Chapter 17

88 8 1
                                    


Hannah's POV

"Sunog! Sunog!" malakas na sigaw ko sa kwarto ni Tin. Kanina ko pa ito ginigising pero ayaw talaga magising.

Nakalimutan ko pala na sabihin sa inyo na magkasama kami sa iisang bahay. Hindi ko nga kasama ang pamilya para maging independent pero meron namang isang kasama ko na sobrang dependent. Gigisingin na nga lang para kumain tagal pa magising.

Ting! May bright idea ako. Hmmm. Ayaw mo magising ha.

Mayamaya lang..

"Waaaah!! Anong nangyari sa mukha ko?!" Rinig kong sigaw ni Tin mula sa kwarto niya.

"Bespren!!!anong ginawa mo sa mukha ko?! Huhuhuhu" naiiyak na tanong niya papasok sa kitchen

"Hahaha.hahaha...akala ko hindi na ako matutuwa sa tagal mong gumising sis!hahaha. Pwede pala kitang pagkatuwaan. Hahaha. Maulit nga bukas.hahaha" nakakatawa talaga ang mukha niya. Nilagyan ko lang naman siya ng makapal na lipstick katulad sa clown. Tapos ang mga mata niya binilugan ko din ng lipstick at nilagyan ng makapal na face powder. Nakakatawa talaga mukha niya. Hinimashimas ko pa ang tiyan ko sa sakit sa sobrang tawa.

Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko si Tin na nakasimangot na nakatitig lang sa akin.

"Kasi naman noh kanina pa kita ginigising para kumain eh hirap mong gisingin." Seryoso kong sabi

" Eh ganda ganda na nga ng panaginip ko gigisingin mo pa?"

"Baka nakalimutan mong may pasok pa tayo ngayon? Kaya ako mauuna na ako sa iyo papuntang school." Nakataas kilay ko na sabi

"Ginawa mo na nga akong katatawanan bf tapos mang iiwan ka pa?" Pangongonsensiya niya

"Abah! Sis wag kang mangonsensiya ha dahil baka nakalimutan mo na pinaglutnd na kita at ginising pa?"

"Sorry bespren. Sige go ka na pagkatapos mo kumain." Nakapeace sign pa niyang sabi.

"Pero sa totoo lang sis, akala ko pampaganda lang yung make up, pampapangit rin pala.hahaha"

Minadali ko na ang pag kain ko dahil malapit na magstart ang first subject ko this day. Hirap kasi gisingin nitong kasama ko. Natagalan tuloy ako sa ginawa ko sa mukha niya.

"Sige sis, mauna na ako. Good luck sa mukha mo!" Pagmamadali kong sigaw paalis.

Pagkarating ko sa school, may tatlong babae ang humarang sa akin. Yung isa maganda, pero alam ko mas maganda ako dito pag naka make up ako. Tapos yung dalawa parang alalay lang kung hindi nagsusuot ng mga branded na gamit. Lalampasan ko na sana sila ng biglang hilahin ang buhok ko at napaatras ako.

"Ouch!Ang sakit non ah!Bakit mo ginawa yun?" reklamo ko

"At bakit naman hindi?" Sagot nung maganda

"Because you don't know me." Cold na sabi ko at nakapameywang pa

"Hahaha. Nagpapatawa ka ba? Ikaw lang naman ang cheap na girl na lumalapit kay Franc."

"Maybe? Kasi tumawa ka. Yun nga lang para kang tanga kasi tumatawa ka na walang nakakatawa!" Malakas na sabi ko."And excuse me? Ako lumalapit kay Franc? Huh! Ang magandang babae hindi lumalapit sa lalaki kundi sila ang nilalapitan at isa na ako dun! Kaya niyo nga ako nilapitan diba dahil sa aking taglay na kagandahan?"mataray na dagdag kong sabi. Akala nila papatalo ako ha.

"Abah at sumasagot ka ha!? Wala pang gumagawa sa akin niyan!"

"Pwes ngayon meron na. " at mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Langya! Baka ma late pa ako dahil sa mga yun.

"Hindi pa tayo tapos! " malakas na sigaw ni ganda habang tumatakbo ako

Hingal na hingal akong nakarating sa room ko. Pero pagkadating ko eh walang tao. Asan kaya sila? Pagkatingin ko sa board. Sheyytt!!! Walang klase. Pabagsak akong naupo sa upuan. Ito yung pinakaayaw ko. Yung nagmamadali ka para sa wala. Kainis talaga!

Pagkababa ko sa first floor may naghihintay sa akin. Mga magagandang nilalang sa kapanahonan na hindi pa uso ang mga tao. At talagang hinintay pa talaga ako ha? O inaabangan talaga?

"So magkaklase pala tayo ngayon?" Tanong ni ganda

" Ano ngayon?"

"Mas may time tayong magkabonding."ngising halimaw ni ganda

"Sugod!" Biglang sigaw ulit niya

Mga walangya talaga. At hinablot talaga nila ang buhok ko ng pagkalakaslakas. Ang sakit kaya. Wala akong magawa dahil tatlo silang sumugod sa akin ng hindi ako ready. Nang magkaroon ako ng chance na masipa sa tiyan yung dalawang alipores ay sinipa ko agad sila.

"Aray!" Biglang sigaw ng dalawa at nabitawan ako. Si ganda hindi ko matamaan dahil nakahila pa rin siya sa buhok ko sa bandang likuran ko at hindi ko siya maabot. Pagkakita ko ng tiyempo ay tinadyakan ko ang paa niya at ng mabitawan niya ako ay sinampal ko siya ng malakas. Napahawak nalang siya sa pumupulang pisngi niya.

"Huh! Mga weak! Hindi niyo ako kaya noh! Wala bang mas challenging diyan sa ginawa niyo?" Nakapamewang na sabi ko

Pinulot ko na yung nalaglag kong siling bag. "Next time bonding ulit tayo, yung mas masaya ha?" Mahinang bulong ko kay ganda at lumakad na ako paalis.

"Hannah!" May tumawag sa akin habang naglalakad ako at lumingon ako sa kanyag

"O Franc, bakit?" tanong ko

"Nakita ko yung nangyari kanina ha. Lalapitan ko sana kayo pero nakita ko na parang hindi mo na kailangan ang tulong ko. "

"Sus! Mahina lang mga yun. Mga fan mo pala yun kaya siguro nila ako sinugod dahil ang sabi nila lumalapit daw ako sayo." Ang totoo kasi sanay ako sa away kasi nga maldita na talaga ako mula bata pa ako.

"Haha. Halata naman siguro na ang dami kong fans dito diba?" Pagmamayabang niya

"Oo,ang dami mo ngang FANS kaya nga ang hangin dito. Alis na ako."

"Teka,kain muna tayo. Treat ko."

"E di sige.libre eh."

Hindi ako sanay magpakipot kung pagkain na ang pag-uusapan.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon