Chapter 4

117 10 3
                                    

Pagkarating ko sa canteen ang daming tao. Pero sa isang direction lang nakatingin ang mata ko. Siyempre kanino pa ba? Mapuntahan nga.

"Hi Hannah! Wala ka bang kasama?" Tanong ko

"Nakita mo ba na may katabi ako?" pilosopong sagot niya

"Ahh eh wala".

"Minsan ang tawo sadyang tanga lang. Alam na nga ang sagot tinatanong pa." Walang ganang sabi niya sabay iling.

"Grabe ka naman Hannah , sinigurado ko lang naman baka kasi may pinuntahan lang." Nahihiyang sabi ko. Tiningnan niya lang ako sa mata. "Bakit ba ganyan ka sa akin? Ano bang nagawa ko sayo? Gusto ko lang naman maging kaibigan mo."

"Huh!kapalmuks ka talaga noh? Diba nasabi ko na sayo na naiirita ako sayo? Bakit? Bakit ganito ako sa iyo? Hindi mo ba halata? Ayoko na kinakausap mo ako. Look at your self, ang cheap mo. Look at me . Hindi tayo magka level kaya imposible kitang maging kaibigan!" Malakas na sabi niya sa akin kaya naman napalingon halos lahat ng tao sa canteen. Alam kong nakakahiya . Sobrang nakakahiya. Kaya naman lumabas nalang ako sa canteen at pumunta nalang sa mini forest ng school namin kung saan may mga bleachers.

"Dude! Di ka pa ba papasok? Bell na ah. Vacant mo ngayon?" Nakakunot ang noo ko na napatingin ako sa kanya. Nakayuko kasi ako habang hinihintay magbell for my next subject.

"Ahh classmate mo nga pala ako kanina kay Ms. Sanchez."

"Kaya pala. May pasok ako ngayon HRM 101. Ano nga pala name mo?"

"Kevin dude. Kilala na kita, Drei diba?"

"Oo. Tayo na. Anong room ka ba? SB301 ako. Baka magkaklase lanb tayo."

"Galing Drei! Magkaklase nga tayo. Lezgo!" Nakakatuwa naman to. Akala ko sad na ang araw ko sa nangyari kanina hindi pala.

Tulad ng first subject namin nagpakilala lang kami tapos hintay lang mag time. Ganon lang din nangyari sa ibang subjects.Tsaka kami pinapalabas. Bawal kasi magpalabas ng estudyante dito kahit may 1minute pa na natitira. Sayang daw kasi ang bayad. Tsaka pag nangyari na pinapalabas ng maaga ang studyante, may deductions yun sa sweldo ng mga guro bawat minuto. Paano ko nalaman? Syempre sinabi nila. Huwag niyo ng itanong kong sino sila. Basta sila.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon