Chapter 27

101 9 2
                                    

Hannah's POV

Nakayuko akong naglalakad palabas ng room namin. Expected ko na talaga na hindi kami magkasabay ni Tin ngayon dahil sa nangyari kanina. Sigurado rin ako na hindi na yun uuwi sa tinutuluyan
namin na apartment.

Dumaan ako sa school ground kung saan may mga punong kahoy at upuan sa gitna. Mga puno na hindi naman kalakihan, yung sapat lang na makapagbibigay ng masisilungan sa mga uupo sa upuan kapag sumisikat ang araw.

Huminto ako doon, umupo ako at tumingin sa langit. Pinikit ko ang mga mata ko at biglang nagsilabasan ang mga butil ng luha na kanina ko pa pinipigilan na lumabas. Pinabayaan ko lang itong tumulo ng ilang segundo. I'm sorry Tin. I'm sorry Drew. Saka ako huminga ng malalim at ibinuka ko na ang mata ko.

Tatayo na sana ako ng biglang nag ring ang phone ko. Sinagot ko naman agad ito.

"Yes dad? Anong kailangan nyo?"

"Anak, may progress na ba sa plan mo kay Franc?"tanong agad sa akin ng daddy

"Dad, I already told you about that. Hindi ko na itinuloy yun. Nagiguilty na ako!"napalakas na sagot ko sa daddy ko

"Kung yan ang desisyon mo hindi kita pipilitin. Pero anak, 1 week nalang ang ibinibigay sa akin na palugit ng bank. Kapag hindi ako nakabayad, kukunin na lahat nila ang sa atin."Kinakabahan ako sa sinabi ng papa ko

"Wala na bang ibang paraan dad?"

"Ang naisip ko lang ngayon since kakilala mo naman ang mga Frester, subukan mo kaya na humingi ng tulong sa kanila."

"That's the problem dad. Kasi alam na ni Andrei ang tungkol sa panggagamit sana natin kay Franc."

"What? Paano nangyari yun?"

"Narinig niya tayo na nag-usap."

"Subukan mo pa rin anak. Wala na akong ibang maisip na solusyon. "

"Sige dad. Susubukan ko. Bye."

Walang gana kong tinapos ang tawag.

Kailangan ba talagang mangyari sa akin ang lahat ng to?

Hindi ka na mamahalin ulit ni Andrei dahil lahat ng nangyayari sayo ay karma mo!

Naisip ko ang sinabi sa akin ni Tin kanina. Karma ko na ba talaga ang lahat ng ito? Grabe namang kabayaran to.

Lumakad ako palabas na sana ng gate ng school ng biglang mahagilap ng mata ko si Andrei sa di kalayuan na may kausap. Hinintay ko muna na umalis yung kausap niya saka ako lumapit.

"Drei, pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?"tanong ko sa kanya na may lungkot sa boses ko.

"Ano naman ang pwede pa nating pag-usapan Hannah? Ang dating napipilitan lang na mapalapit sa akin at kausapin ako, ngayon nag eeffort na talaga na makausap ako?"

"Pwede bang doon tayo mag-usap sa hindi masyadong matao?"

"Bakit? Anong kinakatakot mo sa mga tao?" Strikto na sabi niya

" Masyado lang kasing seryoso ang pag-uusapan natin."nakayuko na sabi ko.

"Huh. Alam mo Hannah, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo dati. Pero sige, dahil hindi pa naman ako kagaya mo. Saan ba ang gusto mo?"walang ganang ang boses niya na halatang napipilitan lang.

" Sa likod nalang ng kitchen ng department natin. Wala namang pumupunta dun."

"Ok."

Sumunod nalang ako sa kanya na naglakad. Ilang minuto lang at nakarating na kami. Walang tao kapag walang culinary o HRM students na gumagamit sa kitchen.

"Ang galing mo lang pumili ng lugar ah. Bakit kaya hindi ko naisip ito noon?"tinamaan na naman ako sa parinig niya. "Ano ba yung sasabihin mo?"naiinip na tanong niya habang ang dalawang kamay nya ay nasa hawakan niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Alam ko na kapalan na talaga to ng mukha. Pero gusto ko pa rin subukan."Andrei, baka pwede mo namang tulungan ang kompanya namin. 1week nalang ang binigay na palugit sa amin ng bank."nakayuko kong sabi ngunittumingin lang siya sa akin na parang binabasa niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Tss.." Yun lang ang sagot nya na parang hindi makapaniwal at tumalikod na siya para umalis na sana ngunit bigla akong humarang sa daraanan niya at lumuhod.

Oo makapal na talaga ako and I am so desperate enough para lumuhod at magmakaawa sa harap nya. Para sa pamilya ko to. Kung hindi ko gagawin to, ewan ko lang kung saan kami pupulutin.

"Please Drei, I'm begging you. Please tulungan mo namin ako. Baka makatulong ang papa mo. Please. "umiiyak na sabi ko. "Alam kong nasaktan kita nun, and I'm sorry for that. Pinagsisihan ko na yun. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta tulungan mo lang ako."umiiyak pa rin ako na nakaluhod sa harap niya.

Nakatayo lang siya at walang sagot. Tumingin ako sa kanya ngunit parang ang layo ng tinitingnan nya.

"Tumayo ka diyan. Hindi mo ako madadala sa drama mo."

"Please."pagmamakaawa ko at hindi pa rin ako tumayo.

"Huwag mo ng hintayin na makapagsalita pa ako ng masasakit sayo. Kaya tumayo ka nalang diyan at umalis."

"Please Drei, help me. Gagawin ko lahat ng ipagagawa mo sa akin. Just help me."pagmamakaawa ko pa rin sa kanya.

"Wala akong magagawa para tulungan ka. Kung meron man hindi pa rin kita tutulungan. Alam mo kung bakit? Dahil hindi ka karapat dapat bigyan ng tulong!"malakas at galit na sabi nya.

Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko naman talaga iniexpect na tutulungan nya ako ng basta nalang.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay nya. "Drei I'm sorry. Please patawarin mo ako sa nagawa ko dati."humahagulhol na ako sa iyak.


"Alam mo Hannah, hindi lahat ng tao ay kayang magpatawad sa isang sorry lang. Minsan kailangan ng panahon o pangyayari para magkapatawaran. Kabilang na ako sa mga tao na yun. Kaya sorry ka rin. Matuto ka sa pagkakamali mo. Dahil hindi na ako ang dating Andrei na kilala mo na basta nalang nauuto." pagkatapos nyang sabihin yun iwinaksi nya ang kamay ko at mabilis na naglakad palayo.


Patuloy na umaagos ang mga luha ko at kahit na tumingala pa ako sa itaas patuloy pa rin ito sa pagtulo. Wala na talaga akong magagawa. Ayoko rin kausapin si Franc, dahil sobra na ang kahihiyan na natanggap ko kay Andrei.


Ang dami naman ng problema ko. Ngayon ka pa nawala Tin kung kailan kailangan kita.


Imbes na umuwi ako sa apartment, umuwi nalang ako sa bahay namin. Kailangan ko ng karamay ngayon. Kakausapin ko rin si Daddy.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon