyakap ako ng sobrang higpit.

"Hindi na ako makahinga Drei!"

"Ay sorry..nadala lang ako sa sobrang saya."

"Kumain na nga lang tayo." Sabi ko nalang

"Sige."

Habang kumakain kami, pasulyap sulyap pa sa akin si Andrei at ngumingiti.

"Anong nginingiti mo diyan?"

"Wala lang, masaya lang talaga ako."

"Ako rin. Salamat Drei. Salamat at tinanggap mo pa rin ako kahit na ganito ang trabaho ko."Napayuko ako sa sinabi ko.

"Hannah, tanggap kita. Pero kagabi ang saya ko talaga dahil hindi ko expect na ako pala ang una sayo. Kaya nga ngayon gusto ko na maging tayo para ako nalang talaga ang may karapatan sayo. "

"Oo Drei, ikaw lang talaga."

"Salamat. Tapusin na natin tong kinakain natin. At mamaya lalabas tayo."nakangiting saad nya.

"Okey."

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon