Chapter 2

208 10 8
                                    

Andrei's Pov

Andito ako ngayon sa Zanders University, first day of enrollment ngayo kaya maraming tao. Paunahan kasi sa pagkuha ng subjects dito. Private school din ito pero scholar ako . Hindi naman sa sobrang talino ako pero nakapasa lang ako sa scholarship exam nila pero half-scholar lang ako. Hindi naman talaga dapat ako nandito, kaso lang nandito yung inspiration ko. Weird ko noh? Ganito kasi yun.

Flashback

Habang naglalakad ako sa hallway ng st. Vincent school, may naririnig akong nag-uusap ng grupo ng babae.

"Ikaw Hannah saan ka ba papasok ngayong college?"

"Sabi ni mommy sa Zanders University daw. " walang ganang sagot ni Hannah

"Wow galing naman! Panigurado marami kang manliligaw don" sabi nong isang girl

"Bakit? Mag-aaral ba ako doon kung paano magkaroon ng madaming manliligaw?" napangiti ako sa sagot niya.hmm sana may pag asa ako sayo Hannah

"Ay, sungit mo naman friend"

"Hindi ko naman kasi gustong mag-aral don eh. Gusto ko sa kilalang school o kahit saan wag lang sa cheap na lugar na yan. Hindi ko nga alam kung bakit gusto nila ang school na yan. Hindi naman ako pwedeng humindi alam niyo naman parents ko diba? "

"Ano naman kukunin mong kurso?"

"Gusto nila BSHM"

"Ano yun?"

"Hayy daming tanong, anong gamit ng google? Search mo nalang . Kailangan na natin pumunta sa gym may practice pa tayo ng graduation."

So sa ZU pala siya mag-aaral? Hmmm pwede naman ako sa school na yun. Pasado na scholarship ko don.Tsaka kayang kaya ko yang BSHM na yan kung ano man yan. Napangisi ako sa iniisip ko.

"Hoy!! Ang aga-aga para kang baliw diyan nakangiti at kinakausap ang sarili. Hindi ka ba papasok sa grad practice?" Pagkasabi ni Ed niyan tsaka ako nabalik sa diwa ko.

"Taas naman ng speech mo." Pagkasabi ko non umalis agad ako para iwas sa mga tanong niya. Kulit din yan.

END OF FLASHBACK

Naku naman bakit hindi ko pa siya nakikita dito? Hindi kaya ako nagkamali ng rinig? Pero sure ako tama talaga narinig ko. Haist sana lang hindi ko pagsisihan ang desisyon kong to. Iniisip ko pa lang ngiti niya nong high school pa ako talagang maganda na ang araw ko. Wala nga akong absent non para lang makita si Hannah my loves ko.

Pumunta na agad ako sa department namin para sa mga subjects ko at unang nakita ko talaga ang mukha niya. Nakakunot ang noo . Paano kasi may nauna pala sa kanya. Pagkalapit ko

"Uhm h-hi Hannah" nauutal na sabi ko at lalong kumunot ang kanyang noo. Hindi niya kasi ako kilala

"Do I know you?"takang tanong niya

"Ah schoolmate tayo sa St. Vincent"

"Okey" mataray na sagot niya

Taray naman nito, pasalamat talaga siya love ko siya.

"Pareho pala tayo ng kinuhang kurso."

"Hindi ako interesado. Pwede ba stop talking to me. Nakakairita ka." Sakit naman magsalita nito. Di bale may next pa. Hindi ako papaapekto sayo. Ngayon pa magkaklase na tayo. Paana ko nalaman? Sinilip ko kaya subjects niya. Hehehe..

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon