Hannah's Pov
"Anong kailangan mo?" Walang ka emoemosyong sabi ng daddy ko habang nakayuko pa rin at nagbabasa ng diyaryo. Nandito ako sa library ng Dad ko ngayon.
"Dad, pwede po bang hindi na lang ako mag tatransfer ng school?"
"Why?" Ikling sagot niya na nakatingin pa rin sa binabasa niya
"I think, okey na kasi ako sa ZU dad."
"Are you sure okey ka na talaga dun? Last time I check kating kati kana magtransfer sa ibang school na malayo dito ah coz you said you want to be independent." Tumingin na sa akin ang dad ko
"Opo dad."
"Yan lang ba talaga ang rason mo?" Bigla akong kinabahan sa tanong ng daddy ko at sa tingin niya sa akin na parang may ibang ibig sabihin.
"What do you mean dad?"
May kinuha siyang isang envelope sa loob ng kanayang drawer ay nilapag ito sa mesa.
"Tingnan mo."
Kinuha ko yung envelope at tiningnan ko ang laman. Nagulat ako sa nakita ko. Picture namin to ni Andrei the time na pumunta ako sa bahay nila. Bakit may kuha nito ang dad ko? Pinasubaybayan ba niya ako?
"Bakit meron ka nito dad? Sino ang kumuha nito?" Nagtatakang ganong ko
"Pinasubaybayan kita para makasiguro ako na nagtitino ka talaga sa pag-aaral mo. Pero yan ang nalaman ko."
"Ano namang meron dito dad? Pumunta lang ako sa bahay nila."
"Hindi kita pinaaral para pumunta sa kung saan Hannah. At anong meron diyan? Hindi ko siya gusto para saiyo!" Galit na sabi ng dad ko
"Magkaibigan lang kami dad. Huh!Masyado ka namang assuming." Inis na sabi ko
"Masyado ba akong assuming? Eh kung sabihin ko saiyo na alam ko na nanliligaw siya sayo?Anong masasabi mo?" Lagot na, alam pala niya.akala ko lusot na ako dun.
"Pag nanliligaw ba dad boyfriend ko na agad?Hindi naman diba? Tsaka alam niyo din ba na hindi ko siya sinagot?" Biglang natigilan ang dad ko. Yan kasi, masyadong advance mag isip
"Sige na dad, payagan niyo na ako." Pagpupumilit ko ng may lambing sa boses ko
"Hindi pwede! Dahil ayokong magkikita ulit kayo ng lalaking yan."
"Bakit naman dad?" Pinagtataka ko talaga bakit hindi pa siya papayag eh wala naman kaming relasyon ni Andrei.
"May mga bagay na hindi na kailangang sabihin Hannah kaya huwag ka nang maraming tanong. Makakaalis ka na." Dismayado na lang akong umalis sa kwarto.
Hayyyss..wala na talaga akong choice . Kelangan ko na talaga magtransfer. Kumusta na kaya si Andrei? Ilang araw na rin mula nong pinahiya ko siya. Malamang sa malamang galit na galit na sa akin yun. Nung time na yun kasi talagang yun ang gusto kong sabihin sa kanya. Ayoko siyang sagutin dahil sigurado ako na pagtatawanan lang ako ng mga friends ko kung magkakaroon ako ng boyfriend ns katulad niya lang na mahirap at wala pang taste sa fashion. At yun lang ang paraan para layuan na niya ako.
Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unti akong nagiguilty sa ginawa ko sa kanya at palagi akong binagabag ng aking konsensiya. May isang parte rin ng pagkatao ko na parang naninibago ako na wala siya. Parang gusto ko siyang makita ulit kaya naman kinausap ko talaga si dad kanina para naman makita ko at makapagsorry ako kay Andrei. Kaso nga lang bigo ako.
"O baby, bakit ganyan ang mukha mo?" Nakasalubong ko si mommy sa sala kaya yan ang tanong niya. Nakasimangot kasi ako.
