Chapter 3

169 12 11
                                    

Andrei's pov

"Bye ma! " sigaw ko palabas ng bahay. Excited ako ngayon kasi almost all subjects magkaklase kami ni Hannah. Ang aga ko tuloy ngayon.

Sumakay na kaagad ako ng tricycle papuntang school. One ride lang naman kaya talagang maaga ako ngayon. Kayo kaya excited makita yung hinahangaan niyo. Pagkapasok ko sa gate may mga 2nd year students na na nag-aabang malapit sa guards para magtour ng mga freshmen. Mga tourism students pala sila. Kaya naman hindi na ako nahirapan maghanap ng room ko. Nasa 3rd floor ang room ko at tama ako ang aga ko nga. Wala pang tao. Pumunta ako sa pinakadulong upuan malapit sa may bintana. Ilang minuto ang lumipas dumating na mga kaklase ko pero wala pa siya. Sana walang uupo sa tabi ko para siya ang katabi ko. "Lord,balato mo nalang sa akin to." Pabulong na sabi ko habang nakapikit ang mata ko.

"Ahem! malayo pa ang mental hospital dito baka gusto mong mag pause muna sa kabaliwan mo." Teka sounds familiar to. Pagtingin ko sa nagsasalita parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Lord hindi bale ng mahirap lang ako kung ganito kabilis naman manghingi ng balato sayo daig pa ang hari ng padala sa bilis mo.

"Baliw ka nga, itikom mo nga yang bibig mo baka hindi mo pansin laway mo malapit ng tumulo." sabi pa niya

Tama, tama kayo ng hinala. Si Hannah nga nakakausap ko at katabi ko. Teka, wala namang laway na tutulo ah pero nakabuka pala talaga bibig ko. Kaya tinikom ko na. Ang ganda niya kasi lalo na pala sa malapitan. Ngayon lang kami nagkausap ng malapitan. Hanggang tingin lang kasi ako noon. Ganito pala makatabi ang gusto mo?

Hindi na ako nakasagot sa kanya, nandito na kasi ang guro namin.

"Okay class, since first day of school ngayon and you're still freshmen so you will introduce your self first before our proper discussion start.So let's start at the back." -teacher

Lagot! Ako pala ang mauuna. Ako kasi ang nasa pinakaside sa pinakadulong upuan nakaupo. Hindi bale, hindi man makapal ang pera ng magulang ko , makapal naman ang mukha ko. Hehehe. Kaya tumayo na ako.

"Hi everyone!"sabay smile ko sa kanila. Maliban sa kakapalan ng mukha ko, alam ko gwapo din ako lalo na daw pag ngumiti ako. Yun ang sabi ng mama ko. "I'm Andrei delos Santos from St. Vincent's school.You can also call me Drei."

Pagkatapos ko, tumayo naman agad si Hannah at nagsalita.

"I'm Hannah Villanueva from St. Vincent." bored na sabi niya.

"Hello people! I'm Christine Dy and you can call me Tin for short." Ah so dito rin pala nag-aaral ang bestfriend niyang si Tin.

Matapos mag introduce lahat, ang teacher naman nagsalita.

"So siguro naman may natatandaan naman kayong names ng classmates niyo. By the way, I am Ms. Evangeline Sanchez and I don't want anyone talking while I am discussing. Is that clear class?"

"Yes ma'am!"

"For now, I will give you the topics for prelim and read and study in advance. Again, I want you to read and study in advance."

"Boring naman." mahinang sabi ni Hannah na kami lang ng katabi niya ang makakarinig.

"If bored ka, tingin ka lang sa kanan." Mahinang sagot ko habang ang nagsusulat.

"Bakit ? Anong meron sa kanan?" Nakayuko niya tanong

"Makakakita ka ng magandang view?" patanong na sagot ko habang nakangiti

Nakuha ko yata ang atensiyon niya. Bigla kasi siyang napatingin sa kanan sa labas ng bintana. Gusto ko tuloy matawa.

"Alin naman ang magandang view diyan? eh puro studyante lang naman makikita mo ang nag ja-jogging sa Oval na yan."

"Sinabi ko bang tumingin ka diyan?"

"Eh sabi mo tumingin sa kanan."

"Ako, wala ba sa kanan?" Nakangiting sabi ko habang siya nakasimangot sa sagot ko.

"View ba ang tawag mo diyan? Nakikita mo ba ang lips ng babaeng yan?" Tinuro niya ng pasikreto ang classmate namin na nasa unahan na nakaside view enough para makita namin ang lips niyang sobrang pula. Nagtataka naman ako kung bakit tinanong niya yan.

"O bakit anong konek?" Nagtatakang tanong ko.

"Dinaig kasi ng mukha mo ang lipstick niya sa sobrang kapal." mahinang sabi niya.

Natawa nalang ako sa sagot niya. Natutuwa ako kasi at least kinakausap niya ako.

Pagkatapos ng klase namin kay Ms. Sanchez, pumunta ako sa library para hanapin yung reference book ni ma'am. Pagkakita ko pinacopy ko agad. May xerox machine lang kasi sa loob ng library. Kailangan ko to, mahirap na baka mawala pa ang scholarship ko. Meron kasing maintaining grades sa scholar dito. Pagcheck ko sa time, 9am pa lang. 10am pa ang next subject ko. Pupunta nalang ako sa canteen.

_______

Hanggang dito lang po muna update ko. Maraming salamat po sa mga readers ng story na to.

Salamat sa pagtitiwala niyo. Sorry sa mga errors, hamak na baguhan lang po ako sa pag gawa ng storya. Please vote and comment po..salamat

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon