Andrei's POV
Week after...
Isang linggo ng hindi pumapasok si Hannah. Bakit kaya? Totoo kaya ang sinabi niya? 1 week yung sinasabi niya sa akin.
Kahit itanggi ko pa, alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Pero gaya ng iba, gusto ko ng mag move on sa kanya dahil sa sakit na dinulot niya sa akin dati.
Naaawa ako sa kanya the time she asked for my help. But I don't want to be fooled again. Kaya nagmamatigas ako. Pero ngayon parang nangungulila ako sa kanya.
Sinubukan kong magtanong sa daddy ko about sa company nila. Nabili na daw ito ng iba. Saan na kaya si Hannah?
"Oh bro?mukhang malalim ang iniisip mo."tanong sa akin ni Franc. Nandito kami sa garden ng bahay namin ngayon. Presko ang hangin dito kaya gusto kong tumambay dito.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Umupo siya malapit sa akin. " Si Hannah ba?" Ang tindi naman bumasa ng isip nito.
"Paano mo nasabi?"
"Simula kasi na mag-absent siya nagkaganyan ka na. Hindi kaya nag drop na talaga yun?"
"Ewan ko. Wala rin kasing alam si Tin. They're not in good terms also."sagot ko naman
"You still love her right?"
"Seriously bro? Nababasa mo ba talaga isip ko? Pwede ka ng manghuhula."dinaan ko nalang sa biro
"Yan rin ang sabi ni Hannah sa akin dati. Ang galing ko daw manghula. Haha."tumawa pa siya. "Bakit hindi ka humingi ng tulong kay dad?" Oo, alam niya ang tungkol sa nangyari sa amin ni Hannah. Sinabi ko sa kanya dahil siya lang naman ang magaan ang loob ko dito sa bahay. Yung mommy namin hindi ko feel. Parang may something sa kanya.
"Ayoko. Ayoko ng maging tanga. Baka kasi gagamitin na naman niya ang kahinaan ko. Mas mabuti na ang umiwas habang mas maaga pa."
"Sabi mo eh."tumayo siya tinapik ang balikat ko. "Alis muna ako ha." Tumango lang ako.
Simula ng mag absent siya, hindi ko na siya muling nakita pa.
After 3 years...
Andrei's POV
Three years na ang lumipas. Nakagraduate na ako ngayon at ako ang namamahala sa isa sa mga hotels ng daddy ko.
Three years na rin nung huli kaming nagkita ni Hannah. Sa mga nangyari sa akin nun, nawalan na ako ng interes sa mga babae. Hanggang one night stand nalang ako. Para lang sa pangangailangan ko bilang lalaki.
Papunta ako ngayon sa isang bar. Nagkayayaan kasi ang barkada. May bago raw kasi silang nadiskubre na bar. Maraming chicks daw . Actually para daw sa mga mayayaman yung bar na mahilig sa babae. Pili lang ang pwedeng pumasok. Naku-curious nga kami kung anong meron sa bar na yun eh.
Pero sabi ni Jeff, may mga babae daw na pwedeng mai-table at mailabas pero mahal yung bayad kasi sigurado daw na malinis yung babae. Ibig sabihin walang sakit gaya ng AIds.
Wala naman akong interes tungkol sa sinasabi nila na babae. Mas curious lang ako sa kung ano ang pinagkaiba dito sa ibang bar.
Pinuntahan ko na ang address na binigay nila. Pagkarating ko, papasok na sana ako pero may humarang na gwardiya sa akin.
"May I.D kayo sir?"
"Bakit kailangan pa ng I.D? Ibang klase."napailing nalang ako
"Listed na po kasi yung mga tao na pwede lang pumasok dito sir."sagot ng gwardiya
"Ha? Talaga? Bar ba talaga itong napuntahan ko?"gulat na tanong ko.
"Yes sir. Not an ordinary bar."wow ha! Englisero si manong guard.
"Okey. heto oh."pinakita ko na ang I.d ko baka kasi kanina pa naghihintay sa akin ang mga kaibigan ko.
Ini-swipe niya lang yung ID ko sa isang parang wallet size na bagay tapos tumatak dun ang PASS. Ibig kaya sabihin nun pwede na akong pumasok? Ang galing lang.
"Pwede na po kayong pumasok sir." Bumukas naman bigla yung pinto.
Pagkapasok ko, hinanap ko agad yung mga kaibigan ko. Ibang klase dito. May mga pole dancers. Meron ding sumasayaw sa gitna. Tama nga si Jeff, magaganda ang mga ito.
Napalingon ako sa kaliwang bahagi at nakita ko ang table ng mga kaibigan ko. Lumapit agad ako sa kanila.
"Ano na pre? Mukhang nag eenjoy kana sa mga nakikita mo ah."bungad sa akin ni Jeff na humihithit ng sigarilyo.
"Tch. Safe ba talaga?"tanong ko. Para kasing nag-iinit ang katawan ko sa mga nakikita ko.
"Ewan ko. Yun ang sabi. May gamit daw kasi sila na nakakadetect kung may sakit ba yung tao. Proven na daw yun. Kaya nga mayaman lang pumapasok dito kasi mahal yung mga babae."ibang klase. Pero parang ayoko. Isang babae para sa maraming lalaki? Kung gagamit ako sa kanila, pang ilan na kaya ako? Huwag nalang.
"Hindi pa rin yun safe."sabi ko nalang.
"Kung ayaw mo di huwag nalang. Uminom ka nalang bro." Si Nash
Kumuha ako ng isang bote ng beer at tinungga ito. Tumingin ako sa babae na sumasayaw sa gitna. Mukhang kakasayaw lang neto dahil hindi siya yung sumayaw kanina na nakita ko.
Fuck! Bakit bumilis ang tibok ng puso ko? Yung kilos at mukha niya parang pamilyar sa akin. Siya ba talaga yan?
Hindi ako pwedeng magkamali. Si Hannah talaga yan. Pero imposible naman yata.Medyo makapal lang ang make up niya kaya hindi ko siya nakilala agad.
Pero bakit? Bakit siya sumasayaw sa ganitong lugar?
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...