Hannah POV
"Bf? Bakit para ka na namang wala sa sarili mo? Hindi ka na nga pumasok kahapon pero ngayon parang katawan mo nandito pero ang utak mo ang layo." Niyuyogyog pa ni Tin ang balikat ko habang nagsasalita.
Malalim talaga iniisip ko. Kayo ba naman ang sabihan na malulugi na ang negosyo? And mas malupit pa dito eh kelangan ko talaga manggamit ng tao para lang masalba ito? At ako pa ang kailangan gumawa nito? Naku naman Lord, wala na ba ibang paraan? Help me naman...
"Booh!" Panggulat sa akin ulit ni Tin. Tinapat pa talaga sa tenga ko.
"Lakas nun sis ah! Sakit sa tenga."reklamo ko
"Ikaw kaya magsalita na lutang ang kausap mo bf?"malditang sagot niya with matching taas ang dalawang kilay
"May problema lang kasi kaya nga ako nag absent kahapon. Pero don't ask any questions nalang dahil family matters lang talaga."explain ko sa kanya
"Hmmp. So hindi ako family?"nagtatampo na sabi niya
"Iba kasi yun. Basta hindi talaga pwede sabihin ngayon sis. Pero malalaman mo rin pagdating ng araw."
"Paano kita matutulungan kung ayaw mo sabihin sa akin?"nag-aalalang sabi ni Tin
"Huwag ka ng mag-alala. Okey? Kaya ko na to."panigurado ko sa kanya. Kailangan makita niya na okey talaga ako kasi mangungulit at mangungulit lang yan. Kilala ko na ang bf ko dahil nga maliban sa mag bestfriend kami ay magpinsan pa kami. Pero kahit na pinsan ko siya, hindi pa rin pwedeng sabihin ang tungkol sa plano ni dad.
Wala na talaga akong choice. Nakapagdesisyon na ako. Kung mapaibig ko man si Franc, hindi naman siguro mahirap na mahalin siya. Naku! Naisip ko naman yung hinalikan niya ako. Gusto niya ba talaga ako? Aish grabe naman parang lumalakas ulit ang tibok ng puso ko. Ganito rin yung nararamdaman ko nun kay Andrei.
Kring...kring...kring...
"Tayo na bf. Mamaya na yang problema mo. May pasok pa tayo."hinila na ako ni Tin at napasunod nalang ako
Pagkarating namin sa classroom nandito na pala si Franc. Katabi niya yung classmates ko na sa tingin ko ay gumanda lang dahil sa make up niya. Hindi tulad ko na walang hilig sa make-up pero marunong ako maglagay nun dahil ginagawa ko yun pag kailangan o may mga okasyon. Magaling siya mag-ayos , hindi yung tulad ng iba na nasobrahan sa make-up. Pagkarating ko sa tapat nila, tumayo naman si Trina , name niya yan, at bumalik sa upuan niya. Syempre, magkatabi yata kami ni Franc.
Hmm.mas matangkad ako sa kanya at mas sexy. Sigaw ng isip ko. Teka? Bakit ko ba kinokumpara ang sarili ko sa babaeng yun? At bakit ko naman pinoproblema yun? ugghh!!sakit sa ulo. Ang daming pumapasok sa isip ko.
"You're acting so weird." Biglang sabi ni Franc na ikinagulat ko
"Ha? Ah eh bakit mo naman nasabi yun?"
"Pansin ko lang, parang ang lalim ng iniisip mo."Pati ba naman siya pansin niya rin?
"Ah wala, may problema lang sa bahay." Sabi ko nalang
"Ganun ba? Business?" Tanong naman niya
"Paano mo naman nalaman?"
"Wild guess?"Patanong na sagot niya
"Ang galing mo naman manghula. Ba't ka pa nag-aral?"
"Hahaha. Walang mayaman sa manghuhula eh."
"Meron sana kung naging manghuhula ka."
"Kung lahat ng hula ko ay sakto, sana sakto rin ang hula ko na maging tayo."biglang seryoso ng mukha niya na kanina lang ay tumawa,at ganun din ako.
"Ha?what do you mean?"tama ba ang rinig ko?baka ito na ang chance at hindi ko na talaga kailangang mag effort na magustuhan niya.
"Ah, wala."
Bigla ko nalang naramdaman na may kumalbit sa gilid ko. Si Tin pala paglingon ko.
"Start na ng class, itigil niyo na ang kwentohan niyo."pabulong na sabi ni Tin sa akin
Oo nga pala class na. Pambihira. Chance na yun. Tapusin na ang klase please.
Andrei's POV
"Uuwi ka na bro? Tapusin mo na muna diyan. Ayoko na bumalik diyan, nakakabagot. Hindi ako sana diyan."
"Uuwi na talaga ako. Ayoko rin dito noh. Pinagbigyan lang talaga kita sa kagustuhan mo na magpalit tayo.Ikaw ang pinag aral ni dad dito ha hindi ako. "
"Hindi na ba talaga mababago ang isip mo?"
"Hindi na talaga. Miss ko na si Margareth bro. Kung hindi ka lang talaga nakiusap sa akin talagang hindi ako papayag dito. Isa pa baka malaman pa ni dad yung pinaggagawa natin. Ako ang malalagot dun."
"Oo na. Kakausapin ko na lang si dad na uuwi na ako. Babalik na ako diyan , umuwi ka nalang dito. "
"Good bro. Just convince dad. Goodluck.hahaha"
"Sige ." At pinindot ko na ang endcall . Nakakawalang gana naman. Kung kailan nagstart na akong magparamdam kay Hannah ngayon pa nagdecide umuwi. Sana nga maconvince ko si dad.
Kung naguguluhan kayo, ganito yun. Nung time na tumawag sa akin si Franc na sa school pala ni dad si Hannah nag aaral, pinakiusapan ko siya na magpalit muna kami. Ako bilang si Franc at si Franc bilang ako. Hindi naman siya nakatanggi dahil nga ngayon lang ako humiling sa kanya.
Matagal ko ng alam na Frester ang totoo kung pamilya, yun nga lang hindi pa clear sa akin ang lahat kung bakit nagkahiwalay kami kasi parang may kulang sa mga sinasabi nila. Aalamin ko rin yun. Kahit alam ko na si Mr. Simon Frester ang totoo kung ama, hindi ako humihingi ng tulong sa kaniya. Minsa kasi binisita niya ako sa amin kasama ang asawa niya, palaging nakataas ang kilay ng donya. At minamaliit lang kami. Kaya kahit alam ko na mabait ang daddy, hindi na ako humingi ng pabor sa kanila.
Pero after nung nangyari sa amin ni Hannah, pinakiusapan ko ang daddy ko na tulungan ako sa pag-aaral ko. Kaya yun nga pinag aral niya ako sa Amerika. Pero bago ako umalis , pinakiusapan ko rin si Franc na tulungan ako maghiganti kay Hannah. Pumayag naman siya para naman daw makabawi siya sa ilang taon na hindi kami nagkasama. May pagkadrama din.
--------
Andrei's Pov
"Bro! Uuwi na ako bukas, buti nalang at pumayag si dad." Masiglang sabi ko kay Franc sa phone
"Eh di mabuti, gusto mo maghanda ako ng party?"
"Huwag na! Hiya naman ako sa friends mo, lahat sila ang bisita ko. Eh di parang party mo na yun!" malakas na sabi ko
"Hahah.hayaan mo na bro. "
"Sige bro. Mag-iimpake pa ako."
"Okey."
MAkakauwi na rin. Magkikita na ulit tayo Hannah bilang ako at hindi bilang Franc.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...