Chapter 9

81 10 1
                                    

Andrei's POV

"Anak, kumain ka na. Bakit ba nagkaganyan ka? Palagi ka nalang tulala." Kumakain kami ngayon ng mama ko pero malapit na siyang matapos habang ako isang subo pa lang yata ang nakain ko. Nasa school na mga kapatid ko kaya kami nalang dalawa sa bahay.

"Ma, bakit ba hindi pantay ang Diyos? Bakit tayo halos wala ng makain tapos yung iba nagtatapon lang ng pagkain." biglang nalang akong napahinto sa pagsasalita dahil tumutulo na luha ko." A-ako ayaw ng ba-baeng nagustuhan ko sa akin da-dahil mayaman sila at mahirap tayo. " pinahid ko muna yung luha ko at kumalma bago nagsalita ulit."Nong nagkaroon na ako ng chance sa kanya, sa-saka naman may eeksena. Bakit lahat ng problema sa atin ibinigay ng Diyos? Bakit yung iba mayaman na nga nakuha pa nila lahat ng gusto nila.?"pinigilan ko na ang sarili ko na humagolhol ulit ng iyak dahil nakakahiya na sa mama ko.

"Anak walang problemang ibinigay ang Diyos sayo kung hindi mo kaya. Magtiwala ka lang sa kanya."

"Sana nga ma, ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae."

"Kung kayo talaga ang para sa isa't isa anak, kayo talaga ang magkakatuluyan."

" Ewan ko ma, sana siya talaga ang para sa akin. Noon pa man gusto ko na talaga siya, at nong napalapit ako sa kanya, mahal ko na pala siya."

"Mabuti pa anak tapusin mo na yang kinakain mo,may pasok ka pa."

"Okey ma,salamat sa paalala."

Hannah's Pov

"Talaga bf? Ginawa mo yun?" Pangungulit sa akin ni Tin. Andito na kami sa school ngayon sa Diners, halos BSHM students lang ang kumakain dito dahil malapit lang to sa department namin.

"Oo, hindi naman ako papayag na mabalewala lang ang pinaghirapan ko noh. May isang exam pa akong dapat ipasa kaya inunahan ko na ang Ed na yun. Tingnan lang natin kung kanino maniniwala si Drei. " nakangiti ako sa sinasabi ko. Hindi ako maiisahan ng baklang yun. Isang exam nalang kailangan ko at sure ako na malalaking grades ang makukuha ko. Pagkatapos non e di goodbye ZU.


Andrei's pov

Maaga ako para sa klase ko ngayon. At pagkakita ko kay Ed bigla nalang siyang lumapit sa akin. Hindi ako kumibo at hindi ko siya nililingon dahil may kasalanan siya sa akin. Naintindihan ko naman na magkagusto siya sa akin na di niya sinasabi dahil alam ko kung gaano kahirap umamin sa nararamdaman. Pero yung pati si Hannah ay pagbantaan , hindi ako papayag dun. Tsaka sana lang di niya ipinaalam kay Hannah na gusto niya ako, nawala tuloy ang chance ko.

"Bro, bakit ang tahimik mo? Nakita ko kayo kahapon ni Hannah, may nangyari ba?" Ramdam ko ang sensiridad sa sinasabi niya

"Ano kaya sa tingin mo?"

"Dudes! Bakit ang seryoso yata ng pinag-usapan niyo diyan? Tsaka himala ah! Ang aga niyo ngayon!"pasigaw na sabi ni Kevin ng dumating siya

"Himala nga bro! Kasi ang aga mo!" Bulyaw naman sa kanya ni Ed. Ako tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana.

"Ano ba kasi nangyari dude? Bakit ganyan yan? " makulit talaga ang Kevin na to. Saktong dumating ang teacher kaya bumalik na si Kevin sa upuan niya. Wala pa rin si Hannah. Bakit kaya? Dahil kaya kahapon?

Pagkatapos ng klase namin, pupunta sana ako sa library. Kaya lang pag akyat ko sa hagdan bigla nalang ako hinila ni Ed sa braso.

"Bro, kailangan natin mag-usap." Seryosong sabi niya

"Ano naman pag-uusapan natin?" Walang ganang sagot ko. Alam ko naman kung ano ang pag uusapan namin pero wala pa ako sa mood para dito.

"Bro, kailangan mong layuan si Hannah, narinig ko sila, ginagamit ka lang niya."

"Kung ginagawa mo lang to para mapaglayo kami Ed, pwes nagkakamali ka. Dahil alam ko na ang lahat. "

"Anong alam mo?"naguguluhan na tanong niya

"Alam ko na na gusto mo ako at gagawin mo ang lahat para mapaglayo kami ni Hannah!" Napasigaw na ako. Wala naman nakakarinig. Konti lang naman pumupunta sa library na napadaan dito.

"Yan ba ang sinasabi ni Hannah sayo?. Oo may gusto ako sayo at oo sinasabi ko rin sa kanya na hindi ako makakapayag na maging kayo dahil alam kong ginagamit ka lang niya!" Napailing pa si Ed at hinimas ang baba niya saka nagpatuloy sa sinasabi niya. Nakitingin lang ako sa kanya. " Huh! Bakit nga ba ako nag eexpect na sasabihin niya sayo na ginagamit ka lang niya?! "

"At bakit naman ako maniniwala sayo?" Mahina na ang boses ko pero galit pa rin ako

"E di sige siya ang paniwalaan mo. Ano pa ba ang aasahan ko sa lalaking patay na patay sa babaeng gusto mo? Basta binalaan na kita." Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin habang nagsasalita

"Kung totoo man ang sinasabi mo. Problema ko na yun. Hayaan mo nalang munang maging masaya ako kahit sa ganitong paraan lang." Nakayukong sabi ko. May parte sa pagkatao ko na naniniwalang tama siya. Pero gusto ko rin munang sumaya kung totoo man ang sinasabi niya. Saka ko nalang iisipin pag nagkaproblema na.

" Ganito lang siguro ang magmahal. Minsan nagpapakatanga ka pa kahit alam mong ginagamit ka na." malungkot na sabi ko pero ngumiti agad ako at" Kaya sana maiintindihan mo bro?or sis?" dugtong ko pa na nakangiti. Gusto ko na kasi magkabati kami kahit bakla pa siya kaibigan ko siya.

" Uhmm."ngumiti muna siya at nagsalita" hindi kana galit sa akin? Tanggap mo ako?"

"Oo naman. Kaibigan kita noon pa. Yun nga lang kaibigan lang talaga bro. Kaya bawas bawasan mo na ang gusto mo sa akin. I'm taken."

" Hindi lahat ng kaibigan mabait lang sayo pag kaharap ka, minsan pinapangarap kana pala pag nakatalikod ka." At ngumiti siya. "Pero hindi yun hadlang para magmahal ka ng iba, dahil masaya na akong makita kang masaya." Pagkatapos niyang sabihin yun, tinapik pa niya balikat ko

"Salamat bro. Teka, bakit nga pala walang nakakaalam na bakla ka?"

"Hindi pwede. Baka mapatay ako ng daddy ko.Kaya huwag mong sabihin ang sikreto ko sa iba ha."

"Okey! Tara na nga. Pupunta na ako ng library. Tapos na ang drama."

Hayy salamat at okey na. Kakausapin ko nalang si Hannah pag nagkita kami.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon