Andrei's POV
"Bro! Gising!"
Napabalikwas ako sa sigaw ni Franc sa tenga ko.
"Ano ka ba? Hindi ka ba marunong kumatok? Nakita mo na tulog pa yung tao iniistorbo pa talaga ako."
"Anong iniistorbo? Kakain na tayo dahil papasok pa tayo. Lagot ka kay dad pag nalaman niyang tulog ka pa."
"Oo na. Susunod na ako. Lumabas ka na." Tinulak ko na si Franc palabas ng kwarto ko.
Pagkalabas ni Franc sa kwarto, tiningnan ko ang orasan ko. Paktay! 8am na. Grabe naman kasi na panaginip yun. Napanaginipan ko na nagmamakaawa daw sa akin si Hannah na mahalin ko ulit siya. Imposible naman yun kasi kabaliktaran daw ang panaginip sa totoong mangyayari. Ang tagal ko tuloy nagising. May pasok pa ako ng 9am.
Dali2x akong naligo at nagbihis tapos pumunta na agad ako sa kitchen para kumain. Nadatnan ko na doon si Franc na kumakain.
"Ano ba ang napanaginipan mo bro at ang tagal mong nagising?"tanong ng makulit kong kapatid.
"Napanaginipan ko lang na hindi natuloy ang kasal niyo ni Marga, at iyak ka ng iyak sa harapan ko. Lumuluhod ka pa nga eh para tulungan ka."seryosong sabi ko pero gusto ko ng matawa
"Huwag ka namang ganyan bro!"malakas na sabi niya.
"Hahaha. Joke lang. Kain muna ako baka ma late pa tayo."
--------
Andrei's POV
"Dito nalang ako Franc. Mas mabilis dumaan dito papunta sa room ko."pamamaalam ko kay Franc. Nasa school na kami.
"Sige bro. Kitakits nalang mamaya." Nakapamulsang sabi ni Franc
"okey."
Habang papunta na ako sa classroom, may narinig akong pamilyar na boses sa likod ng Chapel ng school namin. Kaya napahinto ako.
"Dad, hindi ko na itutuloy ang plano natin. "
"Dad, I can't. Ayoko ng manggamit ng tao. Mabait si Franc. At hindi ko kaya ang pinagagawa mo para lang maisalba ang companya natin. "
"I'm sorry dad. Kung mawala man lahat sa atin, tanggapin nalang natin."
"Alam ko dad. Pero ayokong magustuhan si Franc dahil may iba akong gusto."
Biglang nagdilim ang paningin ko sa mga narinig ko. Hanggang ngayon Hannah wala ka pa ring pinagbago. Nilapitan ko siya.
"So you were still the same Hannah. A user?" Galit na tanong ko sa mahinang boses.
"Andrei?"gulat na tanong niya
"Narinig ko ang lahat. Hindi ka pa ba nakontento sa panggagamit mo sa akin Hannah? Gusto mo pa talagang gamitin ang buong pamilya ko?!"hindi ko na nak0ntrol ang boses ko. Napalakas na ito dahil hindi ko matanggap isipin na pati pamilya ko balak pa nilang gamitin.
"Andrei, let me explain."natatakot na sabi pa niya
"Wala ka naman kailangan iexplain sa akin. Dahil wala tayong relasyon. At hindi mo pa naman na nagawa ang plano mo. Kaya lang sa narinig ko, nanliliit ang tingin ko sayo!"
"Andrei, please listen to me. Kaya lang naman ako pumayag kay dad dahil baka mawala ang company namin."Naiiyak na siya habang nakahawak sa kamay ko pero iwinaksi ko lang ito.
"Anong paki ko? Be fair. Oo nga naman, you're so unfair pala. Kaya nga kaya mong manggamit ng iba diba."pagkatapos ng sinabi ko, naglakad na ako papunta sa classroom ko.
"Andrei gusto kita!"sigaw niya na nagpahinto sa akin. Pero nagpatuloy pa rin akong maglakad.
"Mahal kita! Please mahalin mo ulit ako. Parang awa mo na."naiiyak na sabi niya. Nilingon ko siya. Nakaluhod na pala siya at umiiyak. Parang sumakit ang dibdib ko sa nakikita ko. Nagawa ba talaga niyang lumuhod sa harap ko? Totoo ba na mahal niya ako?
Kung totoo man ang sinabi niya, bahala siya. Tumalikod ulit ako at patuloy na naglakad. Ayokong maapektuhan sa ginawa niya. Nandito ako para maghiganti sa kanya. Hindi para mahalin ulit siya.
-----------------------
Hannah's pov
"Tama na bf. Tahan na."pagkakalma sa akin ni Tin
"Ang sakit pala itaboy ng taong mahal mo.huhuhu. Kung kailan hindi na niya ako gusto saka ko lang narealize na mahal ko siya sis. Huhuhu. Ang sakit. Ganito pala ang pakiramdam. Ganito ang naramdaman niya dati."iyak pa rin ako ng iyak dito sa loob ng school chapel. Wala namang pumapasok palagi dito kapag walang mass.
"Wala na tayong magagawa diyan bf eh. Nangyari na. Kung gusto mo gumawa ka nalang ng paraan para mahalin niya."
"Yun nga ang problema sis, kasi ayaw na talaga niya sa akin. Iniwan niya nga lang ako kanina."nanghihinang sabi ko. Pero ang mga luha ko patuloy pa rin sa pag agos.
"Tin, iwan mo muna ako. Gusto ko lang muna mag isip2x mag isa. Please?"Tumango lang si Tin at umalis.
Tumayo ako at pumunta sa prayer room sa back part ng chapel. Umupo ako sa gilid. Ako lang mag isa pala.
"Lord, alam kong marami akong naging kasalanan sayo. Sana ngayon tutulungan mo pa rin ako sa problema ko."hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil pumapatak na naman ang mga luha ko. Patuloy itong umaagos pero pinigilan kong humagulhol dahil bawal ang mag ingay dito. Hinayaan ko nalang tumulo ang mga luha ko at iniisip ang nakaraan namin ni Andrei.
Naisip ko, dapat pala talagang pahalagahan ang mga tao na nagbibigay halaga sayo. Hindi ko pinansin noon kung paano ako pinahalagahan ni Andrei dahil mas nagfocus ako kung paano magamit si Andrei para makakuha ako ng mataas na grades.
Ngayon nagsisisi na talaga ako. Nasasaktan ako na binalewala lang niya.
-----------------
Andrei's POV
Natapos ang araw na wala ako sa sarili ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at hindi makatulog.
Akala ko sa panaginip lang yung napanaginipan ko. Pero nangyayari talaga kanina. Mahal niya ba talaga ako?
Baka naman gusto niya lang rin akong gamitin ulit. Dahil alam niyang mas may chance na maisalba ang company nila sa akin kasi dati na akong may gusto sa kanya.
"Agghh!!!!!!"sumigaw ako na tinatakpan ng unan ang mukha ko para hindi nila marinig. Gusto ko lang sumigaw para mailabas ang em0syon ko.
"Sino kaya ang tinutukoy niya na gusto niya kaya ayaw niyang ituloy ang plano kay Franc? Ako ba talaga?"tanong ko sa sarili ko. Huwag kang assuming Drei. Sigaw ng kabilang isip ko.
Pagulong gulong nalang ako sa higaan dahil hindi ako makatulog sa kakaisip sa sinabi ni Hannah. Parang gusto ko pa rin siya makasama. Pero parang ayaw ko na rin umasa.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...