Chapter 22

88 9 2
                                    

Andrei's POV

"Hey bro! Mukhang masaya na ang first day natin ngayon ha." Puna sa akin ni Franc

"Isa lang ang nagpapasaya ng araw ko, pero ngayon na nakita kita parang gusto ko ng magunaw ang mundo." Parang wala lang na sabi ko. Andito kasi kami sa room ni Franc. Pahingahan daw niya to sa loob ng school. Pero ngayon dalawa na kaming pumapasok dito. Parang nasa bahay lang. May tv, bed, refrigerator at etc. Pero kung tutuusin mas malaki pa yata ang room na ito kaysa sa bahay namin. Na miss ko tuloy si mama. Kumusta na kaya sila?

"Hahaha! Grabe ka naman bro. Sabihin mo nga, bakit ka nakangiti diyan? Nagkita ba kayo?" Makulit din ang isang ito pero mabait. Kaya nga madali lang kaming nagkaintindihan.

"Oo. At pwede ko nang simulan ang paghihiganti ko. Just don't let her know about you and Margareth for now. Tsaka diba alam na naman ni Margareth ang tungkol dito?"

"Yeah! Talagang seryoso ka ha. Huwag mo sanang kalimutan na babae pa rin yan bro."paalala niya

"Ipaparamdam ko lang naman ang resulta ng ginawa niya sa akin."

"Bro, kahit may ginawa siya sa iyo, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ka lalapit kay dad at hindi kita makikilala." Tama nga naman siya. Si dad lang ang may alam tungkol sa akin noon.

"Kahit na, kasalanan pa rin ang ginawa niya sa akin. Basta, ipagpatuloy mo lang ang plan mo sa kanya. At may plan din ako na gagawin."nakangiting sabi ko

"Okey,sabi mo eh. Alis muna ako. Magkaklase kami mamaya."

"Sige bro. Galingan mo."sabi ko nalang. "Huh! Hindi niya pa alam na magkaklase kami mamaya."mahinang sabi ko pagkaalis ni Franc.

Mayamaya lang ay umalis na din ako at nagpunta na sa classroom namin. You will feel now my revenge Hannah.

Hannah's pov

"Oh bf, anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo?" Uggh!!nakakahiya bakit hindi ko naalala na sinabunutan pala ako ng mga bruhang yun."Akal ko ba pupunta ka ng Cr?"

"May mga insekto lang na humarang sa daan ko. Pero may isa pang nangyari, alam mo ba na nandito rin si Andrei?"

"What?!" Shock at malakas talaga na tanong ni Tin

"What what ka diyan. Makareact naman to."

"Bakit? Ikaw ba hindi ka shock na narito siya?"may point rin naman ang tanong niya

"Syempre shock rin, pero hindi ko pinahalata. "

"Yun nga eh. Ang hirap lang kasi isipin na dati pinuntahan pa talaga natin siya sa bahay nila. Yun pala dito rin kayo magkikita? Ang liit talaga ng mundo."

"Oo nga. Dito pa talaga. Pero okey na rin yun, baka ito yung time na makahingi ako ng tawad sa kanya."

"Tama. Ang pinagtataka ko lang, ibig ba sabihin nito posible na magkita si Franc at Andrei na magkamukha?" Nalilito na tanong niya. Paano ko kaya sasabihin na magkapatid sila

"Posible. Pero huwag na lang natin problemahin yan. Tatapusin ko muna itong kinakain ko at malapit na ang next subject natin." Pag-iiba ko nalang sa usapan

"Oo nga pala. Sige bilisan mo diyan. Tagal mo kasi dumating eh. Buti nga nag order ako para sa iyo. Ang taas pa naman ng pila."reklamo pa niya

"Salamat ha..."sarkastiko na sabi ko

Pagkatapos kong kumain, pumunta na kami sa room ng next subject namin. Habang papalapit kami sa room mas lalo kong naririnig ang ingay ng mga tao na malakas na nag uusap at yung iba ay tumitili pa. Pagkapasok namin sa loob, well, kaya pala. Kasi magkatabi ang kambal.

"Nakakalito talaga kayo."classmate 1

"Oo nga. Parehong gwapo. " classmate 2

"Ang alam ko, kakabreak lang ni Franc at ang gf niya, ikaw ba Andrei may girlfriend na?" Nang-aakit na boses na sabi ni Aubrey. Huh!disperada.

"Ah, wa-"

"Excuse me. Umalis na kayo sa upuan ko." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Andrei dahil nasa tapat na ako ng upuan ko kung saan siya nakaupo.

"ah meron akong nililigawan dati, kaya lang ginamit niya lang ako para makakuha ng malaking grades. Actually dito nga rin siya nag-aaral eh." Biglang nanginig ang buong katawan ko ng marinig ko ang sinabi ni Andrei. Tumingin ako sa kanya at tumingin lang din siya sa akin habang nakaupo pa rin siya sa upuan ko.

"Upuan ko yan. Humanap ka ng sayo."pigil na mahinang sabi ko. Alam ko may kasalanan ako pero tama ba na ganito ang mangyari?parang ayaw ko ng magsorry

"Ah, sayo ba to? Ang pagkakaalam ko sa amin ang school na ito kaya pwede akong maupo kahit saan na gusto."nakangiting mapang asar na sabi niya

"Well, nagbabayad naman ako dito kaya wala kang karapatan na basta na lang akong paalisin sa upuan ko!" galit na sabi ko

"Oww. Relax . Lumalaki ang butas ng ilong mo."

Imbes na sumagot ako sa kanya, tumingin ako kay Tin na nakaupo na at nakatingin lang din sa amin. May bakante naman sa upuan katabi niya kaya umupo nalang ako doon.

Nakaupo na ako pero ang mga kaklase nakapalibot pa rin kina Franc at Andrei.

"Andrei, sino ba yung sinasabi mo na nililigawan mo? Ang kapal naman niya."

"Oo nga, mas makapal pa yata sa mukha mo."narinig kong sabi ni Andrei at nagtawanan pa sila

"Nakakaintriga naman yan. Ano ba name niya? Sikat ba siya?"

"Hannah ang name niya."at sinabi pa talaga niya ang name ko?

"Hannah? Si Hannah Villanueva ba ang tinutukoy mo? "tanong naman ng isang kaklase ko.

"Bumalik na nga kayo sa upuan niyo. Mga chismosa talaga." Utos ni Franc

Bumalik nalang sa upuan nila yung mga kaklase ko. Sakto naman na dumating na ang guro namin. Salamat naman kay Franc.

Napaisip naman ako sa mga nangyayari. Parang sinasadya talaga niya na paringgan ako. Ito ba yung resulta ng ginawa ko sa kanya? Paghihiganti na pahiyain ako gaya ng ginawa ko sa kanya?


Tumingin ako sa kanya at nakita ko siya na nakatingin rin kay Franc at parang nag-uusap sila ng mahina. Iba na talaga siya. Alam ko gwapo na siya dati, pero mas gwapo siya ngayon na nag iba na ang style ng pananamit niya. Pormal na siyang tingnan ngayon at neat. Bigla nalang siyang tumingin sa akin na ikinagulat ko. Iba ang auro niya. Hindi na tulad ng dati na masiyahin. Ngayon punong puno na ng galit ang mata niya. Pero yung nararamdaman ko sa kanya dati na tumitibok ng mabilis ang puso ay mas lalong tumitindi. Hindi pwede to. Dapat kay Franc ko ito mararamdaman. Pero magkapatid lang naman sila hindi ba? Ughh!!Problema na naman.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon