Chapter 8

76 9 8
                                    


Andrei's POV

"Ano kaya yung full name ni Ed? I am right? Tama ako?Ahahahaha..!." habang gumagawa kami ng lyrics na galing sa topic namin, bigla nalang tumatawa ng malakas si Kevin. Gets na niya siguro. Kaya asar na mukha ni Ed.

"O ano dude? Kuha mo na?Hahaha" natatawang tanong ko.

"Oo diba Eddie Tama Co?hahaha..galing ah. Parang pinaghandaan talaga ng parents mo ang name mo." Pang-asar ni Kevin

"Sabi ko nga eh PERPEKTO nalang tawag ko sa kanya kasi lagi nalang siyang tama.hahaha"

"Tumigil na nga kayo diyan.Kala niyo naman ginusto ko ang pangalan na yan!" Naiinis na sabi ni Ed. Pero hindi naman magagalit yan eh. Ganyan lang talaga yan pag pangalan niya pinag uusapan.

"Sige na. Ituloy na natin to at ng makauwi na ako." Pag iba ko nalang

------

Andrei's pov

Pauwi na ako ng makita ko si Hannah na nakaupo malapit sa gate na mga upuan. Parang may hinahanap. Kaya naman nilapitan ko na.

"Hannah, hindi ka pa pala umuwi."

"Ah oo. Hinintay talaga kita."

"Bakit naman?" Parang gusto ng sumabog ng dibdib ko.

"Gusto lang kita ilibre dahil sa pagtulong mo sa akin kanina."

"Naku Hannah wag na. Di naman lahat ng bagay dapat may kapalit eh." Bigla nalang siyang natahimik sa sinabi ko

Hannah's pov

Natamaan ako sa sinabi ni Andrei.kasi ganun ako pinalaki ng dad ko. Parang lahat may kondisyon. Mabait talaga si Drei. Sa ilang araw lang naming magkaibigan unti2x ko siyang nakilala. Nakakaguilty tuloy.

"Pasensiya ka na Drei . Ganyan kasi ako eh."

"Pwes ako hindi. Kaya huwag mo na isipin yun. Mauna na ako sayo ha? Sa pagkakaalam ko kasi susunduin ka."

"Sige. Next time nalang ulit.bye"

Ganito ang nangyayari sa amin halos sa lahat ng araw. Magkasabay kami papuntang gate , laging nag-uusap at tinutulungan niya rin ako sa mga mga subjects ko. Ilang buwan na rin kaming ganito. Malaki na nga y0ng grades ko sa prelim and midterm eh. Lahat ng to ay dahil kay Drei. Hanggang sa isang araw...

"Huwag mo ng ituloy ang pagpapanggap mo Hannah. Hindi ka ba naaawa kay Drei?" Biglang sulpot ni Ed sa harap ko. Oo kilala ko siya dahil may subjects din na magkaklase kami at palagi siyang kasama ni Drei. Minsan nga naiisip kong bading ito eh. Iba kasi makatingin sa akin pag magkasama kami ni Drei.

"Anong ibig mong sabihin?"pagmamaang maangan ko pa. Alangan naman aamin agad ako diba? Walang magnanakaw na aako na nagnakaw siya.

"Narinig ko kayo ng kaibigan mo na nag-uusap na nagpapanggap ka lang maging kaibigan niya." Kalmado pa rin ang boses niya pero halatang nagtitimpi lang dahil baka may makarinig.

"Eh ano naman pakialam mo?" Hinila niya ako malapit sa gym .wala kasi masyadong dumadaan dito bago magsalita.

"May pakialam ako dahil kaibigan ko siya!" Halos pasigaw at galit niyang sabi.nakakahalata na ako ha

"Ows? Yun lang ba?"

"Nong una pinapalampas ko lang dahil alam kong gusto ka niya at diyan siya masaya. Alam kong alam mo yan kaya nga ginamit mo ang kahinaan niya diba?"

"Eh diba dapat nga magsaya ka kasi masaya siya sa ginagawa niya? Favor ko na nga yun sa kanya eh kasi ako na ang lumalapit sa kanya para mapalapit siya sa akin. At hindi ko na siya kailangan ipagtabuyan sa harap ng maraming tao."

"Masaya nga siya pero pag nalaman na niya ang totoo magiging masaya pa kaya siya? Ha?!" Galit na sabi niya

"Problema niya na yun.!hindi sa akin at hindi sa'yo! Kung makapagreact ka kala mo ina."

"Bakit ? Ina lang ba pwedeng magkaganito? Ganito ako dahil noon pa man gusto ko na siya. Pero hindi yun pwede. Kaya pinanatili ko lang ang pagiging magkaibigan namin dahil makita ko lang siyang masaya, masaya na ako. Pero kung katulad mo lang din ang mamahalin niya, huwag na! Kaya mabuti pa itigil mo na yan. Bago ko pa masabi sa kanya."

"Natakot naman ako sayo girl! Ows mali pala, bakla pala. Hahaha...e di gawin mo kung kaya mo! Ngayon pa na may alam na ako sayo! Makaalis na nga. You're wasting my time." Sabay talikod ko.

Ed's Pov

"Huwag na huwag kang magkakamaling sabihin sa kanya ang tungkol sa akin." Pagbabanta ko kay Hannah bago pa siya makatalikod eh nahawakan ko pa ang braso niya. Iwinaksi niya lang kamay ko at umalis.

"God! Bakit ko pa kasi nasabi yun? Nadala lang ako ng aking emosyon." Pagkasabi ko nun napasuntok nalang ako sa hangin.

Tama kayo ng basa. Gusto ko si Drei pero hindi niya alam. Walang nakakaalam na ganito ako kasi sigurado akong malalagot sa daddy pag nalaman niya na lalaki ang gusto ko. Takot ko nalang dun. High school palang kami hanga na talaga ako kay Drei. Sa pagsisikap niya kahit mahirap lang siya, saka syempre gwapo din yun. Yun nga lang walang fashion ang pananamit niya. Yung simple t-shirt lang at jeans. Makita ko lang siya , inspired na ako. Tama na nga ang drama.

Pauwi na sana ako pero nakita ko si Hannah at Drei na nag uusap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Masaya pa silang nag uusap nung una, kaya lang bakit, bakit biglang naiiyak si Drei? Gusto ko sanang lumapit kaya lang baka makita nila ako. Wala kasing mapagtataguan. Mukhang galit na galit si Drei. Naikuyom pa niya ang kamao niya. Nacurious tuloy ako sa pinag-usapan nila. Hindi kaya sinabi na ni Hannah ang tungkol sa pagpapanggap niya?

Andrei's pov

Walang hiyang Ed yun. Akala ko pa naman kaibigan ko siya. Pinagkakatiwalaan ko pa naman siya. Yun pala gusto niya lang ako kaya pala ayaw niyang magkasama kami ni Hannah. Kaya pala hindi siya boto kay Hannah. Shit! Kung hindi pa sinabi sa akin ni Hannah eh wala akong alam ngayon.

Flashback

"Hannah! Uuwi ka na ba?!" Sigaw ko sa kanya nung makita ko siyang naglalakad papunta sa gate.

"Oo. Bakit?"

"Pwede ba tayong mag usap kahit sandali?"

"Ano naman pag-uusapan natin?" Nagtatakang tanong pa niya

"Ah..ahm...ano kasi, pwede ba akong manligaw sayo?" Wooh! Nasabi ko din. Sana lang pumayag siya.direktahan na talaga to.hindi na talaga ako makahintay

"Ano kasi Drei, may problema kasi."

"Bakit Hannah? Wala ba talagang chance? Magsisikap ako para maging magka level tayo. Gagawin ko lahat para sayo. Noon pa kita gusto Hannah nong High school pa tayo. ngayon lang ako nagkalakas loob na magsabi sayo."

"Hindi yun Drei."nakayuko na sabi niya

"Eh ano? May iba pa bang dahilan? Ano yun?"

"Kasi si Ed, kinausap niya ako kanina . Sabi niya gagawin niya daw lahat na hindi maging tayo.Alam niya kasi na balak mo akong ligawan at may gusto din siya sayo. Imposible ang sinasabi mo Drei dahil natatakot ako sa pwede niyang gawin. Kaya kung pwede lang hanggang kaibigan nalang tayo.

"Sinabi niya yun?May gusto siya sa akin?" tumango lang siya.Galit ako sa nalaman ko. Dahil kay Ed nawala ang chance ko kay Hannah. Kaya napayuko nalang akong umalis.

End of flashback


Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon