Hannah's pov
"Dad ano bang gusto mong gawin ko para makatransfer ako? Ayoko ko talaga mag-aral sa ZU."
"Bakit ba ayaw mo eh magandang school naman yun ah?"
"Gusto ko naman maging independent dad. Yung decisyon ko ang masusunod at hindi sa inyo kaya gusto kong lumayo muna sa inyo."
"Ugghh..talagang matigas ang ulo mo." Minasahe pa ni dad ang kanya ulo habang nag iisip. "Sige papayag ako pero sa isang condition."
"Anong kondisyon naman dad? Hindi ka ba talaga nauubusan ng kondisyon?"
"Ayaw mo?"
"Oo na, sige na. Ano?"
"Magpakatino ka sa pag-aaral mo. Dapat no grades below 85. Kapag nagawa mo yan, pwede kana magtransfer by next sim."
"Dad pwedeng lower konti sa 85? Parang ang hirap niyan."
"Hindi yan mahirap kung mag-aaral ka. May tip ako sa'yo kung gusto mo malaki grades mo."
"Ano naman yun dad?"
"Huwag kang didikit sa taong bobo. Gets mo?"
"K. Kung makapagsalita akala mo sinong matalino." Pabulong sabi ko.
"May sinasabi ka Hannah?"
"Ah sabi ko ikaw na ang matalino dad." With fake smile
Palabas na ako ngayon sa library ng dad ko. Kahit kailan talaga siya pa rin ang laging nasusunod. Kapag di ka sumunod wala kang pera.
Isip isip kung sinong makakatulong sa akin. Alangan naman si Christine eh make up lang alam non lalo na si Michelle ang baklita kong bestfriend Michael ang real name. Baka may kilala sila na makakatulong sa akin.
-----School-----
Nasaan kaya si Tin? May 35 minutes pa ako bago ang klase ko. Punta muna ako sa canteen.
Pagkapasok ko, nakita ko si Christine at Michael na nag-uusap habang kumakain. Kaya nilapitan ko na.
"Bf! Wooot happened to you? Para kang walang buhay" si Michael yan kung makasigaw wagas.
"Kailangan ko ang tulong niyo." At kinwento ko sa kanila ang napag-usapan namin ng daddy ko.
"Hmm..wala akong maisip na solusyon diyan sis kundi mag-aral ka lang talaga." Sabi ni Tin
May naisip ako ngayon sa nakita ko. Hmm..Si Drei lang naman nakita ko. Sa pagkakaalam ko may gusto daw sa akin to dati pa. Kaya nga naiirita ako sa kanya pag lumalapit sa akin eh. Kasi hindi siya ang type ko. Pwede kong gamitin to, matalino to eh. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit nakapasok to sa school na to kahit alam k0ng palagi siyang nanghihiram ng pera sa mga kaklase niya nong high school pa kami. Bakit ko alam? Eh madami akong friends. Sugar-coated friends, in short, plastic. Kailangan kong maging mabait sa kanya.
"Drei!" Napalingon naman siya sa direksyon ko na nagtataka."Dito ka na umupo." Lumapit naman siya.
"Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong niya.
"Chelax lang Drei! Pag tinatawag ka may kailangan agad? Di ba pwedeng makikipagkaibigan muna?" Sagot ko
"Teka lang bf! Sino ba yan? Nakikipag-usap ka sa cheap na yan? Diba siya yung palaging nanghihiram ng pera sa St. Vincent?" --Michael
"Kung makapagsalita ka ah. Alam ko yang sapatos mo disente, yang suot mong damit ,disente. Eh yang mukha mo, anong nangyari? Aksidente?" Galit na sagot ni Drei
"Bwahahaha..."nakakatawa talaga ang mukha ng bf kong bakla. Hindi nakasagot na iniwan ni Drei.
"Hahaha. Mukha mo bf ! Ano ka ngayon? Yan kasing bibig mo minsan lagyan mo naman ng preno." natatawang sabi ni Tin
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...