Hannah pov
"First day of school na naman. Meeting new classmates again sis. I just hope we are welcome here." Mahina kong sabi kay Tin. We are now enrolled in other university. Ang Frester University.Si dad talaga nag transfer sa akin dito at sumama naman ang pinsan ko. Alam niyo na, parang buntot ko ito kasi sunod ng sunod. Masyado kasing dependent sa akin to eh.
"You are right bf. Sana walang bully dito." Nakapout pa na sabi niya.
"Tayo na. Hanapin na natin ang room natin." Hinila ko na si Tin ng biglang may nakita akoNg parang pamilyar na rebolto. Teka, siya ba yan? Si Lee Min Ho?
Wahhh!!! Gusto ko ng sumigaw!!! Pero syempre biro lang yun, walang
Lee Min Ho noh. Asa!"Bf! May naiwan ako!" Malakas na sabi ni Tin
"Ano naman?" medyo inis na sabi ko. Ang slow kasing maglakad nito. Slow na nga sa utak, slow pa gumalaw. Pero syempre Mcdo ko ito.Love ko to.Hehe
"Tingnan mo kaya ang paa ko ng malaman mo!"sigaw niya. Aba't sinisigawan na ako nito ah. Pagkatingin ko sa paa niya...
"Pffftt!!!hahahaha..hahaha" tawa talaga ako ng tawa. Paano kasi wala na yung isa niyang sapatos. "Hahaha. Saan na sapatos mo sis?"
"Naiwan kaya, hayun oh!"tinuro pa niya ang sapatos niya. "Kasi naman eh kung makahila ka sa akin wagas. " inis na sabi niya at nag cross arm pa ha.
"Sige na nga kukunin ko na,hahaha. " prisenta ko nalang
Kukunin ko na sana yung sapatos ng biglang may nakapatid nito. Hahaha. Nakakatawa naman to. Huwag mong sabihing kapag aakma na naman akong pulutin to ay may makapatid na naman katulad ng mga napapanood ko sa tv? Nag slowmo pa talaga ako sa pagpulot ng sapatos baka kasi tama ang naisip ko. Pero nong ginawa ko yun iba ang nangyari. May dalawang paa na nagst0p sa paglalakad sa harap ko ng mapulot ko na ang sapatos.
"Tch...para kang tanga." maikling sabi niya. Kaya naman mabilis akong tumayo at tiningnan siya. Kala mo kung sinong makapagsalita ah.
"A-Andrei?" Nauutal na tanong ko . Para kasing nag iba na siya pero yung mukha siya talaga.
"Andrei? Who is Andrei?" Naku english na talaga siya? Lagot tayo niyan.
Nilagay ko yung likod ng palad ko sa noo niya para makasiguro ako na wala siyang lagnat o sakit. Bigla nalang kasing hindi ako makilala. Weird ah! Pero wala naman siyang lagnat.
"Hey! What are you doing?" Naiirita na sabi niya at iwinaksi ng malakas ang kamay ko
"Hey hey ka jan. Huwag mo nga akong ma english english Drei, wala akong dalang tissue."
"Tissue? What's the connection." Nalilitong tanong niya. Hahaha
"Pocket wifi ang gamit ko. Hahaha. Gago! Tissue dahil sa kakaenglish mo baka magka nosebleed ako. Alam mo naman yun diba na mahina lang ang english ko?" explain ko sa kanya. Si Drei ba talaga itong kausap ko?
"Whatever" parang wala lang na sabi niya at biglang umalis.
"Teka, wait! Andrei!" Sigaw ko
"Hindi ako si Andrei!" sigaw na nakatalikod pa rin at patuloy na naglalakad.
Hindi ba talaga siya si Andrei? Pero bakit mukha niya talaga ang nakita ko? Hindi kaya nagpapanggap lang siya na hindi siya si Andrei dahil galit pa siya sa akin sa ginawa ko? Baka ito yung revenge niya na hindi na ako kilalanin. Well, I can't blame him. Ako naman talaga may kasalanan.
Nagtataka ba kayo kung bakit naisip ko na siya talaga yun? Kasi ito ang nangyari bago ako pumunta dito sa bago kong tinitirhan.
Flashback
"Bilis Tin, ang slow mo talaga. Baka darating na si daddy eh hindi pa tayo nakapunta kina Andrei dahil sa kabagalan mo." reklamo ko kay Tin.
Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil naisipan kong pumunta kina Andrei para humingi ng sorry sa kanya at naisipan kung isama si Tin. Pero mali yata ang desisyon ko dahil ang tagal niya sa pag me-make up.
"Eh bakit mo pa kari ako isasama kung magrereklamo ka rin lang?"
"Yun nga ang naisip ko eh. Kaya sige hindi nalang kita isasama."
"Bf naman!hindi ka na mabiro. Teka lang malapit na to. "Tapos naglagay siya ng lipstick na pulang pula.
"Yung totoo, saan talaga tayo pupunta? Sa bar ba? " nakasimangot na tanong ko at nakapameywang pa
"Tayo na lang bf." At kinaladkad na niya ako palabas ng kwarto niya
Nagcommute lang kami. Mahirap na baka malaman nila kung saan kami eh tumakas lang ako kay daddy. Sabi ko lang na dito lang ako kina Tin kaya nga isasama ko ito eh para madali lang magpalusot.
Pagkarating namin sa bahay nina Andrei , ang tahimik. Iba ito kompara ng pumunta ako dito.
"Tao po! Tao po!" Malakas na sabi ko pero walang sumagot
"Baka walang tao bf. Ang tahimik kasi."
"Tao po! " wala pa rin sumasagot
"Malas naman. Bakit ngayon pa walang tao." Sabi ko
"Magtanong tayo sa kapit bahay, baka may alam sila." Si Tin
May nakita kaming nagwawalis na kapitbahay kaya nagtanong nalang kami.
"Ate, may alam niyo po ba kong saan nagpunta ang mga tao diyan? Wala kasing tao eh." Tinuro ko sa kanya ang bahay.
" Ah diyan ba. Umalis silang lahat iha. Hinatid nila yung anak nilang si Drei kasi sa malayo na daw mag aaral. May nagsponsor kasi sa kanya na mayaman. Sagot lahat ng gastos sa paaralan."
"Ganun po ba? Anong school naman po?"
"Naku mga iha, hindi ko alam eh."
"Ah sige po. Maraming salamat po. Mauna na po kami."
"Sige mga iha. Ingat kayo."
"Salamat po. Kayo din po."
End of flashback
At yun nga ang nangyari. Hindi naman imposible na siya talaga yun kasi nga ang sabi mayaman ang nag sponsor sa kanya. Nag iba man yung pananamit niya pero ang mukya niya siya talaga. Naputol ang pag iisip ko ng biglang binatokan ako.
"Naku bf! Maaga pa para sa panaginip mo. Para kang baliw! Akin na nga ang sapatos ko." Malakas na sabi niya
"At batokan talaga ako?" Parang galit na sabi ko
"Eh kanina pa kaya kita kinakausap kaso mukhang maganda yata ang panaginip mo at ayaw mo maistorbo!"
"Oo na. Wag ka lang sumigaw. Masakit sa tenga no." At naglakad na ulit kami para maghanap ng room. After 48 years!nakita rin.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...