Chapter 26

110 10 2
                                    

Andrei's Pov

"Klein! "Tawag ko sa kanya at binilisan ko ang paglakad ko papunta kay Klein."Sabay na tayo." yaya ko sa kanya. Nakita ko kasi siya na naglalakad sa may hallway.

"Ah sige. Anong oras ba ang klase mo ngayon?"tanong niya

"Ngayon na. 10 am. Ikaw?"

"Mamaya pa 1 pm ang klase ko. May titingnan lang ako na aklat sa library."

"Para saan ba yan?"

"Research paper lang sa Economics."

"Ganun ba. Mamaya ka nalang pumunta, sasamahan kita pagkatapos ng klase ko."

"Talaga?" Lumiwanag ang mukha niya na kanina ay parang namroblema.

"Syempre naman. Pero baka wala kang magawa sa kakahintay sa akin. Gusto mo mag sit in ka muna sa klase ko?"anyaya ko sa kanya na nakangiti. I feel so comfortable kasi sa kanya. Parang nakakawala ng problema kapag kasama ko siya.

"Pwede rin."Nakangiti na sabi niya

"Lezgo?"at hinawakan ko ang kamay niya para maglakad. Ewan ko ba kung bakit bigla ko nalang hinawakan ang kamay niya. HHWW lang. :-P

Pagkapasok namin sa classroom biglang nagsigawan yung ibang kaklase ko kaya napalingon talaga ang lahat sa amin.

"Ow-em-D!!! "

"Kyaahh!!"

"Ahhh!!!!"

Sabay2x na sigaw nila na parang kung ano ang nakita.

Napangisi naman ako. "Ano ba naman kayo? Parang pumasok lang kami kung makasigaw kayo wagas."napalingon ako sa upuan ni Hannah habang naglalakad kami papuntang upuan ko. Siya lang kasi yung iba ang reaction at si Tin.

Nakatutok lang si Hannah sa akin na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig na yun. Nagseselos kaya siya? Huwag masyadong assuming! Sabi ng isip ko. Oo nga pala, baka nag a-assume lang ako.

"Nakakakilig ka kasi Drei! Sana ako nalang kaholding hands mo." Sabi ng kaklase ko na bakla. Aish! In demand talaga ako sa mga bakla.

"Kayo na ba Drei?"tanong ng isa kong kaklase.

"Hindi magiging sila, dahil kami lang ang pwede!"galit na sabi ni Aubrey at lumapit siya sa amin ni Klein kung saan kami nakatayo malapit sa upuan ko. Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay namin ni Klein."Diba Drei?"pang-aakit na boses niya habang hinahaplos ang pisngi ko ng kanang kamay niya.

"At sino ang may sabi na magiging kayo? Ang kapal naman ng labi mo!"biglang hinila ni Hannah ang kamay ni Aubrey na humaplos sa pisngi ko at malakas na tinulak si Aubrey sa sahig.

Nagulat naman ako sa nangyari. Si Klein napatakip nalang sa kanyang bibig at hindi rin nakapagsalita. Siguro naguguluhan rin siya sa nangyayari. Ako nga naguguluhan rin eh.

"Bakit mo ginawa sa akin yun? Pakialamera ka talaga. Marami ka nang atraso sa akin ah!"sigaw ni Aubrey kay Hannah habang tumatayo at pinagpag ang puwetan niya. Kami naman nakatayo lang na parang nanunuod ng boxing ni Manny.

Nakangisi lang si Hannah na may panunukso. "Huh! Kayo nga ang maraming atraso sa akin eh. Palagi niyo lang akong inaabangan kapag ako lang mag-isa. Ngayon one on one tayo? "Panghahamon ni Hannah. Ano bang nangyayari dito? Dahil lang sa HHWW nagkaganito na?

"Tanongin mo kaya ang bestfriend mong traydor?"Nagulat kami sa sinabi ni Aubrey kay napalingon kami kay Tin.

"Anong ibig niyang sabihin Tin?"biglang nanigas sa kinatatayuan si Tin at halatang gulat na gulat.

"A-a-ano kasi..."nauutal na sabi ni Tin

"Siya lang naman ang nag utos sa amin na pahirapan ka Hannah. Which is, gusto naman namin kasi nga nakakainis ka na ikaw nalang ang naging bida kay Franc at pati ba naman kay Drei?"naka crossed arms na sabi ni Aubrey sabay taas ng kilay niya.

Si Hannah parang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Totoo ba ang sinabi niya Tin?"parang naiiyak at nanginginig na boses niya. Namumula na ang mata niya. Naaawa ako sa kanya. Parang pati puso ko nasasaktan sa narinig ko at nakita.

"Yes Hannah, totoo lahat ng narinig mo."ang kanina na parang natatakot na mukha ni Tin ,ngayon naging mataray na.

"Bakit Tin? Sa lahat, ikaw ang pinagkakatiwalaan ko. Kaya pala sa tuwing may umaaway sa akin wala ka. Ikaw pala ang may pakana ng lahat. Bakit mo nagawa sa akin to?"matapang na tanong ni Hannah na pinipigilan lang ang pagtulo ng luha niya.

"Paano kasi, masyado kang pa bida. Bida ka na nga sa ating magpinsan, pati sa school ikaw ang palaging nagugustuhan. Minsan ng ginawa mo na akong alalay, akala mo kung sino kang maganda? Nung nakita ko si Franc, nagkagusto ako sa kanya, pero ikaw ang palaging nilalapitan niya! Nakakainis ka na!" Sigaw ni Tin at sasampalin sana si Hannah pero nasalo ko ang kamay niya.

"Hindi lahat ng gusto mong mangyari ay aayun sa kagustuhan mo Hannah. Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Hindi kana muling mamahalin ni Drei, dahil lahat ng nangyari sayo ay karma mo!"sigaw ulit ni Tin habang hawak ko ang kamay niya.

Hindi ko na mapigilan na manuod nalang. Naaawa pa rin ako kay Hannah sa kabila ng ginawa niya sa akin. "Stop it Tin! Umupo ka na!"galit na sabi ko kay Tin."Kayo! Bumalik na kayo sa upuan niyo!"sigaw ko sa mga kaklase ko. Hinila ko na si Klein para maupo sa tabi ko. Wala pa kasi si Franc.

Hindi ko na tiningnan ulit si Hannah. Alam ko na nasasaktan siya. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin dati. Mabuti na rin na nangyari yan sa kanya. Para naman maranasan at maramdaman niya kung gaano kasakit masaktan ng taong mahalaga sa kanya.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon