Andrei's POV
"I'm very sorry miss." paumanhin ko sa babae na nakabunggo ko. Pagtingala niya parang kinakabahan ako. Parang anghel ang mukha niya na hulog ng langit.
"Ah... I'm sorry Franc."kinakabahan pa na sabi niya habang nakayuko
"No, it's my fault. And it's not Franc. I'm Andrei, kapatid niya."nakangiti kong pakilala sa kanya at nakikipagkamay sa kanya.
"Ah. I'm Klein (Klayn ) Morales nga pala." Pagpapakilala rin niya habang nakangiti at tinatanggap ang pakikipagkamay ko.
"Ibig sabihin ba niyan magkaibigan na tayo dahil tinanggap mo ang pakikipagkamay ko?"tanong ko sa kanya. Sana lang pumayag siya. Parang ang gaan lang kasi ng loob ko sa kanya. Yung feeling na gusto ko siyang kilalanin pa na hindi ko naman maintindihan kung bakit. Basta yun na yun.
"Aba, ang bilis mo rin ah! Pero syempre naman pwede. Wala rin naman kasi akong masyadong kaibigan dito dahil likas talaga sa akin ang pagiging mahiyain."
"Mabuti naman at pumayag ka. Wala pa rin naman akong masyadong kilala dito kakatransfer ko lang din kasi."masayang sabi ko pa at napakalapad pa talaga ng ngiti ko. Ngumiti rin naman siya.
"Talaga? Kaya pala akala ko si Franc ka talaga."
"Hmm. Mamaya nalang tayo magkwentuhan. Mabuti pa punta na muna tayo sa cafeteria. Libre kita. Let's celebrate for our friendship?"medyo nahihiya pa na sabi ko.
"Haha. Kinacareer pa talaga ang pagiging magkaibigan natin ah. Oh eh di sige!basta ba libre eh!"masiglang sabi pa niya
"Tara!"
Kaya naman pumunta na kami sa cafeteria. Hindi ko masabi kung bakit ang saya ko ngayon. Magulo ang nangyari kanina, pero ngayon alam kong masaya ako. Feeling ko bumabalik ang tunay na ako.
Pagkarating namin sa cafeteria, ako na ang nag order ng pagkain namin. Alam ko na maraming mata ang nakatingin sa amin. Siguro akala nila si Franc ako at may kasama pang babae. Marami kasi ang nagpapapansin kay Franc ngayong ang alam nila hiwalay na si Franc at si Margareth. Pero ang totoo dito lang na issue yan. Pinalabas lang namin na ganun para mahulog ang loob ni Hannah kay Franc. At pag nangyari yun, saka namin sasabihin na engaged na si Franc. Ano kaya ang mararamdaman niya pag ganun?
Pero sa dinami dami ng nakatingin sa amin, isang pares ng mata lang ang kilala ko na parang galit na nakatingin sa akin. Si Tin. Ang dakilang bestfriend ni Hannah. Katabi si Hannah na nakayuko lang at kumakain. Ano naman paki ko sa kanila?
Inilapag ko na ang na order kong pagkain. Ngumiti naman si Klein. Ang ganda niya lalo kapag ngumiti.
"Salamat sa libre ha. " nakangisi pa na sabi niya na parang bata.
"No problem. Let's eat."
Habang kumakain, inoobserbahan ko rin siya. Halatang mayaman. Yung mga suot niya mamahaling brand. Pero ang kilos niya ang simple lang. Hindi maarte at hindi kikay na tulad ng iba ang OA na.
"O ano? Hindi ka na ba kakain niyan? Sabihin mo lang, at lalantakan ko yan."nakangisi pang sabi niya sabay turo ng tinidor niya sa Lasagna ko.
"Gusto mo? Pero hindi ko ibibigay to, ang sarap eh." May halo na panunukso na sabi ko.
"Eh di huwag. Hindi naman kasi kita pinipilit noh, ang sakin lang kung ayaw mo lang."pagmamaldita niya na parang bata.