" Kasi mommy ayaw ni daddy na hindi nalang ako magtransfer."
"Bakit naman? Eh diba siya yung ayaw na magtransfer ka? Ngayong hindi ka na tutuloy siya naman ang may ayaw?" Naguguluhang tanong ni mommy
"Ewan ko nga mommy eh." Hindi ko nalang sinabi kay mommy yung tungkol sa picture at sa sinabi ni dad kasi panigurado mahabang usapin na naman yun. Si mommy kasi likas na mapagtanong. Wala pa ako sa mood para magkwento sa kanya.
"Hayaan mo, susubukan kong kausapin ang daddy mo."
"Thanks mom. Punta na ako sa kwarto ko mom." Pagpaalam ko
"Sige baby."
Pumunta na agad ako sa kwarto ko . Kailangan kong tawagan si Tin at Chael.
Calling....calling....
Ilang ring pa at sinagot na ni Tin ang tawag ko.
Yes bf?bakit ka natawag?
Confirm na talaga yung pagtransfer ko sa ibang school.
Saang school ka naman magtatransfer bf?
Ewan ko nga eh. Malungkot na sabi ko
Bf, bakit para kang namatayan diyan? Diba dapat magsaya ka kasi makakalayo ka na sa inyo?
Para kasing ayoko ng magtransfer eh. Kaya lang ayaw pumayag ni daddy.
Ha?! Bakit naman ayaw mo na magtransfer? At bakit ayaw pa ni tito? Diba siya nga yung ayaw na magtransfer ka?
Ay naku, inuulit mo lang yung tanong ng mommy ko. Hindi ko kaya alam kung bakit ayaw na ni dad na hindi ako magtratransfer.
Pero bakit ayaw mo ng magtransfer?
Ah basta...usap nalang ulit tayo tungkol diyan pag nagkita tayo
Okey.sabi mo eh. Pero sama ako sayo magtransfer ha. For sure marami boylet dun, baka makabingwit ako ng gwapo.hahaha!
Sira ka talaga! Puro lalaki nalang yang nasa isip mo.
Yun kasi happines ko noh!palibhasa ikaw ang sungit mo sa mga lalaki. Tomboy ka siguro.
Hay naki! Kung alam mo lang.
Kung alam ko lang ang alin?
Ah basta. Sige na bye!
Tot tot...
hahaha... end call ko agad. Baka kung ano pa kasi masabi ko. Haysy. Tinatamad na akong tawagan si bf Michael. Mamaya ko nalang siya tatawagan. Gusto ko muna matulog.
Pagkapikit ko , bigla nalang rumihestro ang gwapong mukha ni Andrei sa isip ko. Nakangiti siya na nakatingin sa akin.
Flashback
"Hindi mo na kailangan maglagay ng palamuti sa mukha Hannah, maganda ka na." Nakangiting sabi ni Andrei
Nadito kami sa gilid ng oval at katatapos lang namin gumawa ng projects.
" Hindi mo ako madadala sa mga ganyan Drei."
" Kasi naman Hannah baka may ibang magkakagusto sayo at mabalewala mo na ako." Lumungkot ang mukha niya
"Hindi naman mangyayari yun noh kasi ikaw lang ang gusto ko."
"Talaga? "Tuwang tuwa na sabi niya
"Di joke lang, ikaw naman hindi kana mabiro.hahaha" sabay hampas sa balikat niya
"Naman eh."
Bigla ķaming natahimik. Tapos kumanta siya.
"Sampung mga daliri , nawala ang lima. Hinanap ko hinanap ko nasaiyo lang pala." Tapos hinawakan niya ang kamay ko.
End of flashback
Hindi ko namalayan na tumulo pala ang luha ko sa naisip ko.
"Andrei, miss na kita." Lalong tumulo ang luha ko pagkasabi ko
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...