"Ows.??eh parang tutulo na nga ang laway mo eh. Gusto mo pa noh?"panunukso ko ulit sa kanya at nilapit ko pa yung Lasagna sa bibig niya . Tiningnan niya lang ito at sumubo ng pagkain niya.
"Hindi na. Para ka namang bata.haha. teka nga pala, bakit ngayon lang kita nakilala na kapatid ni Franc? Akala ko kasi walang kapatid si Franc."pag-iiba niya
"Ah, mahabang kwento. Sa haba ng kwento nila hindi ko na alam kung ano ang tama. Ang sigurado ko lang, kapatid ko si Franc. "
"Okey, hindi kita kukulitin diyan. Basta pag kailangan mo ng makakausap pwede ako."
"Salamat. Siya nga pala, paano kayo nagkakakilala ni Franc?"tanong ko
"Nagkakilala lang kami sa mga social gatherings."
"Ah, mayaman ka nga talaga." malungkot na sabi ko
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Pansin niya pala
"May naalala lang. "
"Ano ba iyon?"
"Minsan kasi, nagkagusto ako sa mayaman, pero ginagamit niya lang ako at nilait ang pagkatao ko. Hindi niya kasi alam na mayaman pala ang tunay kong ama."medyo nilakasan ko ang boses ko. Hindi ko sana sasabihin kay Klein yun, kaya lang, nakita ko si Hannah na tumatayo na sa table nila. Kaya tinatantiya ko talaga na marinig niya ang sinabi ko kapag dadaan siya.
Hannah's Pov
Nakatingin ako sa dalawang tao na paparating sa cafeteria. Si Andrei at yung babae na nakabungguan niya kanina. Magkakilala ba sila? Bakit ang saya naman nila?
"Bf, si Andrei oh. Dito mo na paupuin."
"Huwag na sis, kita mo naman na halatang ayaw nila ng istorbo diba."Biglang nag ngitngit ang mukha ni Tin at tinitingnan talaga ang dalawa. Ano ba ang nangyari sa kanya? Parang gustong kumain ng tao ah. Nakakapanibago talaga.
"Sis, hindi niya tinanggap ang sorry ko kaya imposibleng papayag siya na dito uupo."explain ko sa kanya habang nakayuko lang na kumakain. Baka kasi galit siya dahil hindi ko dito pinaupo si Andrei. Pero hindi nagbago ang madilim na aura niya kaya hinayaan ko lang siya.
Nakita kong kumakain na sina Andrei, at ang saya pa talaga nila. Parang nagtutuksuhan. Dati alam kong ganyan si Andrei sa akin pero binalewala ko lang siya. Bakit ngayon masakit para sa akin ang makita siyang masaya kasama ng iba? Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko. At ang mata ko parang gustong tumulo ng mga luha neto. Mahal ko na ba siya? Wala naman akong maisip na ibang dahilan kung bakit ako nagkaganito.
"Tayo na bf. May last subject pa tayo."
"Okey."
Dumaan kami sa table ni Andrei at narinig ko ang sinabi niya na halatang sinasadya na marinig ko talaga.
""Minsan kasi, nagkagusto ako sa mayaman, pero ginagamit niya lang ako at nilait ang pagkatao ko. Hindi niya kasi alam na mayaman pala ang tunay kong ama." Talagang nilakasan niya pa ang boses niya para marinig ko ha.
Tama na Andrei, dahil pinagsisisihan ko na ang nangyari dati. Mabilis akong naglakad palabas ng cafeteria. Sumunod lang sa akin si Tin. Pinigilan ko na hindi tutulo ang luha ko. Pero traydor na luhang to, tumulo talaga.
"CR muna ako Tin."hindi ko na siya tinitingnan at hindi ko na hinintay ang sagot niya. Diretso na akong tumatakbo papuntang CR.
Ganito pala ang pakiramdam ng sinasaktan ng taong mahal mo. Ang sakit. "I'm sorry Drei. Please mahalin mo ulit ako. Gustuhin mo ulit ako."Naiiyak nalang ako sa loob ng CR. Nilock ko talaga ang pinto para walang istorbo.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...